CHAPTER 2

1544 Words
SAMANTHA POINT OF VIEW Pagkatapos ng mainit na balitang binitiwan ni Daddy, pakiramdam ko ay nawala ang gana kong kumain, uminom, o kahit ngumiti man lang. Hindi ko maintindihan kung bakit si Ninong Ethan pa ang napili nilang magbantay sa akin. Marami namang ibang pwedeng makasama sa bahay—si Lola, si Tita Liza, o kahit si Kuya Rodel na driver namin. Pero hindi, si Ninong Ethan talaga. Habang nakaupo ako sa kama, hawak ang unan, napabuntong-hininga na lang ako. Si Ninong Ethan. Ang lalaking halos hindi ko nakakausap sa tuwing may family gatherings kami. Ang lalaking napakalamig ng ugali at parang laging may sariling mundo. Pero hindi ko rin naman idedeny—oo na, ang gwapo niya talaga. Mula ulo hanggang paa, parang galing siya sa magazine. Matangkad, matipuno, at may presensyang hindi mo basta-basta pwedeng balewalain. Kung dumaan siya sa harapan mo, kahit hindi mo gustuhin, mapapatingin ka talaga. Hindi sa pagiging bias, pero sa lahat ng lalaking nakita ko sa buong buhay ko, si Ninong Ethan lang yata ang mukhang model kahit simpleng t-shirt lang ang suot. Noong bata pa ako, medyo takot ako sa kanya. Hindi kasi siya madaldal tulad ni Daddy, hindi rin siya mahilig makihalubilo sa ibang tao. Palagi lang siyang tahimik sa isang tabi, may hawak na cellphone o kaya laptop, tapos parang hindi mo alam kung nakikinig ba siya sa usapan o hindi. Pero ang pinaka-hindi ko maintindihan sa kanya? Bakit hanggang ngayon, single pa rin siya? Hindi ako naniniwalang wala pang babae ang nagkagusto sa kanya. Malabo 'yun. Siguradong maraming nagkakandarapa sa kanya, pero bakit parang hindi siya interesado sa kahit sino? Lahat ng ninong ko may asawa na, maliban sa kanya. Kaya minsan, hindi ko mapigilan ang sarili kong maging curious. Napatingin ako sa orasan, alas nuwebe na ng gabi. Narinig kong kumatok si Mommy sa pinto bago siya pumasok. "Anak, okay ka lang ba?" tanong niya, halatang nag-aalala. "Ma, seryoso ba talaga ‘to? Si Ninong Ethan talaga?" Tumango siya, sabay upo sa tabi ko. "Anak, huwag mo namang masyadong dibdibin. Alam kong medyo tahimik ‘yun, pero mabait si Ethan. Tsaka trusted siya ni Daddy mo. Hindi ka niya pababayaan." Napaismid ako. "Eh paano kung hindi kami magkasundo?" Ngumiti lang si Mommy. "Aba, mag-adjust ka. Hindi naman siya gano’n kasama. Baka nga mas okay pa ‘yun kaysa kung ibang tao ang kasama mo." Hindi ko alam kung paano magiging "okay" ang sitwasyon na ‘to, pero dahil hindi rin naman ako makakalaban sa desisyon nila, wala akong choice kundi tanggapin na lang. Kinabukasan, maaga akong nagising kahit ang bigat ng pakiramdam ko. Ayoko pa ring tanggapin na aalis na sila Mommy at Daddy sa loob ng limang buwan at ang tanging makakasama ko sa bahay ay ang misteryosong si Ninong Ethan. Noong bumaba ako sa kusina, nakita kong abala si Mommy sa pag-aasikaso ng gamit nila, habang si Daddy naman ay may kausap sa phone. Nang makita niya ako, tinawag niya ako agad. "Sam, halika rito saglit." Lumapit ako, kahit wala naman akong gana makinig sa mga sasabihin niya. "May business trip si Ethan sa Cebu for a few days, pero pagbalik niya, lilipat na siya rito sa bahay. Gusto ko, maging maayos kayong dalawa, ha?" Para akong pinagsakluban ng langit. Ibig sabihin, ilang araw na lang at dito na siya titira? Sa bahay namin? Kasama ko? Napalunok ako at pilit ngumiti. "O-opo..." Pagkaalis ni Daddy, napaupo ako sa dining table, tulala. Hindi ko alam kung excited ba ako o kinakabahan sa mangyayari. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung paano ang magiging set-up namin ni Ninong Ethan sa bahay. Magiging close kaya kami? O baka naman mabaliw ako sa inis dahil sa kanya? Nagsimula akong mag-scroll sa phone ko, nagbabasa ng kung anu-anong chismis sa social media, nang biglang lumabas ang isang article tungkol kay Ninong Ethan. Ethan Salazar: The Mysterious CEO of S-Group Enterprises. Napakunot-noo ako habang binabasa ang article. CEO? Alam kong mayaman siya, pero hindi ko alam na siya pala ang nagmamay-ari ng isang malaking kumpanya. Isa pa, bakit parang wala akong nababalitaang scandal o kahit anong chismis tungkol sa kanya? Sa panahon ngayon, bihira na lang ang ganyang lalaki—yung walang issue, walang ex na nanggugulo, walang babaeng nagrereklamo sa social media. Wala. As in, wala. Mas lalo tuloy akong na-curious. Ano bang meron kay Ninong Ethan at parang napaka-perpekto niya? Kinaumagahan, habang nasa campus ako, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mag-isip tungkol sa kanya. Nasa cafeteria kami nina Trisha at Cassandra nang biglang nagtanong si Trisha. "Uy, Sam. Alam mo bang sikat sa business world si Ninong Ethan mo?" Napataas ang kilay ko. "Ha? Paano mo nalaman?" Inilapit ni Trisha ang phone niya sa akin. "May nabasa akong article tungkol sa kanya. Grabe, ang hot pala talaga ng Ninong mo!" Nakita ko ang picture ni Ninong Ethan sa phone ni Trisha—naka-black suit, seryoso ang mukha, at parang ang lakas ng dating niya. Napansin ko rin ang maraming comments ng mga babae na nagkakagusto sa kanya. "My dream man!" "Grabe, kung ganyan lahat ng CEO, mag-a-apply ako agad!" "Bakit walang balita na may girlfriend ‘to? Single pa ba talaga siya?" Nagkatinginan kami ni Cassandra at Trisha bago sabay na natawa. "Sabi ko na nga ba, Sam. Hindi talaga normal ‘yang Ninong mo," natatawang sabi ni Cassandra. "Walang girlfriend? Tingin mo, bakit?" Napaisip ako. Sa dami ng babaeng humahanga sa kanya, bakit parang hindi niya sila pinapansin? May issue kaya siya sa commitment? O baka naman may tinatago siyang ibang dahilan? Nagkibit-balikat na lang ako. “Ewan. Pero sigurado ako, hindi ko aalamin. Hindi naman ako interesado sa love life ng taong hindi naman mahalaga sa akin.” Pero kahit sabihin kong wala akong pakialam, hindi ko maiwasang mapaisip. Bakit nga ba walang nababalitang babae si Ninong Ethan? Sa edad niyang 33, malabong walang may gusto sa kanya. Sa itsura pa lang, panalo na. Matangkad, moreno, matangos ang ilong, at mukhang modelong laging nasa gym. Kahit simple lang siyang manamit—polo o plain na t-shirt, slacks o minsan ripped jeans—hindi mo maikakaila ang porma niya. Pero higit sa itsura niya, ang pinaka-nakakaintriga ay ang ugali niya. Tahimik siya. Minsan, kapag nasa gatherings kami, halos hindi siya nagsasalita. Nasa tabi lang, nakikinig, pero hindi sumasali sa kwentuhan. Kung magsalita man, laging diretso at walang halong biro. Parang wala siyang oras sa walang kwentang bagay, at lalong hindi siya ‘yung tipong gaya ni Daddy na palabiro at madaldal. Pero kahit ganoon siya, hindi mo puwedeng sabihing suplado siya nang buo. Kasi kahit paano, mabait naman siya kay Daddy. Siguro dahil matagal na silang magkaibigan. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang lumapit sa akin sina Trisha at Cassandra habang nakaupo ako sa cafeteria, nagkakape. “Hoy, Sam, parang ang lalim ng iniisip mo?” sabi ni Trisha sabay upo sa harapan ko. “Hmp. May problema ‘to,” hula ni Cassandra, tinusok ng tinidor ang fries niya. “Mukha mong may bad news, eh.” Napabuntong-hininga ako bago nilapag ang kape ko sa mesa. “Ewan. Bad news nga siguro.” “Aba, ano ‘yun?” sabik na tanong ni Trisha. “Aalis sina Mommy at Daddy papuntang Europe. Limang buwan daw silang wala.” Nagkatinginan ang dalawa, halatang nagulat. “Oh? Eh ‘di solo mo ‘yung bahay? Ang saya no’n!” sabi ni Cassandra. “Hindi nga, eh,” inis kong sagot. “Mag-isa nga ako sa bahay, pero may bantay ako.” “Hala, sinong lucky yaya mo?” biro ni Trisha. “Si Ninong Ethan.” Sabay nilang niluwa ang iniinom nilang juice. “HA?!” halos sabay nilang sigaw. Napangiwi ako. “Ano ba? Ang OA niyo!” “Hoy, Sam, seryoso? ‘Yung Ninong Ethan mo? ‘Yung gwapong walang emotion?!” halos di makapaniwalang tanong ni Cassandra. “As in si Ethan Salazar? ‘Yung parang CEO sa porma, pero ‘di mo malapitan?” dagdag ni Trisha. Napaismid ako. “Oo, siya nga.” “Hala, girl, jackpot ka!” tili ni Trisha. “My God, magkasama kayo sa isang bahay ng limang buwan? Para ‘yang isang forbidden romance sa w*****d!” “Yuck! Ano ba kayo!” sagot ko, kunwaring nandidiri. “Ninong ko ‘yun, no!” “At ano naman ngayon?” singit ni Cassandra. “Hindi naman kayo magkadugo! Isa pa, ano ba’ng problema mo kay Ninong Ethan mo? Eh ‘di ba ang gwapo no’n?” Umirap ako. “Oo na. Gwapo na kung gwapo. Pero ang attitude? Diyos ko, mukhang hindi nga marunong ngumiti ‘yung tao.” “Minsan kasi ang mga tahimik, may tinatagong wild side,” sabi ni Trisha, sabay kindat. Napahampas ako sa noo ko. “Ewan ko sa inyo! Ang weird niyo!” Pero kahit anong iwas kong pag-usapan si Ninong Ethan, hindi ko maiwasang mabalisa. Limang buwan. Limang buwan ko siyang makakasama sa bahay. Paano kung maging sobrang awkward namin? Paano kung pagalitan niya ako sa kahit anong gawin ko? At paano kung may matuklasan akong hindi ko dapat malaman tungkol sa kanya? Ang daming tanong sa utak ko, pero isa lang ang sigurado—hindi magiging boring ang susunod na limang buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD