Chapter 25 - Unting-unting Pagbabalik ng mga Alaala

1094 Words
Isang linggo na ang nakalilipas mula noong nag-propose si Mio. Nasasanay na rin ako na umaalis siya para sa trabaho. Kinabukasan naman ay umuuwi siya. Gusto ko ulit ng blood wine kaya naisipan kong pumunta sa kusina. Naabutan ko si Mom na tumutulong sa pagluluto. "Hello, Mom. Nagluluto po pala kayo ngayon. Hindi ninyo sinabi, sana ay tumulong po ako," wika ko. "It's okay, Anak. Gusto ko lang ipagluto kayo. Siguradong miss na miss mo na ang luto ko," excited na sabi niya. Yumakap ako mula sa likod sa kanya. Hindi ko pa natitikman ang luto niya simula nang magkamalay ako. Takam na takam na nga ako sa kanyang niluluto. "Bakit ka pala naparito? May gusto ka bang kainin? Nagugutom ka ba?" sunud-sunod na tanong ni Mom. Tumango ako. Sagot ko, "Gusto ko po sana ng blood wine. Pakiramdam ko po ay kailangan ko." Hindi ko makita ang reaction ni Mom dahil nakayakap ako sa kanya. Bakit parang natahimik siya. Kumalas ako sa pagkayayakap at nasaktuhan ko na nakatingin si Mom sa aming chef. Baka siguro hindi rin alam ni Mom kung nasaan ang mga ito. "Ah sige, Ma'am. Ako na po ang bahala sa gusto ninyo. Saglit lang po," saad ng chef. Pumunta siya sa may storage area ng kusina. Napatingin ulit ako kay Mom na parang kakaiba ang reaction. "Why, Mom?" tanong ko. "Wala. Nagulat lang ako na umiinom ka na pala ng blood wine. Akala ko ay tuluyan mo nang nakalimutan ang bagay na iyan," wika ni Mom. Dumating naman ang chef at inabot sa akin ang isang glass ng blood wine. Nagpasalamat naman agad ako. "Mom, do you want?" alok ko sa kanya. Napailing agad si Mom. Tumango na lang ako. Baka nakainom na siya nito kaya ayaw na niya. Nilagot ko na ang wine na parang wala lang. Nakaramdam ako ng pagka-relax sa katawan. Nakare-refresh talaga ang wine na ito. "Kamusta? Nagustuhan mo ba?" tanong ni Mom. Buti hindi sila naaakit sa amoy nito? Ako kasi ay akit na akit. Ang lakas ng kanyang amoy at talagang nagwawala ang kung ano man ang nasa aking tiyan. "Masarap po siya, Mom. Nakakaadik ang sarap nito. Nga lang, kailangan kong magtimpi dahil dapat nakikibagay ako sa lahat. Buti nga po ay naka-adapt na tayo sa mga pagkain ng tao," sagot ko. "I'm glad you like it, Minlei. Hindi ka na ganoon mahihirapan mag-adjust," wika ni Mom. Napahawak ako sa gilid ng maliit na lamesa sa tabi. Nakaramdam na naman ako ng hilo at sakit ng ulo. Kailan ba ako nito tatantanan? "Minlei? Ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Mom. Tumango ako ngunit unti-unting pumipikit ang aking mga mata. "Galit na galit ka na naman sa mga bampira, Minlei. Siguraduhin mo lang na ang mga ginagawa mo ay hindi makakaapekto sa mga tao, katulad natin," saad ng lalaking lagi kong kasama. "Alam ko naman ang aking ginagawa, Kaliex. Sisiguraduhin ko na ang mga bampira lang ang mawawala sa mundong ito. Pagbabayaran nila ang ginawa nilang lapastangan sa mga magulang ko," desididong sabi ko. "So ikaw na talaga ang magiging leader ng Vampire Hunter Clan?" tanong ni Kaliex. Seryoso ang tingin niya sa akin kaya agad kong iniwas ang aking mga mata sa kanya. Ayokong maging marupok at sundin ang kanyang mga gusto. Ayaw niya akong napapahamak kaya against siya sa gusto kong paghihiganti. Matagal ko na siyang gusto kaso hindi ko pa kayang aminin ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung pareho kami nang nararamdaman para sa isa't isa. Mabuting sarilihin ko muna ang pagkagustong ito. "Mukhang iyan na talaga ang gusto mong gawin. Hindi ka na magpapaawat. Ako'y tutulong sa iyo. Saktong kaga-graduate ko lang din. Mas marami akong oras para samahan ka sa bawat laban," saad ni Kaliex. "Babalik na ako sa Pinas bukas. Ikaw ba?" tanong ko. "Agad?!" gulat na tanong niya. "Sobrang bilis naman. Sige, susunod na lang ako. Pasensya na kung wala ako sa iyong tabi nitong mga nakaraan. Sobrang busy ko lang talaga sa pag-aaral. Tawag ka ulit sa akin bukas kapag paalis ka na at nakarating ka na sa hidden house ninyo." Tumango lang ako sa kanya. Nagpaalam na ako sa kanya at ganoon din naman siya. Binaba ko na ang cellphone pagkatapos ng aming video call. Sobrang excited na akong makasama siya. Ang tagal na naming hindi nagkikita. Panay tawagan lang kami at virtual kisses at hugs lang ang nagagawa namin sa isa't isa kapag may problema o may ise-celebrate. Pagkarating ko sa Pinas ay sinundo ako ng mga may matataas na posisyon sa clan namin. Uuwi ako sa mansion kung saan naiwan ni Dad at Mom ang kanilang ginagawang imbensyon laban sa mga bampira. Ako na ang magtutuloy nito para hindi na masayang ang pinaghirapan nilang dalawa. Dumiretso ako sa basement kung nasaan ang lab. Napansin ko na may iba't ibang kwarto rito. Magkahiwalay pala ang gawaan ng potion at toxic bomb. Napatingin ako sa toxic bomb. Hindi pa talaga ito tapos. Nabasa ko sa note ni Dad na kulang ito ng isang ingredient. Kahit siya ay hindi niya pa ito malaman. Delikado rin ito kapag nagkamali ng mga nilagay na chemicals, baka madamay ang mga tao. Maya-maya ay lumipat ako sa isa pang kwarto. Nakita ko ang potion na makatutulong sa mga tao na nagiging low class vampires (lcv) upang makabalik sa dating anyo. Naaawa rin ako sa mga taong nagiging biktima ng kalokohan at kasamaan ng mga bampira. Dapat lang na tulungan namin ang kapwa tao namin. "Lalaban tayo hanggang kaya natin," saad ko sa mga tauhan namin. Itinaas nila ang kamay nila para ipakitang suportado sila sa mga plano ko. Napangiti ako sa tatag at paninindigan nila sa clan na ito. Na-train sila nang maayos ng mga magulang ko. Napabangon ako nang maalala ang mga nakaraan. Anong sinasabi ko? Kalaban namin ang mga bampira? Pero bampira ako. Anong nangyayari? Hindi ko na alam ang aking paniniwalaan. Gulong-gulo na ang aking isipan. Napansin ko na nakahawak pala sa kamay ko si Mio. Kanina pa siya nag-aalala. Bigla kong naalala si Kaliex. Sa alaala ko ay si Kaliex ang gusto kong lalaki. Paanong naging si Mio ang aking kasintahan? Pinawi niya ang mga luha sa aking mga mata gamit ang hinlalaki niyang daliri. "Okay ka lang, Minlei? Masyado mo akong pinag-aalala," malungkot na sabi niya. Titig na titig ako sa kanya. Hindi niya talaga kamukha ang lalaking naaalala ko. Iyon na ba ang Kaliex na narinig ko sa kanila? Natatakot ako na baka mamaya ay iba pala talaga ang pagmamahal ko noon. Huwag naman sana dahil mahal ko ngayon si Mio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD