SA ISANG mansyon sa Laguna siya tinuro ni Don Herbert. Binigay nito ang ensaktong address ng pinagtataguan ng banyagang negosyante na siyang boss nito. Pinahanda ni Haven ang mga tauhan at kasamahan upang hulihin ang banyaga. Isa ito sa leader ng mga sindikato sa Laguna. Malaki na pala ang halaga na nakapatong sa ulo nito. Nalaman nila Haven iyon nang mabanggit ni Don Herbert ang totoong pangalan ng boss. Tumawag na rin ang hepe nila Haven sa pulisya ng Laguna upang humingi ng pahintulot at magbigay rin ng impormasyon. Nakipagtulungan na rin ang mga pulis na naroroon para hulihin ang leader ng sindikato. Sa ilang beses na rin nilang paghuli sa mga leader ng sindikato ay hindi na bago ito kina Haven. Alam nilang mapapasabak sila sa matinding labanan. Hindi dapat sila maging kampante na

