[Kaileen's POV]
Pagbaba ko sa sala ay nakita kong nakahiga sa sofa si Wren. Tulog pa siya.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kagaanan sa puso ko nang makita kong dito siya natutulog.
Pumunta na ako sa kusina at nagsimulang magluto ng agahan para sakanila.
Hindi ako kakain dito sa bahay dahil hindi ko kayang makita silang dalawa. Baka hindi ko kayanain at maiyak ako sa harap nila.
Ayoko makita ni Courtney na apektado ako. Hindi ko na ipapakita sa kanya ang weak side ko. Tapos na ako sa time na 'yan.
Saktong tapos na ako magluto ng maalimpungatan si Wren. Naghain na rin ako habang nag-iinat siya at prinepare ko na ang mga pagkain sa lamesa.
"Kain na kayo. Gisingin mo na si Courtney." casual na sabi ko naman sa kanya.
"Sige." sagot naman niya atsaka umakyat sa taas.
Maya maya ay bumaba na sila. Nakakapit sa braso niya si Courtney habang pababa sila sa hagdan. Ang sweet, sana all na lang.
Sinubukan kong umiwas ng tingin sa kanila hanggang sa makarating sila sa dining table at alisin niya ang pagkakakapit niya kay Wren.
"Bakit dalawa lang ang plato?" tanong ni Wren sa akin.
"Hindi ako gutom, mag-aayos na ako at kailangan ko rin maging maaga sa office." sagot ko naman sa kanya.
Magsasalita pa sana siya ulit pero nagsalita na si Courtney.
"Sabayan mo ako, Wren kumain." sabi niya naman.
Dali-dali naman akong umakyat sa kwarto ko para hindi ko na sila makita. Kailangan ko na talaga mag-ayos at umalis.
***
Pagdating ko sa opisina ay pagod na pagod ako. Para bang nadrain ako sa mga nangyari kagabi.
"Ma'am, okay ka lang? Parang namumugto po kasi ang mata mo?" tanong ni Lily sa akin.
"Okay lang ako. Kailangan ko lang ng tubig sana." sagot ko naman sa kanya.
"I'll bring you water." sabi niya naman kaagad atsaka ako ikinuha ng tubig.
"Salamat." nakangiting sabi ko naman sa kanya bago siya lumabas sa office ko.
Habang hinihilot ko ang sentido ko ay narinig kong may pumasok. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Ivan, may dalang bulaklak.
"This is for you." nakangiting sabi niya naman sa akin, "Parang umiiwas ka sa akin kaya minabuti ko na lang i-clear ang sched ko today to visit you."
Totoo, umiiwas ako dahil ayaw ni Wren na maging close kami. Pero nang makita ko siya ngayon ay parang nakonsensya ako. Bakit ko kailangan itapon ang friendship namin sa isang relasyon na hindi ko alam kung kaya ako panindigan.
It's better to keep Ivan as a friend than to keep Wren who's unsure of me and our relationship.
"Favorite flower ko pa talaga ang binigay mo." nakangiting sabi ko naman, "Salamat."
Aamuyin ko na sana ang bulaklak na dala niya dahil mahilig naman akong umamoy ng mga fresh flowers pero hindi ko kaya ang amoy. Naduwal ako nang maamoy ko ang scent niya. Hindi naman mabaho pero ayaw ko talaga ang amoy.
"Ayaw mo ba ng amoy?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Hindi naman pero parang ayaw ng katawan ko 'yung amoy ngayon. Baka dahil pagod lang ako." sagot ko naman sa kanya.
"Sige, ilabas ko muna." sabi niya naman atsaka lumabas dala ang bulaklak.
Pagbalik niya ay wala na siyang hawak na bulaklak. Iniwan siguro kay Lily.
"I appreciate your visit. Salamat din sa bulaklak. Hayaan mo sa susunod hindi na aayaw ang ilong ko sa bulaklak. Wala siguro ako sa mood para sa bulaklak ngayon." sabi ko naman sa kanya.
"Next time iba naman dadalhin ko sa'yo.' sagot niya naman sa akin, "By the way, I have to go kasi may meeting pa ako. I'll visit you again kapag hindi na ako masyadong busy sa mga meetings ko." pagpapaalam naman niya sa akin.
Tumango lang ako at nagwave sa kanya.
Buti at dumalaw si Ivan, kahit paano nawala sa isip ko na nakatira pala si Courtney sa bahay ko ngayon at naiwan sila ni Wren na silang dalawa lang.
Okay, magpapakabusy na lang ako. No time for toxicity!
Sa sobrang busy ko hindi ko na namalayan na lagpas na lagpas na pa ako sa lunch. Kung hindi pa ako nahilo sa gutom ay hindi ko mamamalayan na late na pala.
Nagpadeliver na lang ako ng favorite kong chicken wings.
"Ma'am ito na po order niyo." sabi sa akin ni Lily nang ipasok niya sa office ko ang pagkain na inorder ko.
Inaabot niya pa lang ang pagkain na inorder ko ay naduduwal na ako. Hindi ko gusto ang amoy ng chicken nila ngayon. Siguro may binago sa recipe kaya bumaho.
"Ang baho naman. Ayoko nung amoy." puna ko naman ng buksan ko ang inorder kong pagkain.
"Usual order mo naman ito maam." sabi naman ni Lily sa akin. Medyo nagtataka na ang mukha niya dahil sa naging reaksyon ko when in fact, ito nga ang lagi kong inoorder.
"Nawalan na ako ng gana. I'll focus on work muna, baka wala talaga ako sa mood ngayong araw kaya ganyan ang mga nararamdaman ko. Kuhanin mo na ito at kainin mo kasi hindi ko na rin 'yan gagalawin." sabi ko naman sa kanya sabay abot ng pagkain ko.
"Labas na ako, ma'am. If you need anything from me, just call po." sagot niya naman sa akin bago tuluyang lumabas sa opisina ko dala ang pagkain.
Super stressed siguro ako kaya kung ano ano na ang inaayawan ng katawan ko. I need some sleep, I need a good rest.
Pero paano ko 'yun gagawin kung nasa bahay namin si Courtney?
***
Napabuntong-hininga na lang ako bago ako bumaba sa sasakyan pagkatapos ko magpark. Nandito na si Wren pagdating ko sa bahay dahil nakapark na ang kotse niya sa garahe. Himala at ang aga niya ata siya ngayon.
Mukhang excited na makasama si Courtney kaya maagang umuwi ngayong araw.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nag-uusap sila sa sala. Tumigil sila bigla pagkapasok ko.
"Nandito ka na pala, Kai." sambit ni Wren atsaka tumayo sa sofa, "Nagluto na ako ng dinner natin. Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya at tumango, "Kayo na lang, kumain na ako bago ako umalis ng office." pagsisinungaling ko naman.
"Ah ganun ba? Um, gumawa ako ng dessert. Diba noong nakaraan nagccrave ka ng mango graham, bago tayo pumunta sa batangas. Naggrocery ako kanina tapos naalala ko kaya gumawa ako. Tara, tikman mo." pagyaya naman niya sa akin.
"Ah, hindi ka ba pumasok ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Hindi siya pumasok ngayon kasi inasikaso niya ako." pagsingit naman ni Courtney sa usapan namin.
"Ah." sagot ko sa kanya pabalik atsaka ibinalik ang tingin ko kay Wren, "Bukas ko na lang titikman kasi busog na rin ako at pagod sa trabaho. Magpapahinga na muna ako." sabi ko naman sa kanya.
Hindi na naman siya sumagot kaya umakyat na ako sa kwarto ko para mabigyan ko na sila ng privacy.
Hindi ko maiwasan hindi mag-isip ng masama sa kung ano ang posibleng nangyari ngayong araw habang magkasama silang dalawa rito sa bahay.
Humiga ako sa kama ko at pumikit. Tumulo na rin ang luha na kanina ko pa pinipigilan habang nakaharap ako sa kanila.
Gusto ko magpahinga pero ang utak ko sobrang gulo, sobrang hirap. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, paano ko pa ba kakayanin na harapin sila? Araw araw ko silang makakasama hanggang sa kung kailan gustuhin ni Courtney na umalis sa buhay namin. Paano kung hindi na siya umalis? Paano na ako? Mas lalo na ako mawawalan ng papel sa buhay ni Wren.
Natatakot ako na baka mapaaga ang paghihiwalay naming dalawa at marealize niyang mali lang lahat ng naramdaman niya para sa akin. Pero hindi pa nga ba? Hindi ba parang narealize niya na nga? Kaya nga ata sobrang bait niya sa akin eh, kasi naguguilty siya sa mga ginawa niya.
Alam kong naaawa at naguguilty siya dahil nagalaw na niya ako at ngayon hindi niya kayang panindigan ang kung anong meron kami. Naiipit siya sa sitwasyon na si Courtney ang mahal niya pero ako ang asawa niya.