Chapter 26 - Pagkalito

618 Words
Inoobserbahan ko sila. Parang normal naman sila ngayon. Hindi na sila takot sa isang aspect na makaalala ako. Iyon ang nagbibigay sa akin ng dahilan kung bakit ako nalilito sa mga nangyayari ngayon. Bakit kaya sila laging nag-iisip na baka magalit ako sa kanila kapag dumating na ang araw na alam ko na ang lahat? Konektado kaya iyan sa napanaginipan ko na paghihiganti ko? Hindi ako bampira noon? Kami pa mismo ang namamahala sa clan na against sa mga bampira? "Anak, tapos na ang bakasyon namin. Babalik muna kami sa ibang bansa para asikasuhin ang ating business. Ang Ate Minari mo naman ay ang magma-manage ng mga branches natin dito pansamantala," saad ni Mom. "It's okay naman po sa akin," matipid na sagot ko. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Never ko pa silang nakitang matulog na kapareho sa amin. Usually alas nuwebe sa gabi ay tulog na silang dalawa. Noong uminom ako ng blood wine ay kakaiba ang reaction ni Mom. Hindi ko malaman kung nandidiri ba siya o natutuwa dahil nakainom na ulit ako. Masasagot pa ang aking mga katanungan kapag nakaalala muli ako. Gusto ko nang matapos ang pagkalito kong ito. Nagkakaroon ako ng trust issue habang tumatagal. "Pangako na babalik kami pagkatapos ng mga proyektong nakaplano na," saad ni Mom. "Bibilhan ka rin namin ng Mom mo ng napakaraming pasalubong. Alam namin na mahilig ka sa pabango kaya iyon ang bibilhin namin," dagdag pa ni Dad. Lalo na akong naguluhan. Aanhin ko ang pabango kung masyadong malakas ang pang-amoy namin? Bakit ko magiging paborito ang mga pabango? Wala naman kaming mga amoy kahit na hindi pa kami maligo ng ilang araw. "Kayo po ang bahala," seryosong wika ko sa kanila. "Ang mahalaga po sa akin ay ligtas po kayong makarating sa paroroonan ninyo." "Mami-miss ka na naman namin. Tatawag na lang kami kapag naroon na kami. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin kahit anong mangyari," naluluhang sabi ni Mom. "Mom naman, para naman pong hindi ko kayo makikita nang matagal niyan. Mahal na mahal ko rin po kayo ni Dad at hindi iyon magbabago," saad ko. Yumakap ako sa kanila. Ngayon ang kanilang alis at ramdam ko ang bigat sa aking damdamin na mapalayo sa kanila. Si Ate Minari naman ay nauna nang umalis dito. Maiiwan ulit ako kay Mio. Wala rin dito sila Tito at Tita kaya maso-solo ulit ako ng aking kasintahan. Bakit ba hindi na lang ako sumama? Nagtatago lang din naman sila Mom at Dad. Hindi rin naman siguro ako makikita ng mga kalaban. Isa pa, hindi ba namin kayang ipagtanggol ang mga sarili namin? Kailangan pa talaga nila Mio? Na-a-appreciate ko naman ang mga tulong nila Mio. Hindi ko lang talaga kaya na masyadong malaki ang utang na loob sa kanila. Masakit sa akin na panoorin silang umaalis. Si Mio ay nakahawak lang sa aking kamay at pinipisil-pisil iyon. Nagpipigil ako ng aking mga luha at baka mamaya kung nakatingin sila Mom sa akin ay hindi pa sila matuloy. Nang mawala na sila sa paningin ko ay napabuntong hininga na lang ako. Miss ko na agad sila kahit kaaalis lang nila. "Okay ka lang ba?" tanong ni Mio. Umiling ako. Sagot ko, "Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hindi ako pwedeng sumama sa kanila kung nagtatago lang din naman sila. Mas worried ako na hindi nila ako kasama lalo na may kalaban. Hindi naman sa pag-aano, paano kung may mangyari sa kanila tapos wala man lang ako nagawa para sa kanila?" "Natatakot sila na masaktan ka na naman. Mas ipinagkakatiwala ka nila sa akin. Kaunting tiis na lang, Minlei. Pangakong babalik din sa dati ang lahat. Bigyan mo pa kami ng kaunti pang panahon," wika niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD