[Kaileen's POV]
Habang nagdidinner kami ni Wren ay may hindi kami inaasahan na bisitang darating.
"Nandito po pala kayong dalawa." napatingin kami parehas sa unexpected visitor na nagsalita.
It was Wren's younger sister, Winnie.
This is the first time na magkakausap kaming dalawa kahit na matagal na kami magkakilala. Wala naman kasi akong kaclose sa mga siblings ni Wren, siya nga lang din ata ang nakakausap ko sakanila even before we got married.
"I'm so happy to see you both here." sabi niya naman sa amin.
Actually, last na pagkikita namin ni Winnie ay noong kasal pa namin ni Wren. Pero after that, wala na.
"What are you doing here? Akala ko nasa cebu ka?" tanong naman niya sa kapatid niya.
"Well, napaaga ang balik ko kasi tapos na ang seminar ko. And naisip ko magstay muna sa hotel natin here in batangas. Eh kayo? Anong meron at nandito kayo with your two beautiful dogs?" tanong niya naman pabalik sa kuya niya.
"Well, I wanted to take Kai on a date and ipakita rin sa kanya ang nangyayari sa ating business. And how we're starting to climb back to where we should be." sagot niya naman sa kapatid niya.
"Do you mind if I join you two?" tanong niya naman sa kuya niya at tumingin din siya sa akin, parang tinatanong niya ako gamit ang mga mata niya.
"I don't mind." sagot ko naman sa kanya at ngumiti.
Naisip ko kasi na magandang start ito na mapalapit ako sa pamilya ni Wren. Sa paraang ito, mas mararamdaman ko na part of the family na talaga nila ako.
"Okay then, I'll join you." nakangiting sabi niya naman atsaka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"I'll call you ate from now on, ate Kai. Is that okay?" pagpapaalam niya naman sa akin.
"Of course, kung saan ka komportable sa pagtawag sa akin." sagot ko naman sa kanya.
"Wala ka bang ibang gagawin, Winnie?" pagsingit naman bigla ng kuya niya, "Or wala ka bang friends na isinama?" dagdag pa niya.
"Wala, ayoko muna makipaghang-out sa mga friends ko. I want me time." sagot naman niya.
"Gusto mo ng me time pero nandito ka at sumasama sa amin. Kapag me time dapat hindi sumasama sa couple's time." sabi pa ni Wren sa kanya.
Siniko ko naman siya kasi baka mahurt si Winnie sa sinabi niya.
"Bakit ba nangengealam ka? Gusto ko makaclose si ate Kai eh. Atsaka pumayag naman siya, kaya 'wag kang KJ diyan." sagot naman sa kanya ng kapatid niya.
Hindi ko alam na may ganito pala silang closeness ng kapatid niya. Akala ko dati ay super focused lang sila sa business and walang time para magbonding, pero by the looks of it mukhang close naman pala sila at may bonding moment din. Hindi naman sila magkakaroon ng ganung asaran kung hindi sila close.
"Ate Kai, kapag pinaiyak ka ni kuya, siguraduhin mong isumbong mo sa akin para maisumbong ko kela mommy kaagad." sabi naman bigla ni Winnie sa akin.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya at napailing na lang si Wren sa kanya.
"Well, well, well." napatingin kaming tatlo sa boses na nanggaling sa likod ko.
Nanlaki ang mata ko when I saw Courtney standing behind me.
"What are you doing here?" mataray na tanong ni Winnie sa kanya.
"Bakit ganyan bigla ang boses mo sa akin, Winnie? Nakakalimutan mo bang ako ang dapat na magiging asawa ng kuya mo?" tanong ni Courtney sa kanya.
"Never kita naconsider na maging asawa ng kuya ko. At never ka naconsider ng buong pamilya namin." sagot niya naman atsaka umirap.
"Pero ako ang mahal ng kuya mo." sagot niya pa atsaka mapang-asar na ngumiti.
Tumayo naman si Wren bigla atsaka lumapit kay Courtney.
"Paano mo nalaman na nandito kami?" dinig kong tanong ni Wren sa kanya.
"I have my own way." sagot naman niya atsaka humawak sa braso ni Wren, "I'll join you three sa dinner niyo." dagdag pa niya atsaka hinila si Wren pabalik sa upuan niya at tumabi sa bakanteng upuan sa gilid nito.
Bale ako at si Wren ang magkatapat, katabi ko si Winnie, at si Courtney naman ang katapat ni Winnie at katabi ni Wren.
"Waiter." she called, "I'll order some lasagna, thank you." pag-order niya naman pagdating ng waiter sa gilid niya.
Napatingin naman siya sa order namin ni Wren.
"Wait, who ordered the food?" tanong naman niya bigla nang makita ang pagkain na nakahanda na sa table namin.
"Ako." matipid na sagot ko naman sa kanya.
Ako ang pinapili ni Wren na umorder kanina kaya pinili ko kung ano ang mga favorite at gusto ko.
"Anong klase kang asawa? Hindi mo 'man lang alam na allergic sa hipon si Wren. Ito pa, hindi naman kumakain si Wren ng carbonara kasi ayaw niya sa mga creamy food." sambit niya, "Is this hawaiian pizza? Hindi naman kumakain ng pizaa si Wren na may pizza." dagdag pa niya.
Napatingin naman ako kay Wren.
"Hindi mo naman sinabi." sabi ko naman na medyo nahihiya. Nakaramdam ako ng hiya dahil hindi ko masyadong alam ang taste niya kahit na ako ang asawa at kasama palagi, "Hindi ko rin alam na hindi ka kumakain ng creamy food kasi pag nagluluto naman ako sa bahay ng carbonara, kumakain ka." dagdag ko pa.
"I started to like new things when I married you." sagot naman niya sa akin. Tumingin naman siya kay Courtney, "Medyo nag-iba na ang taste ko sa pagkain, kaya 'yung mga pagkain na hindi ko gusto dati, nagugustuhan ko na ngayon. I also like shrimp, allergic lang ako kaya hangga't maaari iniiwasan ko."
Nakaramdam naman ako ng kilig sa puso ko ng marinig ko ang mga sinabi ni Wren. Pero kaagad ko napansin ang pagsimangot ni Courtney.
"Oh diba." pagsasalita naman ni Winnie bigla, "Kaya pwede ba, 'wag ka mangealam?" pambabara niya pa.
"Winnie." pagpigil naman ni Wren sa kanya.
Nagwalk-out naman si Courtney at sinundan naman niya ito kaagad. Ni hindi siya nagpaalam sa akin at sa kapatid niya. Inaamin kong nasaktan ako sa ginawa niya. 'Yung kilig ko mula sa sinabi niya ay nawala agad sa isang iglap.
"Hayaan mo 'yung stepsister mo na 'yun, ate. Wala kang mapapala sa kanya, papansin na masyado eh. Ayaw talaga namin siya, lalo na ng parents namin. Matigas lang talaga ulo niyan ni kuya kaya kahit ayaw na namin dun sa ex niyang 'yun ay tinuloy niya pa rin idate. Actually, masaya nga kami ate na kayo ang ikinasal kasi alam namin na nasa matinong babae siya. Hindi sa babaeng pineperahan lang siya." sabi naman ni Winnie.
"Pineperahan?" tanong ko naman.
"Yes, pineperahan lang nun si kuya. Ilang beses ko na 'yun nakita sa bar na may kahalikan na kung sino-sino pero kapag sinasabi ko naman kay kuya ayaw maniwala. One time, pinakita ko pa kay kuya na may kahalikan 'yang Courtney na 'yan sa bar pero alam mo anong sinabi sa kanya nung babaeng 'yun? Inedit ko raw 'yung video kasi ayaw ko raw sa kanya. Edi syempre itong kuya ko naman na baliw na baliw sa pag-ibig naniwala. Napakasinungaling diba?" pagkekwento naman niya sa akin.
So, pineperahan niya lang talaga si Wren from the start? So, if pera lang habol niya ang dami pang lalaki diyan na mayaman, bakit siya ngayon naghahabol sa asawa ko? Ano naman ang gusto niya mangyari ngayon.
"Hindi ko hahayaan na maging parte ulit 'yan ng buhay namin. Kaya siguraduhin mo ate na hindi kayo maghihiwalay ni kuya ah. Alam kong business matters lang kung bakit kayo ikinasal. Pero sana sa susunod katotohanan na. Mukhang nandun na rin naman." nakangiting saad naman niya.
Sana magdilang-anghel ka nga, Winnie. Sana hindi nga kami maghiwalay, at sana siya na nga habambuhay ang makasama ko. Kahit na pakriamdam ko ay malabo naman iyon mangyari. Ngayon nga lang oh, hinabol niya pa si Courtney. I know deep inside, he still care for her.