[Wren's POV]
"Courtney, can we talk?" tanong ko sa kanya pag-uwi ko sa bahay.
Hindi ako pumasok ngayon kasi nagmakaawa si Courtney na medyo masama ang pakiramdam niya at gusto niya ako makasama. Inasikaso ko naman siya bilang naging parte siya ng buhay ko noon. Pero pagkatapos ko siyang ipagluto ng lunch at alalayan sa mga gagawin niya ay lumabas muna ako para maggrocery.
Matagal din akong naggrocery kaya medyo hapon na rin ako nakabalik sa bahay at naabutan ko nga siya na nakaupo sa sala. At pagkatapos ko nga ilagay ang mga ipinamili ko sa grocery at nakagawa ng graham na noong isang araw pa gustong kainin ni Kaileen at bumalik na ako sa sala para kausapin si Courtney.
"Ano 'yun?" tanong niya naman sa akin.
Umupo ako sa tabi niya pero may enough space naman sa gitna.
"Gusto ko maging honest sa'yo, Courtney. It would be better if sabihin mo sa family mo na may sakit ka, na may cancer ka. Mas matutulungan ka nila kesa sa matutulungan kita. Kailangan mo rin ng suporta nila kaysa suporta ko." pagsuggest ko naman sa kanya.
"No, ayoko." sagot naman niya, "Kaya ko ang sarili ko. Pumupunta naman ako sa mga chemo ko na mag-isa, nagpapalakas naman ako." dagdag niya pa sa akin.
"Oo alam ko naman 'yun. Sinabi mo naman 'yan sa akin. Pero kasi mas okay eh kung alam ng pamilya mo. Pag-uwi nila galing business trip mas mainam na sabihin mo na kaagad. Hindi naman sila magagalit sayo, susuportahan ka pa nila." pagpilit ko naman sa kanya, "Atsaka mas okay din, Courtney kung uuwi ka na rin sainyo. Okay na siguro ang isa o dalawang araw na nagstay ka rito para maibsan ang konting kalungkutan mo, hindi ba? Hindi rin kasi magandang tignan na nandito ka tapos nandito rin si Kaileen na asawa ko." dagdag ko pa.
"Bakit hindi magiging maganda tignan? Bakit? Kapatid ko naman si Kaileen. Walang masasabi ang ibang tao kahit makita nila akong nandito sa bahay niyo." sagot niya naman sa akin.
"Alam kong hindi okay kay Kaileen na nandito ka kaya mas okay kung bukas ay umuwi ka na. Ihahatid kita, 'wag ka mag-alala." sabi ko naman sa kanya.
Ayoko kasing magstay pa siya ng mas matagal dahil alam kong mas magiging malungkot si Kaileen na magkakasama kami sa iisang bubong. Hindi naman din kasi maganda na magkasama ang ex-girlfriend at asawa.
"Mahal mo pa ba ako?" tanong sa akin ni Courtney.
Hindi ko alam ang isasagot ko dahil natatakot ako sa pwede niya maging reaksyon. Pero siguro mas okay kung sabihin ko na ang totoo, atleast kahit masaktan siya ay hindi na siya umasa.
"Mahalaga ka sa akin, Courtney, dahil malalim din ang pinagsamahan natin. Pero kung tatanungin mo ako kung mahal kita ang sagot ko ay minahal kita." sagot ko sa kanya. Sinubukan ko pagandahin ang sasabihin sa kanya pero parang hindi pa rin maganda ang dating sa kanya dahil napakunot ang noo niya.
"Minahal? So, sinasabi mong hindi na ngayon?" tanong niya sa akin.
Sasagot na sana ako nang biglang pumasok si Kaileen sa bahay. Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko para salubungin siya. Inaya ko siya kumain dahil nakaluto na naman ako kanina pa ng ulam para sa dinner namin bago pa ako tuluyang umalis para maggrocery. Pero umayaw siya. Inaya ko rin siya kumain ng ginawa kong graham pero tumanggi rin siya at umakyat na sa kwarto.
Napabuntong-hininga na lang ako habang patuloy ko siyang pinapanood na umakyat.
Napatingin na lang ako kay Courtney ng magsalita siya bigla.
"Sagutin mo ang tanong ko." sambit niya.
Humarap ako sa kanya atsaka ako yumuko, "Sorry."
"Walanghiya ka." nanggigigil na sambit nya sabay palo sa dibdib ko.
Hinayaan ko siyang gawin iyon dahil alam kong nasaktan ko siya.
"Sinasabi mo bang si Kaileen na ang mahal mo?" tanong niya sa akin nang tumigil siyang hampasin ako.
Inaantay niya ang sagot ko.
Pumikit na lang ako at tumango, at dun niya itinuloy ang paghampas sa dibdib ko habang umiiyak.
Naamin ko na sa sarili ko na mahal ko talaga si Kaileen. Hindi ko lang matanggap noon at hindi ko maamin sa sarili ko na hindi ko na mahal si Courtney. Gusto ko kasi tuparin ang sinabi ko sa kanya pero hindi ko napigilan ang sarili ko.
I've never felt so happy before, ngayon lang, noong naging asawa ko lang si Kai.
Naramdaman ko na mahalaga ako, na inaalagaan ako, na minamahal ako. Noong una, oo ginagawa ko ang lahat dahil inutos sa akin ni Courtney pero habang tumatagal ay nakikita ko kung gaano ako pinapahalagahan ni Kaileen. Naramdaman ko sa kanya na kahit walang kapalit basta maging masaya lang ako ay okay na siya.
She's always supportive sa akin, she listens to me, and she always prioritize me. Kahit pa sa trabaho at business nila, ako pa rin ang inuuna niya. Dibaleng malate siya, 'wag lang ako. Hindi na bale kung sya ang mawalan basta ako meron. Nakita ko sa kanya 'yung pagmamahal na hindi ko naramdaman sa tagal na naging kami ni Courtney. Sa kanya ko naramdaman na parang I'm always at my best version kahit na ang totoo ay hindi naman.
She always tell me na I did well lalo na kapag galing ako sa meeting, may it be a bad meeting or a good one. I can't keep myself but enjoy those privileges na ibinibigay niya sa akin. Noong una akala ko nabubulag lang ako, akala ko maling akala lang ang nararamdaman ko. Baka kako nagugustuhan ko lang ang feeling na ibinibigay niya sa akin pero baka hindi naman siya ang gusto ko.
Pero habang tumatagal mas narerealize kong hindi eh, mas nalalaman kong minamahal ko na siya. Sinubukan ko pigilan para kay Courtney pero hindi ko kinaya dahil puso na ang nagdikta. At mas naamin ko lang din siya sa sarili ko dahil sa nangyari kagabi, nang halikan niya ako. Hindi ko magawang galawin si Courtney dahil naiisip ko si Kaileen, naisip ko bigla kung ano ang mararamdaman niya at nasasaktan ako maisip ko palang na masasaktan ko siya.
Hindi ko naman inasahan na magiging ganito pala siya sa loob ng marriage namin. She made me realize that a relationship should be done by 2 people, it's a give and take process. She brings out the best in me.
Nabalik ako sa realidad ng tumakbo si Courtney sa kusina habang umiiyak. Sinundan ko naman siya at nagulat ako ng kumuha siya ng kutsilyo at itinapat iyon sa kanyang leeg.
"Kung hindi mo na pala ako mahal at pipiliin mo 'yang babae na 'yan, mas mainam na lang kung mamatay na ako. Tutal, wala na rin namang saysay ang buhay ko!" sabi niya habang patuloy na nakatutok sa leeg niya ang kutsilyo.
"Bitawan mo 'yan, Courtney." sabi ko naman sa kanya.
"Hindi ko kaya kung mawawala ka, Wren." umiiyak na sabi niya
"Please, Courtney. Bitawan mo 'yan. Okay, sige, hindi ako mawawala sa'yo." sabi ko naman sa kanya. Nabablanko na ako, 'yun na lang ang naisip ko na paraan para kumalma siya.
Ibinaba naman niya ang kutsilyo kaya nakalapit ako sa kanya at nakuha ko iyon pabalik at inilagay sa medyo mataas na cabinet. Bigla naman niya akong niyakap habang humihikbi.
"Sinabi mo 'yan ah, hindi mo ako iiwan." sabi niya naman.
Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko.
Naging totoo na ako sa kanya, gusto ko na talaga malaman niya na hindi na kami magkakabalikan pa. At na wala akong balak na hiwalayan na si Kaileen. Pero paano pa mangyayari ang lahat ng gusto ko mangyari na totohanin ang relasyon namin ni Kai kung ganito naman ang magiging kapalit.
Paano kung mamatay siya nang dahil sa desisyon kong makasama si Kaileen? Ano ang gagawin ko, hindi ko na alam! Litong-lito na ako!
Ayoko na lokohin ang sarili ko, hindi ko rin kayang mawala si Kai sa akin.