Chapter 17 - The Confrontation

1408 Words
[Courtney's POV] "Courtney, bakit nandito ka?" tanong sa akin ni Wren ng makalabas kami sa restaurant ng hotel nila. "Bakit? Masama bang sundan ko kayo dahil gusto kita makita? You should be happy that I'm here." naiinis na sagot ko naman sa kanya. "This is not the right time and place." sagot naman niya sa akin. "Kailan ang right time and place, Wren? I've been calling and messaging you on every social media na may connection tayo but you're not responding. What do you expect me to do?!" tanong ko sa kanya, "Ito na lang ang paraan na alam ko para makausap ka." "I've been busy sa work lately, maraming client. There are too many investors that I need to work out, Courtney. Hindi ko masyadong napapansin ang calls at messages mo. Nasa meeting ako madalas." pag-eexplain niya sa akin, pero alam kong hindi totoo iyon. Alam kong nagsisinungaling siya. "Bakit hindi ko na makita sa mga mata mo ang spark na nakikita ko dati kapag kasama mo ako?" tanong ko sa kanya. Napatahimik siya bigla at napaiwas ng tingin. "You're falling for Kaileen?" galit na tanong ko sa kanya. "Courtney," pagtawag niya sa pangalan ko. No! Hindi ko kayang tanggapin kung sa kanya siya magkakagusto. "Hindi ka talaga naawa sa akin?! Sa lahat ng magugustuhan mo, 'yang babae pa na nanakit sa akin?!" pasigaw na tanong ko sa kanya. This time, I tried my best to cry. Pero hindi siya nagsalita, nakatayo lang siya sa harap ko at nakayuko. "Akala ko ako lang ang mamahalin mo habang buhay?! Akala ko ba ako lang? Bakit mo ako ginaganito?!" sigaw ko sa kanya. HINDING HINDI AKO PAPAYAG NA AKO ANG MATALO SA LABAN NAMIN NA ITO NI KAILEEN. I won't let her have the happiness that she wanted. *** [Wren's POV] Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Courtney. Alam kong nakikita niya sa mga mata ko na wala na ang dating saya na nararamdaman ko sa kanya. Alam ko rin na nararamdaman niyang may kakaiba na talaga sa aming dalawa. Busy ako lately, pero kahit nakikita ko ang messages niya ay hindi ko talaga iyon masyadong pinapansin. Una, naguguilty ako kapag nakikipag-usap ako sa kanya. Palagi kasi pumapasok sa isip ko na baka maging malungkot si Kaileen, kaya mas pinipili ko na lang na hindi siya replyan. Alam ko rin sa sarili ko na hindi na ako takot na mawala siya, hindi kagaya dati. Ang sa akin ngayon kung ayaw na niya at hindi na niya ako maintay, okay na sa akin. Kaya ngayon na nagkakausap kami ay hindi talaga ako masyadong makasagot sa mga tanong at sinasabi niya. "Sa sobrang busy mo sa buhay niyo ni Kaileen, nakalimutan mo na akong kamustahin. Hindi mo alam na may malubha na akong sakit." sabi niya naman dahilan upang mapatingin ako kaagad sa kanya. "Sakit?" tanong ko naman bigla sa kanya. "I'm battling cancer, Wren. Breast cancer, early stage 3. Sabi ng doctor, pwede pa gawan ng paraan kaya I'm undergoing chemotherapy." pag-eexplain naman niya. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" I can't help but to be worried. Kahit paano naging parte pa rin naman siya ng buhay ko eh, diba. Napakawalang kwenta ko namang tao kung hindi ako magiging worried sa kalagayan niya. "Because you're not replying sa mga calls and messages ko. I've been diagnosed with depression as well, gusto ko magpakamatay dahil sa kung anong meron ako. Kaya hindi ko matatanggap kung pati ikaw ay mawawala sa akin." umiiyak na sabi niya sa akin. "You need to fulfill your promise to me, kailangan mo iwan si Kaileen. Iwan mo siya at pakasalan mo ako." Napako ako sa kinatatayuan ko. Bigla akong nablanko, paano ko iiwan ang isang taong naging malaking parte sa kung ano ako ngayon? She always bring out the best in me, and I know that she makes me happy. Kaya paano ko siya iiwan? Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kay Kaileen. All I know is that I don't want to lose her, masaya ako sa kung ano ang meron kami ngayon. Sa totoo lang, sa loob ng siyam na buwan na magkasama kami ni Kaileen sa iisang bubong, alam kong mas nakilala ko na siya. She's that timid, simple girl na sobrang daming hidden talent. Sobrang pure rin niya, kaya hindi ko maiwasan ang sarili ko na gustuhin siyang protektahan. "Wren." pagtawag sa akin ni Courtney, "I hope you can accept my request, my last request before I die." dagdag pa niya. "I'll take care of you, Courtney. Pero bigyan mo muna ako ng pagkakataon na mag-isip tungkol sa gusto mo. Hindi ako pwedeng basta makipaghiwalay at pakasalan ka, lalo na at alam sa publiko na mag-asawa kami." sagot ko naman sa kanya. *** [Kaileen's POV] Nauna na lang akong bumalik sa kwarto namin ni Wren kasama ang dalawang aso namin. Masyado silang matagal mag-usap ni Courtney at nawalan na rin ako ng gana. Nagpaalam na lang ako kay Winnie at sinabing masama ang pakiramdam ko. Kahit na ang totoo ay masama ang loob ko na nagulo na naman ni Courtney ang kung anong meron kami ni Wren ngayon. Humiga ako sa kama at humarap sa side kung saan hindi ko siya makikita pagpasok niya. Maya-maya ay narinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto namin. Alam kong siya na iyon. Naramdaman ko ang paghiga niya sa kama. "Tulog ka na ba?" tanong niya naman sa akin. Hindi ako nagsalita. Hindi naman ako galit, wala lang talaga akong gana makipag-usap sa kanya. "I'm sorry, Kai." he apologized. Why is he sorry? Nagsosorry ba siya dahil ayaw na niya? Dahil ba narealize niyang kaya na niya kahit wala ako? Bakit? Ano ang dahilan? Gusto ko magtanong pero walang lumalabas sa bibig ko na salita. "Kai, galit ka ba?" tanong niya naman, "Alam kong gising ka pa." dagdag niya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong iharap sa kanya. "Are you mad at me?" halata sa mukha niya na nag-aalala siyang galit ako. "No, hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit?" tanong ko. "It's our special day tapos may mga bisitang dumating na hindi natin inexpect." sagot naman niya sa akin. "No, hindi ako galit." pag-uulit ko, "Alam ko naman kung saan ako sa buhay mo, marunong ako rumespeto. Umpisa palang naman ay napag-usapan na natin ito." dagdag na sagot ko pa sa kanya. "I hope you don't get the wrong idea kung bakit kami nag-usap ni Courtney sa labas." sambit niya, "Gusto ko lang siya kausapin privately." "Hindi mo kailangan mag-explain." ngumiti naman ako sa kanya ng pilit. Bahala na kung napansin niya. Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo, "Don't overthink. Nag-usap lang kami about herself. Not about us." So, ano namang pinag-usapan nila about Courtney? Ano kaya ang sinabi niya kay Wren? "Mahalaga ka sa akin, Kaileen. 'Wag ka mag-isip na baka mabalewala kita ng dahil kay Courtney. Sa ngayon, ikaw ang priority ko, ikaw ang asawa ko." dagdag na sabo niya. Umupo naman ako sa kama namin at tumitig sa mga mata niya. "Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa kung anong sinasabi mo, Wren. Mahalaga ako sayo, pero mahalaga rin si Courtney sayo? Ang pakiramdam ko kasi hindi mo siya kayang i-let go at ganun din ako. Sino ba talaga sa amin ang gusto mo makasama?" tanong ko sa kanya ng diretso. Hindi ko na napigilan, naguguluhan na rin kasi ako eh. Pakiramdam ko mahal na niya ako pero kaoag bumabalik si Courtney parang nagiging pangalawa na lang ako ulit. Option lang kumbaga. "Parausan mo lang ba ako?" naiiyak na tanong ko naman sa kanya. Hindi ko na rin napigilan at napaiyak ako. "Hindi sa ganun, Kai." sagot naman niya sa akin. "Hindi ko na alam Wren. Mahal kita, siguro naman alam mo iyon diba? Mahal kita noon hanggang ngayon." pag-amin ko sa kanya, "At pakiramdam ko ngayon, unti-unti mo na akong minamahal. Pero parang ilusyon lang lahat noh kasi si Courtney pa rin. Naiintindihan ko naman dahil sinabi mo naman iyon umpisa pa lang, kaya ang baliw lang na umaasa ako." "Naguguluhan na rin ako." sagot niya sa akin. "Naguguluhan ka dahil hindi mo talaga ako mahal. Nasasanay ka na lang na ako na ang kasama mo kaya pakiramdam mo gusto mo na rin ako piliin. Pero ang totoo? Si Courtney pa rin talaga ang gusto mong makasama. Siya pa rin ang nandiyan sa puso mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD