Chapter 18 - We Need Space

1383 Words
[Kai's POV] Nakauwi na kami from our "vacation". Well, hindi naman mukhang bakasyon ang nangyari dahil naging disaster lang ang stay namin sa lugar na iyon. Bukas pa dapat kami uuwi pero nag-aya na ako agad dahil ayaw ko na magstay pa sa hotel na iyon na kasama sila. Lalo na ngayon na ang awkward naming dalawa ni Wren. "Let me help you with your bags." pagprisinta niya ng ibaba ko ang bag ko mula sa kotse. "I can handle this." sagot ko naman sa kanya sabay hila ng bahagya ng bag ko mula sa pagkakahawak niya. Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Can I really live with him kahit na parang ang gulo na ng sitwasyon namin? Mas naging clear na sa akin ang lahat. Kaya pala niya ako ginalaw ay dahil kailangan niya ng mapaglalabasan ng init niya. Ako ang nandito, ako ang ginalaw. Napapikit na lang ako at tumulo ang luha mula sa mata ko. Akala ko mahal na niya ako, hindi pala. Naguguluhan lang pala siya. Ni hindi niya nga masabi sa akin na mahal niya ako eh. Kung talagang mahal niya ako, dapat nasasabi niya diba? Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Pagtingin ko sa oras ko sa cellphone ay 7pm na pala. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at hinilot ang sentido ko. Bababa na ako para magluto ng dinner. Kahit naman hindi kami okay, hindi ko naman siya pababayaan. Pagbaba ko ay nandun siya at nakaupo sa sala, nagcecellphone. Napatingin naman ako sa may dining table namin, at may mga nakahanda ng pagkain. Nagluto na pala siya. "Gising ka na pala. Kain na tayo." pag-aya niya sa akin. "Sige, kumain ka na. Busog pa ako." sagot ko naman sa kanya. Sasagot na sana siya nang biglang may magdoorbell. "I'll get it." sabi ko naman sabay labas sa may garage namin upang tignan sino ang nagdoorbell. Nanlaki ang mata ko at nagulat ako nang makitang si Courtney iyon at may dalang mga gamit niya. Why do I have a bad feeling na magsstay siya sa pamamahay namin? "What are you doing here?" tanong ko sa kanya. "I'm here to stay with you for the min time." sagot naman niya sa akin. "Kai?" napalingon naman ako nang tawagin ako ni Wren. Napatigil din siya at nagulat nang makitang nasa labas ng gate namin si Courtney. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya naman kay Courtney. "I'll stay here for the min time. Wala akong kasama sa bahay, si daddy and mommy ay nagpunta ng ibang bansa for business purposes. Sila Manang Ines lang kasama ko sa bahay. Nalulungkot ako. Kaya nagpaalam ako kay daddy na magstay muna with the two of you." sagot niya naman. Tumango na lang ako at pinagbuksan siya ng gate. Kahit naman ipagdamot ko si Wren, wala namang mangyayari eh kasi hindi ko naman pagmamay-ari ang puso niya. Yumakap kaagad si Courtney sa kanya. Pumasok na ako sa loob ng bahay at iniwan ko sila. Hindi ko alam kung nag-usap pa sila saglit pero wala na akong pakealam, ayoko na mangealam. Maya maya ay pumasok na sila sa loob ng bahay namin. Dala-dala ni Wren ang maleta ni Courtney. Nagkatitigan pa kaming dalawa pero kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya at dumiretso na lang sa pag-akyat sa kwarto ko. Pagpasok ko sa loob ay nilock ko ang pinto at napaupo na ako sa lapag. Alam niyo 'yung feeling na walang lumalabas na boses sa iyak niyo? Ganun ang nangyayari sa akin ngayon. Umiiyak ako, at tulo nang tulo ang luha ko. Pero walang lumalabas na boses sa akin. Ang sikip ng dibdib ko. Pinipigilan ko rin na humikbi dahil baka marinig nila ako. Sobrang sakit. Hindi ko maexplain 'yung level ng pain na nararamdaman ko. Hindi ko na rin alam kung paano ko pa ilalabas 'yung sakit na nararamdaman ko kasi parang kahit na anong iyak ko hindi nagiging magaan ang nararamdaman ko. Siguro nasa kwarto na silang dalawa at nagkakaroon na ng me time. Dalawa lang naman ang kwarto sa bahay namin eh, kaya for sure magkasama sila. Mas lalo na lang ako naiyak dahil sa mga naiisip ko. *** [Wren's POV] "Please have some respect naman kay Kaileen, Courtney. Sa loob ng pamamahay na ito, siya ang may karapatan, at siya pa rin ang asawa ko." sabi ko naman sa kanya ng itulak ko siya bahagya mula sa pagkakayakap niya sa akin. "Nandito lang naman ako kasi malungkot ako sa bahay dahil may sakit nga ako. Wala namang ibang may alam na may sakit ako, ikaw lang." sagot niya naman sa akin, "Masaya lang naman ako na makakasama kita kaya nayakap kita. Ayaw mo ba na niyakap kita?" tanong niya naman. "Pumasok na tayo sa loob." pag-iiba ko ng usapan sabay dala ng maleta niya sa loob. Ayaw ko sumagot sa kanya dahil alam kong hindi kiya tatanggapin ang isasagot ko. Nagkatinginan kami ni Kaileen pagpasok ko sa bahay pero kaagad siyang umiwas at umakyat sa taas. "Sa kwarto ko ikaw matulog. Dito na lang ako sa baba matutulog." pagprisinta ko naman sa kanya. "Ayaw mo ba ako samahan matulog sa kwarto?" tanong niya sa akin. "Hindi maganda tignan na sasama ako sa'yo sa loob ng kwarto habang nandito ang asawa ko sa bahay. I'll sleep here sa sala, you sleep on my room." sagot ko naman sa kanya. Inakyat ko na rin ang mga gamit niya sa kwarto ko at bumaba na rin agad para makapagpahinga siya. Naupo lang ako sa sofa. Pumasok sa isip ko ang tingin sa akin ni Kaileen. Alam kong malungkot ang mga mata niya kaya gusto ko siya puntahan sa kwarto niya pero hindi ko magawa. Alam ko kasing magulo pa ang utak ko. At baka tanungin niya ako at hindi ko masagot. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit hindi ko malaman ano ang kailangan kong malaman tungkol sa nararamdaman ko? Ayaw ko mawala si Kaileen sa akin. Pero paano naman si Courtney? Para ko siyang iniwan sa ere. Hindi ko namalayan ang oras sa kakaisip ko ng tungkol sa amin ni Kaileen. Bigla namang may text na pumasok galing kay Courtney. Nagpapadala siya ng tubig sa akin dahil masama raw ang pakiramdam niya at kailangan niya uminom ng gamot. Dahil may sakit siya, ayoko na makipagtalo sa kanya at ayoko rin maging dahilan ng stress niya. Tumayo na ako at pumunta sa kusina para ikuha siya ng tubig. Umakyat ako at kumatok sa kwarto. Pinagbuksan naman niya ako. Matamlay ang itsura niya. Pumasok ako sa loob para alalayan siya pero nagulat ako ng bigla siyang manghina at halos matumba sa paglalakad pabalik sa kama. "Uminom ka na ng gamot mo at magpahinga ka na. Wag ka na rin magstay up late." sabi ko naman nang maalalayan ko siya sa kanyang kama. Ginawa niya naman ang sinabi ko kaagad. Aalis na sana ako dahil nakita ko na naman na nakainom na siya ng gamot niya. Pero nagulat ako ng pigilan niya akong umalis kaya napaupo ulit ako sa kama. The next thing I know is that hinila na niya ako at hinalikan sa labi. I kissed her back. I wanted to confirm something. I know this is not the right thing to do, but I want to know the truth. I tried to undress her. But the moment na tatanggalin ko na sana ang tshirt niya ay nagflash sa isip ko ang ngiti ni Kaileen. Ang mga yakap niya sa akin, ang paghalik niya sa labi ko. Kaagad akong humiwalay sa pagkakahalik ko kay Courtney at tumayo sa kama. "I'm sorry, I can't. Nasa kabilang kwarto lang ang asawa ko. This is cheating." I said as I walked out of the room. Mabilis akong bumaba at umupo sa sofa. Napahilamos ako sa mukha ko at napapikit sa sobrang frustration na naramdaman ko. I don't feel the same way anymore with Courtney. Wala na, wala na yung excitement. Wala na 'yung saya, kilig, at 'yung pagmamahal. Hindi ko na maramdaman ang mga pakiramdam na normal ko naman nararamdaman sa kanya noon. Pero paano ko sasabihin sa kanya ngayong may malubha siyang sakit? Hindi ko kayang saktan siya sa kalagayan na meron siya ngayon. Kahit paano may pinagsamahan kami, minahal ko rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD