Hemira III 31

3778 Words
Hemira III 31 - Bukal ~Yohan~ Nagising ako na pakiramdam ko, parang sako ang katawan ko na nakasakbit sa balikat ng kung sino. Sobrang init din at tagaktak na ng sobra ang pawis ko. Ramdam ko rin ang pangangawit ng dalawang braso ko dahil sa matagal na pagkakalaylay n'on. Minulat ko nang kaunti ang mga mata ko at naaninag ko ang buhanginan na dinadaanan ng taong may sakbit sa 'kin ngayon. Nakita ko rin ang puti niyang suot na hindi lalagpas ng sakong ng sapatos niyang bakal. Palikod niya akong sakbit kaya likuran niya ang nakikita ko. Tumingin ako sa gilid ko at nanlaki na ang mga mata ko nang makita ko si Eugene na nasa kapareho kong posisyon. Wala pa siyang malay. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko nang maalala ko ang huling nangyari sa 'min kagabi. Pinagbubugbog kami nang walang awa. Siguradong kalaban 'tong may sakbit sa 'min at dadalhin niya kami kung saan ni Eugene! "S-sino ka?!" malakas na sigaw ko at nagpapalag ako sa pagkakabuhat sa 'kin kaya nabitawan ako ng taong may sakbit sa 'kin. Pagilid akong bumagsak sa buhanginan at napaubo-ubo ako dahil sa nalanghap kong mga buhangin. Napaungol din ako dahil hindi ko maigalaw ang mga braso ko sa sobrang pangingimay n'on. Ang sakit din ng sikmura ko sa pagkakasakbit sa 'kin nang matagal. Nang mawala na nang kaunti ang pangingimay ko ay umupo kaagad ako kahit paubo-ubo pa rin para tingnan kung sino ang may buhat sa 'min ni Eugene at natigilan ako nang makita ko si Hemira na dahan-dahang inihiga si Eugene sa buhanginan. Nagising na rin 'to nang ibaba niya. Siya ang may buhat sa 'ming dalawa. Tumingin ako sa paligid at napakaliwanag ng sikat ng araw. Nasilaw pa ako kaya iniharang ko ang braso ko sa mukha ko para makita nang maayos ang paligid. Nasa buhanginan na ulit kami at hindi ko na makita ang hotel na tutuluyan sana namin. Napatingin kaagad ako kay Hemira. "Hemira ano nang nangyari? Bakit nandito na tayo? Nasaan na 'yung mga nanggulpi sa 'tin? Dito ba nila tayo itinapon sapagkatapos ng ginawa nila sa 'tin?!" sunod-sunod na tanong ko. Tumayo na rin ako at katulad ko kanina, nangingimay rin si Eugene habang nakaupo sa buhanginan. Natigilan ako dahil wala akong naramdamang kahit anong sakit sa katawan ko bukod sa mahinang pangingimay pa rin sa mga braso ko. Parehas kaming napatingin sa mga sarili namin ni Eugene, hinahanap ang mga bugbog, pasa at sugat na natamo namin pero wala akong makitang sugat sa mga braso ko miski sa katawan ko. Nagkatinginan kami ni Eugene at sabay rin kaming napatingin kay Hemira dahil katulad namin ay wala rin siyang mga injuries. "Mayroong isang mabuting tao na nagpainom sa ating tatlo ng lunas kaya gumaling na agad ang ating mga sugat." seryosong sabi niya at ibinaba niya ang dalawang lagan na sakbit niya sa unahan niya. Sa 'min 'yon ni Eugene dahil 'yung kanya ay sakbit niya sa likod niya. Hindi namin makita ang mukha niya dahil nahaharangan 'yon ng hood niya at nakatapat pa siya sa sinag ng araw kaya nakakasilaw siya. Unti-unti akong napangiti. "Talaga?! Wow! Ang suwerte naman natin! Alam kong hindi natin ikamamatay 'yung gulping inabot natin pero paika-ika sana tayong maglalakad ngayon kung hindi tayo tinulungan ng taong 'yon!" bulalas ko sa sapagkatuwa. Nakangiti rin nang malawak si Eugene na halatang natutuwa rin. "Kahit na marami ang mga masasamang tao rito'y hindi maitatanggi na mayroon pa ring mga nananatiling mabubuti at puti ang mga puso." Naghihintay kami ng comment din ni Hemira pero wala kaming narinig. Tahimik lang siya at tumalikod na sa 'min. "Ipagpatuloy na natin ang ating paglalakbay." Ang lamig ng boses niya at naglakad na siya palayo. Sandali kaming natigilan ni Eugene dahil sa pagiging cold niya sa 'min at nagkatinginan din kaming dalawa. Nagtatanong kami sa isa't-isa sa tingin at halatang katulad ko ay nalilito rin siya. *—-***—-* Naglalakad na ulit kami ngayon papuntang Krikor. Ang TINDI ng sikat ng araw na para na naman kaming nasa loob ng malaking oven na tinutusta ngayon. Kulang na lang ilabas ko na ang dila ko sa hingal at uhaw sa init na 'to. Gusto kong magpaypay para naman makalasap ako ng hangin pero mainit na hangin din naman ang napapaypay ko gamit ang laylayan ng white robe ko na sobrang dumi at may dugo-dugo ko pa. May bakas pa 'yon ng sapatos sa pagsipa sa 'kin n'ong mga hinayupak na underlings n'ong lalaking nanggulpi sa 'min sa may hotel. Kumukulo talaga ang dugo ko kapag naalala ko ang ginawa sa 'min n'ong hayop na manyak na lalaking 'yon! Kung hindi lang talaga ayaw ni Hemira ng gulo at kaaway sa kontinenteng 'to, paniguradong bali-baliko na ang katawan ng isang 'yon kay Hemira pa lang. Speaking of Hemira, tiningnan ko siya na nauuna sa 'min ng paglalakad ni Eugene. Tahimik lang siyang naglalakad pero kakaiba ang awra niya. Kasing tindi ng init dito ang kaseryosohan ng aura na nakapalibot sa kanya na mismo kami ni Eugene ay natatakot lumapit sa kanya dahil doon. Ganyan na siya simula nang magising na kami ni Eugene sa pagkakasakbit niya. Huling narinig ko siyang magsalita ay noong sinabi niya kung paano kami gumaling at inaya kaming magpatuloy nang maglakbay, sapagkatapos n'on, wala na at napakaseryoso na, na ngayon ko lang nakita sa kanya. Nakita ko na siyang maging sobrang seryoso noon pero kakaiba talaga ngayon 'yong kaseryosohan niya. Nakakatakot. "Yohan, mukhang bilihan ng mga kabayo ang lugar na iyon," sabi ni Eugene kaya napabalik ako sa sarili ko. "H-ha?" mangang tanong ko sa kanya. "Ayon oh! Ang lugar na iyon ay mayroong mga kabayo!" Todo turo siya sa isang direksyon kaya napatingin ako roon. Isang gawa sa kahoy na kuwadra na may mataas na bubong ang natanaw ko. May mga kabayo nga ro'n. May isang lalaki rin ang nandoon at nagpapakain n'ong mga kabayo. Mayroon ding mga galon ng tubig at isang malaking sulat ng Bukal sa taas ng kuwadra ang nakapaskil. Unti-unti akong napangiti dahil puwede kaming bumili ng mga kabayo at gamitin ang mga yon' para mapabilis ang pagtatravel namin. "Hemira!" tawag ko kay Hemira para ipaalam sa kanya 'yon. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon nang kaunti sa 'min. Napatikom naman ako ng bibig dahil lalong lumaki ang serious aura niya nang tawagin ko siya. Siniko ko si Eugene para siya na ang magsabi. "Hemira, tayo'y bumili ng mga kabayo upang mas mapabilis ang ating paglalakbay. Mahalaga na makabili tayo niyon upang hindi tayo mahuli sa pagliligtas kina Serafina." lakas loob na sabi niya. Hinintay namin na magsalita siya. "Sige." malumanay na sabi niya at naglakad papunta n'ong mga kuwadra. Napakawalan ko ang hiningang pinipigil ko dahil sumagot siya at narinig ko na napabuga rin ng hangin si Eugene. Tsk. Lintik na lalaking 'yon! Hindi niya alam na gumising siya ng isang natutulog na dragon kay Hemira! Kami tuloy ang natatakot ngayon! Sumunod na kami kay Hemira. Lumapit kami sa may-ari ng mga kabayo at abalang-abala siya sa pagpapainom sa mga ito. Naghihymn pa siya habang ginagawa 'yon. "Ginoo..." pagkuha ni Eugene ng atensyon niya at napalingon naman siya sa 'min. Halatang nagulat siya hindi dahil sa bigla naming pagsulpot kundi dahil duguan ang mga suot namin at ang amos n'on. Napatingin pa siya mula ulo hanggang paa namin sabay kunot ng noo. "Ano ang maipaglilingkod ko?" ngiwing tanong niya. Nagdadalawang isip na entertainin ang tulad naming mga mukhang gusgusin ngayon. "Nais naming bumili ng tatlong kabayo sa iyo pati na ng tubig," sabi ni Eugene. Napataas siya ng isang kilay. "Tatlo kabayo at tubig? Sigurado kayo? Mataas ang presyo ng aking mga kabayo lalo na ang tubig." Nararamdaman ko na ang pangmamata niya. Iniisip siguro niya na wala kaming pangbayad. Hinalungkat kaagad ni Eugene ang lagan niya at naglabas ng ilang mga ginto. "Kung hindi pa ito sapat ay handa kaming dagdagan ang mga ito upang ipagbili mo lamang sa amin ang tatlong kabayo at tubig na aming kailangan." Nanlaki naman ng kaunti ang mga mata niya pero pumikit-pikit siya para alisin ang pagkasilaw niya sa mga ginto. "Kulang pa iyan. Tatlong beses ng dami dapat niyan para sa isang kabayo at limang beses naman para sa tubig." Nakuyom ko naman ang mga kamao ko dahil siguradong sobra-sobra ang hinihingi niya pero kahit alam din 'yon ni Eugene, kinuha niya pa ang mga ginto sa lagan niya at ibinigay rito. Nang matapos ang bayaran ay napakalawak na ng ngiti niya sa 'min. "Bilang kayo'y aking mamimili, ipapakilala ko ang aking sarili pati na ang lugar na ito sa inyo. Ako si Garbay at nagmamay-ari ng lugar na ito na tinatawag na Bukal. Ito'y tinawag na ganoon dahil hindi lamang mga kabayo ang aking ipinagbibili pati na rin tubig na napakahirap hagilapin sa kontinenteng ito." Ngiting-ngiti siya na may pagyayabang. Nakatingin lang kami sa kanya at pinaparamdam namin na naiinip na kami dahil sa introduction portion niya pa. Mukhang nakaramdam naman siya. "Halina kayo sa loob upang maipakita ko ang mas matitibay sa init at mas mabibilis na kabayong maaari ninyong gamitin." Ngumiti nang kaunti si Eugene sa kanya at ako, inismiran ko lang siya. Dinaanan lang din siya ng tahimik pa ring si Hemira. *—-***—-* Nakapili kaagad kami ng tatlong kabayo at puro itim ang napili namin. Inilabas na namin ang mga 'yon sa mga kuwadra nila. Sinakyan na namin iyon at hinahayaan namin na maging pamilyar sa amin ang bawat mga kabayo namin. May pagkamalikot ang kabayo ko kaya medyo nainis ako. "Dapat pala, lumipad na lang kami sa simula pa lang kaysa naglakad o gumamit ng kabayo." mahinang reklamo ko habang kinakalma ang kabayo ko. Mukhang narinig ako ni Eugene na malapit lang sa 'kin. "Nakalimutan mo ba na binalalaan din tayo ni Mrigmo ukol sa bagay na iyon? Ang paglipad sa kontinenteng ito ay mas delikado pa kaysa paglalakbay sa lupa dahil maipapakilala natin ang ating mga sarili bilang mga maheya na banta sa mga masasamang tao sa lugar na ito. Ipapapaslang tayo nang marami rito." pagpapaalala niya ng babala ni Mrigmo. "Tch! Alam ko. Natatandaan ko. Naiinis lang ako dahil ang hirap maglakbay sa kontinenteng 'to." "Kung gayo'y kayo'y mga maheya?" tanong sa 'min nitong si Garbay. Ginoong Garbay pala dahil may pagkamatanda siya kaysa sa 'min. Siguro, nasa mid 40's na siya. Nandito pa rin siya dahil tinutulungan niya kaming kalmahin ang mga kabayo at narinig niya ang usapan namin. "Bakit? Isusumbong mo ba kami para habulin kami ng mga masasamang tao rito?" May pagbabanta ang tanong kong iyon sa kanya. Ngumiti lang siya. "Hindi ako nagkaroon ng malaking benta ngayon kundi dahil sa inyo at hindi ko rin naman hahayaan na mawalan ng mga bagong may-ari ang mga kabayo kong ito na pinagkahirapan kong palakihin at alagaan." Hinaplos niya ang malikot kong kabayo at tumigil iyon sa paglilikot. "Kaya ba nila pinapapaslang ang mga maheya ay dahil natatakot sila na mayroon nang makapagpakawala sa kontinenteng ito sa kanilang pamumuno?" tanong ni Eugene. Tumango siya. "Ganoon na nga. Kayo'y mga dayuhan at mga maheya pa. Napakalaki n'yong banta sa mga namamalakad sa kontinenteng ito lalo na sa leon na labis ang takot sa malalakas na mga dayuhang maheya." Nangunot ang noo ko. "Leon?" Natigilan siya at nanlaki ang mga mata niya saka napatakip sa bibig niya. Mukhang nadulas lang siya na sabihin sa 'min 'yon. "Isang nabubuhay ba na leon ang iyong tinutukoy?" Interesado na si Eugene katulad ko. Hindi siya sumagot pero nang mapatingin siya kay Hemira na seryosong-seryosong nakatingin sa kanya, halatang nasindak siya. Tinanggal niya na ang kamay niya sa bibig niya at napabuga ng hangin na parang sumusuko sa 'min. "Sige at babanggitin ko na ang nais n'yong malaman kahit na kailanma'y hindi ninais ng bibig ko na bigkasin iyon." Nakinig naman kami nang matiim sa kanya. "Hindi isang tunay na leon ang aking binanggit kanina. Bansag lamang iyon sa taong pinakanamumuno rito ngayon. Tama ngang sabihin na pinakangnang-aalipusta sa mga tagarito. Sa kanya ipinagbibili ng dalawa niyang kasama ang mga tao, pagkain, tubig at iba pang mahahalagang bagay rito sa Notos. Ang bansag naman sa dalawang iyon ay Matsing at Asong lobo." pagpapaliwanag niya. "Matsing? Tila narinig ko na iyon sa kung saan." napapa-isip na sabi ni Eugene. Tama siya. Kahit ako, parang narinig ko na rin 'yon dito sa Notos pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig 'yon. "Ang Matsing ang sapilitang lumilikom ng mga pagkain, tubig at mahahalagang bagay na pagmamay-ari o pinaghihirapan ng mga aba. Kapag may naibalita sa kanya na mayroong mga mahahalagang pag-aari ang kahit sino sa mga inaapi niyang bayan ay gagawin niya ang lahat upang malikom iyon. Ako'y napapalagpas lamang dahil nagbabayad ako ng malaking halaga ng ginto kada buwan upang mapanatili ko sa akin ang aking tabernang ito. Ang tubig naman ay hindi sa akin dahil iniatas lamang sa akin na ibenta ko iyan para sa mga mahadlika rito." Ngumiti siya pero may pait doon. Nilagay niya sa isang pocket sa vest ng kabayo ko ang isang boteng gawa sa kahoy na siguradong may lamang tubig. Tubig 'yon para sa 'kin. "Ang Asong lobo naman ay ang taga-abang sa mga daanan papasok ng Notos upang bihagin ang mga dayuhang papasok dito. Madalas nilang biktima ang mahihinang mga kababaihan. Mapababae o lalaki naman kapag paslit. Palibhasa'y hindi mga tagarito, kayong mga dayuhan na walang kabatid-batid sa lugar na ito'y madaling mga nabibihag. Kapag wala namang bumibisita rito ay lumalabas ng Notos ang Asong lobo upang sa ibang kontinente mangbihag ng mga tao o ibang nabubuhay upang may maipagbili lamang sa Leon." 'Yung kay Eugene naman na kabayo ang nilagyan niya at sunod naman ay 'yung kay Hemira. "Tama palang iyon ang bansag sa tatlong iyon dahil mga asal hayop talaga sila." Kuyom na kuyom ni Eugene ang mga kamao niya. Nakaramdam din ako ng sobrang galit. Kung ganon, hindi lang pala 'yung tatlong binanggit ni Mrigmo ang kailangang mawala rito. Mayroon pang iba. O hindi kaya 'yung tatlong hayop din na 'yon 'yung binanggit ni Mrigmo? "Teka. Ang pangalan ba n'ong tatlong 'yon eh Cirio, Gyori at Vargo?" tanong ko. Napatingin kaagad siya sa 'kin na nanlalaki ang mga mata. "Paano mo nalaman ang pangalan ng tatlong iyon?" Parang sobrang hindi siya makapaniwala. Tama nga ako. Sila Vargo nga 'yon at paniguradong siya 'yung Leon. "Dahil may pakay kami sa tatlong 'yon." seryoso nang sabi ko. Nakakaramdam na ako ng galit. Biniktima ng mga hayop na 'yon sila Serafina at nanggigitil ako dahil wala kaming nagawa para pigilan na mangyari 'yon. "Sa aking tingin, kayo ang tatlong dayuhan na napabalitang binugbog sa isang panuluyan base sa duguan at maamos ninyong mga kasuotan." Mag pang-uusisang tanong niya sa 'min. Napataas ang isang kilay ko dahil sa pagsingit niya ng nakakabwisit na topic na 'yon. "So? Anong meron kung kami nga 'yon?" Naiirita na naman ako dahil naaalala ko kung gaano kami naging mahina sa tingin n'ong mga nakakita sa ginawa sa 'min d'on sa hotel. Ngumiti siya. "Napag-alaman ko rin na hindi kayo nanlaban. Isang matalinong paraan iyon. Ngayon ay makapagpapatuloy pa rin kayo ng mapayapang paglalakbay." Lalong lumawak ang ngiti niya. May dumating na dalawang lalaking may mga kabayo at lumapit sa kanya kaya sa dalawa napunta ang atensyon niya. "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo mga ginoo?" nakangiting tanong niya. "Dalawang sisidlang may tubig para sa amin at sa aming mga kabayo," sabi ng isa sa mga 'yon. "Sige. Pumunta kayo roon sa gilid ng kuwadra at may nakahanda na para sa dalawa ninyong mga kabayo. Ihahanda ko na lamang ang sisidlan na may tubig para naman sa inyo." Abot tenga ang ngiti niya nang bigyan siya ng mga 'to ng mga ginto. Hindi ko siya mahusgahan sa ugali niyang 'yon matapos niyang ikuwento ang tungkol sa pangongolekta ng ginto mula sa kanya para lang mapanatili niyang sa kanya ang lugar na 'to. Bago siya pumasok sa loob ng taberna niya, nag 'shhhh' sign pa siya sa 'min na siguradong tungkol doon sa napag-usapan namin kina Vargo. "Tayo na." biglang sabi ni Hemira at naglakad na palayo ang kabayo niya. "Teka Hemira!" Papalakarin ko na rin ang kabayo ko para sundan siya at ganoon din si Eugene... "Alam mo ba, may mga bagong bihag daw na dadalhin na sa Krikor!" "Mga tagapagbigay ba ng aliw ang mga iyon?" "Oo! Ang isa nga raw ay ang diwata ng karikitan at ang naman ay isang Asas na pinakahuli na sa kanyang lahi!" pag-uusap ng dalawang bagong dating na lalaki habang papunta sa itinuro sa kanila ni Ginoong Garbay na painuman ng kabayo. Napatigil kami ni Eugene at ganoon din si Hemira. Pinatigil niya ang kabayo niya dahil sa usapang 'yon ng dalawa. Nakasunod ang tingin naming tatlo sa dalawa na nasa painuman na ng kabayo. Naririnig pa rin namin ang usapan nila. "Totoo ba ang iyong sinabi?! Diwata ng Karikitan at isang Asas?!" hindi makapaniwalang tanong ng isa sa kanila na may pagkamatangkad. "Tunay iyon! Isusubasta na sila kaagad pagkarating na pagkarating nila ng Krikor. Siguradong isang araw mula ngayon ay ipagbibili na sila ng Leon. Nalaman ko rin na napakataas ng kanilang magiging presyo ngunit kahit ganoon ay nais kong mapasaakin kahit na isa lamang sa kanila." sagot naman ng isa na may kaliitan na parang nagdedaydream pero puro kaimoralan panigurado ang tumatakbo na sa isip ng isang 'yon. Napatiim bagang ako at nakuyom ko ang mga kamao ko sa galit. "Kung gayo'y kailangan pala nating magmadaling makapunta ng Krikor upang makaabot tayo sa subasta." "Kaya nga kahit na gagastos pa rin ako nang malaki ay gagamitin ko ang Gintong daan upang makarating kaagad ako ng bayan ng Krikor. Nais na nais ko talagang mabili ang isa sa kanila. Ang diwata ng karikitan ang sa akin." "Kung gayo'y sa akin ang Asas." Talagang pinagpaplanuhan na nilang mabuti kung sino ang bibilhin nila at sa mga oras na 'to, gusto kong pasabugin ang mga bibig nila para tumigil na sila sa kadadada. Tumingin ako kay Hemira dahil siguradong siya ang pinakanaglalagablab na sa 'min pero wala na siya sa kabayo niya. Hinanap ko siya at hindi ko inaasahan na nasa likuran na siya n'ong dalawa. Sobrang laki ng serious aura niya at mukhang naramdaman 'yon ng dalawa kaya napalingon ang mga ito sa kanya. Nagulat naman ang mga 'to dahil sa bigla niyang pagsulpot. "Ika'y nakakagulat! Sino ka at bigla-bigla ka na lamang sumusulpot sa aming likuran?!" naiinis na tanong n'ong matangkad sa kanya habang nakahawak sa dibdib nito. "Saan ang inyong binanggit na gintong daan?" malamig na tanong niya at hindi pinansin ang pagkagulat ng dalawa sa kanya. Bumaba na kami ni Eugene ng kabayo namin dahil hindi maganda ang kutob namin sa mga mangyayari at lumapit kami sa kanila. "Sino ka naman upang makisali sa aming usapan, binibini?" masungit na tanong ng isa pa sa mga lalaki sa kanya at itinulak pa siya sa balikat niya. Hindi naman siya napaurong sa ginawa nito sa kanya. Naging agresibo ito nang malaman na babae siya. Biglang humangin nang malakas at dahil doon ay natanggal ang talukbong sa ulo niya. Kahit nakasideview sila, kitang-kita ko ang pagbabago sa mga mata ni Hemira habang nakatingin sa dalawa at nang mapansin nang mga ito 'yon, natigilan ang mga ito at nanlaki ang mga mata saka napasinghap. "Halimaw..." hindi napigilang sabi ng mga ito. "SABIHIN NINYO KUNG SAAN!" napakalakas na sigaw niya na para bang may kasamang angil ng dragon. *—-***—-* "Daretsuhin n'yo lamang ang daan na ito at ang nakikita ninyong mataas na pader na mayroong bakal na pintuang iyon ang inyong magiging daan papasok ng Gintong daan." turo sa 'min ng isa sa mga lalaking may alam ng Gintong daan. Nakasakay kami ng mga kabayo namin at dahil sa takot nila kay Hemira ay napilitan silang samahan kami papunta rito ngayon. Takot lang nila kay Hemira matapos na makita nila ang mga mata ng dragon sa kanya. "Siguraduhin n'yo lamang na marami kayong dalang ginto dahil kung wala nama'y mababaliwala lamang ang pagpunta ninyo roon dahil hinding -hindi nila kayo papapasukin." babala naman ng isa pa. "Papaano na iyan Hemira? Iilang ginto na lamang ang mayroon tayo sa aking lagan dahil nagastos na natin ang iba sa panuluyan at sa ating mga kabayo." nag-aalalang sabi ni Eugene. Tiningnan ko si Hemira at seryosong nakatingin lang siya ro'n sa malaking gate ng Gintong daan. Hindi siya umimik at alam kong malalim ang iniisip niya. "M-maaari na ba kaming umalis?" nag-aalinlangang tanong n'ong matangkad na lalaki. "Naituro na rin naman namin ang Gintong daan sa inyo," segunda naman n'ong may pagkapandak. "Sige. Maaari na kayong umalis. Salamat sa pagsama ninyo sa amin." kalmadong sabi ni Eugene habang nakangiti sa kanila. Pumalakpak naman ang tenga nilang dalawa at kumislap ang mga mata sa tuwa na parang nakawala sila sa isang malaking hawla. Handa na silang umalis... "Kayong dalawa..." biglang sabi ni Hemira kaya pinatigil nila ang kabayo nila na maglalakad na sana paalis. Para silang nasa isang horror scene nang lumingon sila kay Hemira. "B-b-bakit?" pumiyok pa 'yung pandak sa tanong niyang 'yon. Tiningnan sila nang seryoso ni Hemira. "Huwag na huwag n'yo nang susubukin na sumali sa subasta sa Krikor... sapagkat kapag nakita ko kayong dalawa roon..." Lalong tumalim ang tingin niya sa dalawa at mas sobra rin siyang naging nakakatakot dahil hindi niya tinuloy ang sinabi niya. Sabay namang napalunok ang dalawa sa takot at sobrang pagtango ang ginawa na halos maalog na ang utak nila. "Isa pa, ang tungkol sa nakita n'yo sa akin ay nararapat na manatiling lihim... dahil kapag ipinagkalat ninyo iyon... hindi ko na siguro kailangan ding sabihin pa dahil mas malupit ang inyong mararanasan na hindi n'yo rin nanaising marinig kung papaano." banta niya na sobrang parang makatotohanan. Nahilakbot ako lalo naman ang dalawa at pinatakbo na nila ang mga kabayo nila paalis habang nagsisisigaw sa takot. Nakatingin lang ako sa kanila na papaalis at para silang mga baliw na nagsisisigaw. "Ayos lang kaya na hayaan natin 'yung dalawang ugok na 'yon?" tanong ko kay Hemira. Tumango-tango siya. "Wala tayong dapat ipag-alala sa dalawang iyon dahil kahit naisin nilang ipagkalat ang nakita nila sa akin ay hindi nila magagawa dahil sa kanilang takot." Kampanteng-kampante siya at sa tingin ko, tama naman siya. "Ngunit Hemira. Ang suliranin natin ay ang gintong ibabayad natin upang papasukin tayo sa Gintong daan. Paniguradong kulang ang mayroon tayo ngayon," sabi ni Eugene kaya sa kanya kami napatingin. Ipinakita niya ang lagan niya at nasa sampung ginto na lang siguro ang laman n'on. Tumingin ako kay Hemira at tumingin siya sa gate ng Gintong daan. "Ako na ang bahala." Ngumiti siya... pero tamang sabihin na nagsmirk siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD