‼️ Authors Note: Disregard our special chapters, Gagawa muna tayo ng season 2 thier journey raising thier kids. Okay!"‼️ Again huwag niyo munang pansinin ang special chapter natin dahil di muna magiging ending." SAMANTHA POINT OF VIEW Simula pa lang ng araw, ramdam ko na agad ang kaguluhan. Hindi pa man ako nakakatungtong sa hagdan palabas ng kwarto, may naririnig na akong kalabog sa baba. Isang sigaw, kasunod ng ingay ng tumatawang bata. Tiningnan ko ang orasan — alas-otso y medya. Wala pa kaming breakfast ni Ethan at parang kailangan ko na agad ng kape’t dasal. Pagbaba ko ng hagdan, sinalubong agad ako ng tanawin na parang eksena sa isang cartoon show. Si Elijah, si Ezra, si Emma, at si Eliana—lahat sila nasa dining area, at tila may sarili silang misyon: sirain ang mesa bago kami ma

