"AIRA LUNCH tayo," wika ni Eunice sa akin.
Tumango ako bilang sagot sa kaniya. Agad kaming nagligpit at tumungo sa cafeteria para kumain. Pumasok na kami ng elevator at pinidot ang floor pero bigla na lang may pumigil sa pagsara nito.
Napatingin kami ni Eunice sa limang lalaki na pumasok sa loob ng elevator. Napasiksik kami sa gilid dahil ang lalaking bulto ng limang 'to. Nasa private elevator ang mga maintenance kanina kaya paniguradong may sira iyon kaya na sa public elevator sila.
Mula sa peripheral vision ko ay kitang kita ko ang pag lingon sa akin ng lalaking ilang gabi na akong hindi pinapatulog at matamang nakatitig. Tumikhim ito kaya napatingin ako sa kaniya. Nicolai...
"Sir.. G-good noon po.."
Malamig lang ang tingin niya at isang walang buhay na tango ang sinagot sa akin. Umiwas siya ng tingin at humarap sa pinto ng elevator. 'Ang bipolar! Bwisit! Seryoso lang ang apat na kasama niya. Sa pagkaka alam ko sila ay sina Sir Armione, Jakobe, Drei at Keith. Mga mukha silang iritable lalo na 'yong si Sir Armione. Grabe nakakatakot ang dilim ng aura niya.
Pagkabukas ng elevator ay nagmamadali kaming lumabas at dumiretso sa cafeteria. Hanggang ngayon parang nararamdaman ko pa rin ang nakakabang presensiya ng mga big boss. Pumila na kami at bumili ng makakain. Umupo kami sa isa sa mga bakanteng lugar at nagsimulang kumain.
"Girl, grabe ang tensyon sa loob ng elevator kanina 'no?" Panimula ni Eun. Napansin niya rin pala iyon?
"Oo nga eh. Akalain mo 'yon Eun. Hindi ako pinansin ni Nico.."
"Oo nga eh. Pero makatitig sa'yo kanina wagas! Shet natunaw ka nga ata Aira eh!" natatawang sabi ni Eun.
"Gaga! Pero nakakatakot si Sir Armione 'no?"
"Truth! Grabe girl! Kita mo 'yong mukha niya? Parang papatay pero ang pogi niya parin." Humagikhik siya na para bang kinikilig.
Tango lang ang sagot ko. Oo nga na ang pogi niya pero para sa'kin mas pogi si Nico. Napangiti ako nang maalaala ko iyong nangyari sa office niya at sa sasakyan. Nakakakilig ng fallopian tubes naman talaga.
"Ay oh! Mukang tangang nakangiti oh!" pangaasar ni Eunice sa akin.
Lumapad lang ang ngisi ko sa sinabi ni Eun. Nasa genes na ata ng mga Ybañez 'yon. From their thick eyebrows, pointed nose, thin lips and prominent jaw. Pati sa katawan walang tulak kabigin. Lahat laman ng tiyan. Plus ang mga mata nila na akala mo ay nanghahalukay ng kaluluwa.
I rolled my eyes at her. "Wateber!"
Tumawa lang siya.
Nagpatuloy ang araw ko na walang hassle. Halos matapos ko na nga ang para bukas na trabaho ko, ganoon ako kasipag. Isang boung araw din kasing hindi ko nakita si Sir Nicolai. Mukhang nagkaroon sila ng meeting na talaga naman inabot ng ilang oras.
Nasa labas na ako ng building at naghihintay ng masasakyan nang may humintong kotse sa harap ko. Mataman kong pinagmamasdan ang kotse ng bumukas iyon at bumaba ang isang babae. Matangkad ito at mukhang mayaman. I mean mayaman talaga. From her blonde hair to her red stilettos, yayamanin. Lumapit ito sa akin. Sa harap ko mismo.
"Aira? Right?"
Napatango ako. Pilit ko inaalisa kong nakita ko na bang babaeng ito pero hindi talaga. Maganda siya, pero mas maganda ako. Baka artista? Naku! Hindi pa naman ako nanonood ng tv.
"Ano pong kailangan niyo-"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko na ang init ng palad niya sa pisng ko. Tiningnan ko siya nang masama at gano'n din siya sa akin. Wala man lang warning si ate, ang bangis mo gerl.
"You slut!"
Akmang susugurin niya ako nang may isang malakas na braso ang pumulot sa bewang ko at ikinulong ako sa mga bisig. Naamoy ko ang pamilyar na pabango niya. Naguguluhan man ako sa inasal ng babae ay hinayaan ko na lang ang sarili ko sa mga yakap ni Nico. Mas masarap kayakap ang lalaking 'to kesa naman makipag-sampalan sa babaeng 'yon.
"What are you doing here?" madiin na salita ni Nicolai at naka-igting ang panga.
"Bitawan mo nga ang babaeng 'yan Nicolai! She's a w***e!" ani ng babae.
"Be careful with your words Therese. I might cut your tongue out from your filthy little mouth." Naniningkit ang mata ng babae sa akin. Feeling intsek!
"She's a gold digger!" Turo niya sa'kin. "This must stop! Nahihibang ka na Nicolai! You're just.. Whatever!" Padabog itong sumakay ng sasakyan at tuluyang umalis.
"Are you okay? I'm sorry about Therese's behavior. She's just nineteen years old," depensa ni Nicolai sa babaeng san goku dahil sa buhok niyang blonde.
"Nineteen lang 'yon?! Ang sakit ng sampal niya Sir Nicolai ah! Nanggigil ako. Naku! Stap me!" naiinis na sabi ko.
Bahagya niya akong inilayo at hinawakan ang pisngi kong sinampal habang nakangiti. "You're still pretty as ever." Patuloy nitong hinahaplos ang pisngi ko na para bang mabubura niyon ang kirot.
"Wag mo akong utuin."
"Ganda mo.."
"Alam ko 'yon!" pagtataray ko pero pakiramdam ko nagwawala mga bulate ko sa tiyan.
"Ganda mo talaga."
"Oo na nga! Kainis to." Natatae na ata ako sa kakasabi niya na maganda ako.
"Mas maganda ka pag naiinis."
"Bwisit 'to! Gusto mo ba akong mangisay dito?!"
"Okay lang. Maganda ka parin habang nangingisay.."
Hinampas ko ang balikat niya dahil pulang-pula na ang pisngi ko sa kilig. Pucha! Hihimatayin na ata ako. Tumawa lang ito at muli akong niyakap. Namumuro na 'to ng tyansing ha. Boypren ko ba 'to?
"Pero kahit na maganda ka. It doesn't mean that they're allowed to hurt you."
"O-okay lang naman.." basta ba ikiss mo. Napailing ako dahil sa malandi kong other self.
Hinalikan niya ang ulo ko at mas humigpit ang yakap niya. Sherep nemern ng maskels..
"I feel your mounds baby. So flat.."
Tinulak ko siya palayo sa akin at tinitigan nang masama. "Gago!"
Tumalikod na ako naglakad paalis. Akala ko pa naman romantic na ang scene naman, iyong parang sa korean drama na napanood ko sa canteen kanina. Rinig na rinig ko pa ang halakhak ng kumag.
"Wait!"
Naabutan niya ako kaya magkasabay na kami ngayon. Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit at nagpatuloy sa paglalakad. At dahil nga medyo malandi ako, hindi na ako bumitaw.
"Let's do HHWW," aniya at ngumiti.
"Ano iyon?"
"Holding hands while walking. Sweet right?"
"Corny mo Mr. Ybañez!" natatawang sagot ko.
"Whatever Miss Suarez," he rolled his eyes.
---
"GIRL! PDA kayo ni Sir kagabi sa harap ng building. Kainis ka!"
Niyuyog ni Eunice ang balikat ko dahil sa kilig ng ikwento ko sa kaniya ang nangyari kagabi. Mangiyak ngiyak pa siya nang nalaman niya na hinatid ako nito. Daig ko pa si Rapunzel sa haba ng buhok ko.
"Pwede ba Eunice nahihilo 'yong mga neurons ko!"
"Neurons your face! Teka sino ba iyong sumampal sa'yo kagabi?"
Isa pa iyon sa gumugulo sa isip ko. Ang bilis naman ata kumalat ng balita tungkol sa pagkakamabutihan namin ni Nicolai. 'Yong iba nga matindi na ang nasagap na balita. Boypren ko na daw si Sir, buti pa sila aware, ako hindi pa.
"Hindi ko alam eh. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung bakit, buti na lang talaga makapal face ko, kung hindi—"
"Girl, kalat na sa boung building na nililigawan ka ni Sir! Alam mo ba iyon?" aniya na hindi pinatapos ang sinabi ko.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng kaibigan ko. Hindi niya ako nililigawan! Teka? Ano ba kami? Walang kami diba? Eh bakit parang magjowa kami kung umasta? Gusto niya ako at gusto ko siya. Teka? Gusto ko pa ba siya?
"Pucha!"
"Hoy Aira janine! Iyang bibig mo ha! Bakit ka ba napapamura diyan?" Naka kunot ang noo ni Eunice na nakatingin sa akin.
"Kasi feeling ko ma-"
"Aira.."
Napalundag ako nang marinig ko pamilyar na baritonong boses na iyon. Dahan-dahan akong lumingon at agad nakita ang nakangiting si Nico. Nasa loob ng bulsa nito ang dalawang kamay at nakasandal sa hamba ng pinto ng department namin. 'SO POGI!'
"A-anong ginagawa mo dito?" Napalunok ako nang lumapit siya sa akin. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango.
"It's lunch time. Let's have-"
Naputol ang sinabi niya ng tumunog ang bago kong bili na cellphone. Mumurahin lang ito dahil wala naman akong budget para sa ganitong bagay. Sumenyas ako kay Sir Nicolai na sasagutin ko ang tawag at tumango naman ito.
"Hello?"
"Aira! Pumunta ka dito sa Ybañez General Hospital! "
"Po?! Bakit po?! Anong nangyari?!" Natataranta akong hinanap ang bag ko at dire-diretsong lumabas.
"Si k-kenjo Aira! Bilisan mo!"
Madali akong lumabas ng building pero bigla na lang may pumigil sa braso ko at hinila ako papuntang parking lot. Sumakay kami ng sasakyan niya at pinaandar ito.
"Where to?" Sinulyapan ko siya. Blanko lang ang ekspresiyon ng mukha niya at nakatuon ang atensiyon sa pag mamaniobra ng sasakyan.
"Y-ybañez General H-hospital.."