Chapter 14 - The Argument

1342 Words
[Kai's POV] "Alam mo, walang patutunguhan 'tong usapan na 'to. Matutulog na lang ako." sagot ko naman sa kanya. Gusto ko na lang matigil ang sagutan naming dalawa. "Tapos ngayon iiwas ka sa mga tanong ko?" tanong niya naman sa akin, "May tinatago ka nga siguro." dagdag pa niya. "Wala akong tinatago sa'yo, ayoko lang makipag-away sa'yo. Ayokong makipagtalo sa isang bagay na walang kwenta. Ayokong makapagsalita ng hindi maganda sa'yo." sagot ko naman sa kanya. Pinipigilan kong tumulo ang mga luha sa mata ko. Ayokong umiyak sa harap niya, hindi ako iiyak, hindi ako masasaktan. I won't be vulnerable, kahit ngayon 'man lang sana. "Sabihin mo, anong gusto mo sabihin sa akin! Maging honest na tayo rito." sagot naman niya sa akin. "Humingi ako ng space sa'yo dahil hindi ko maintindihan kung bakit ako naiinis na makita kong naghahalikan kayo ni Courtney. Alam ko naman na mahal mo siya, alam kong siya ang gusto mo pakasalan, ang gusto mo makasama, pero nakakainis na naiinis akong makita kayong ganun. Ganun ka kawalang respeto sa akin, tapos ngayon na kumain ako with Ivan big deal? Kumain lang kami, hindi ako nakipaghalikan!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko n akasi mapigilan ang sarili kong sagutin siya. Ang dami niyang sinasabi pero hindi niya marealize ang problema niya. Hindi siya nagsalita, tinitigan niya lang ako. Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hinila paharap ulit sa kanya at hinalikan ako sa labi. Nanlambot ang mga tuhod ko at kusa akong humalik pabalik sa kanya. Bumitaw siya sa paghalik niya sa labi ko atsaka bumulong, "Si Courtney ang humalik sa akin, hindi ko siya hinalikan. Hindi kagaya ng gagawin ko ngayon sa'yo. Ganito kapag ako ang humalik." Hinalikan niya ulit ako sa mga labi ko at nagpadala lang ako sa galaw niya. Hindi ko na rin namalayan na buhat-buhat na niya ako paakyat sa kwarto niya. Inihiga niya ako sa kanyang kama habang patuloy na hinahalikan. Sinimulan niya ako halikan sa leeg ko habng unti-unti niyang tinatanggal ang blouse na suot ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman bigla kong hinawakan ang kamay niya. "Bakit? Ayaw mo ba?" tanong niya sa akin. "First time ko." sagot ko sa kanya. Napangiti siya sa akin atsaka bumulong, "I'll be gentle, babe." Itinuloy niya ang ginagawa niya sa akin at hinayaan ko na siya. Hindi ko maexplain 'yung nararamdaman ko, basta isa lang ang alam ko, gusto ko kung ano ang ginagawa niya. Tinanggal na rin niya ang bra ko pagkatanggal niya ng blouse ko. Hinawakan niya ang kabilang dibdib ko at s*nips*p naman niya ang kabila. "Uh!" pag-ungol ko dahil sa kakaibang pakiramdam na naramdaman ko. Naramdaman ko naman ang pagngisi niya habang patuloy niyang ginagawa iyon. Maya-maya ay naghubad na siya ng t-shirt niya at ng kanyang pantalon. Unti-unti niya na rin akong hinubaran ng pambaba at ganun din ang ginawa niya sa kanya. Hinawakan niya ang akin at napaungol ako sa ginawa niyang iyon, nilaro niya iyon ng konti at ng medyo mabasa na ito ay saka niya ipinasok sa loob ko ang kanya. "UGH!" ungol ko dahil medyo masakit ng ipasok niya. "Ugh!" pag-ungol niya rin ng ipasok niya naman ang kanya sa akin. Noong una ay masakit pero habang tumatagal ay iba na ang nagiging pakiramdam ko. Itinuloy niya lang ang ginagawa niya sa akin hanggang sa abutan na kaming dalawa. Napahiga siya sa tabi ko at humihingal. Hinihingal din ako dahil sa nangyari. I gave my virginity to him, he was my first, but maybe not the last dahil iiwan din niya ako. Nagulat ako ng bigla niya akong kumutan at yakapin. "Did you enjoy your first time?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako at tumango. "This won't be the last time." sambit naman niya bigla. Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos atsaka nilaro ang buhok ko. Hindi ko na alam kung ano ang susunod na nangyari dahil nakatulog na ako. Paggising ko ay bumungad sa akin ang natutulog na mukha ni Wren. Hindi nga panaginip ang kung ano ang nangyari sa aming dalawa, it was all true. Tinitigan ko ang kanyang mga mukha at napangiti. Nagulat naman ako ng bigla siyang dumilat, napangiti naman siya sa naging reaksyon ko. Nagulat naman ako ng halikan niya ako sa labi. "Good morning, babe." nakangiting sambit niya naman sa akin. "Babe?" tanong ko naman sa kanya. "Oo, from now on I'll call you babe, and you'll call me babe too." sagot naman niya sa akin. "Babe." nakangiting tawag ko naman sa kanya. Mahal na ba niya ako kaya gusto niya mag-act na kami na parang totoong mag-asawa? Gusto ko itanong pero baka malungkot ako sa isasagot niya sa akin, siguro sa susunod na lang. "Ayoko pumasok ngayon, gusto lang kita makasama." sambit niya naman. "Hindi pwede." sagot ko sa kanya. "Bakit? Dahil may problema sa company niyo?" tanong niya naman sa akin. "Bakit mo alam?" tanong ko naman. Hindi ko naman kasi nakwento sa kanya na may problema sa company. "Ako pa ba? Syempre inaalam ko lahat sa'yo." sagot naman niya sa akin. Napangiti nalang ako sa kanya. "Um, sana hindi mo na masyadong kitain si Ivan." sambit naman niya sa akin. "Okay." sagot ko naman sa kanya. Mabilis naman ako kausap, kung ayaw niyang makasama ko madalas, wala namang problema. **** Nakatanggap naman ako ng text kay Courtney habang nag-aayos na ako para umuwi. Pinapapunta niya ako sa coffee shop malapit sa company namin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang siputin pero mas nangibabaw saakin ang makipagkita sa kanya kaya tumuloy na ako. Pagdating ko ay nandun na siya kaagad. Umupo naman ako sa harap niya nang hindi umoorder. "I'll keep this straightforward. Layuan mo ang boyfriend ko. Alamin mo kung ano talaga ang lugar mo." sabi niya naman sa akin. "Ikaw ang lumayo sa asawa ko." sagot ko naman sa kanya, "At mas alamin mo ang lugar mo. Kung tutuusin ako ang asawa, kaya bakit ako matatakot sa kabit?" tanong ko naman sa kanya. Kung akala niya ay patuloy akong matatakot sakanila, aba at nagkakamali sila. Ngayong, I have someone that I can lean on, bakit pa ako matatakot sa kanya? "Sumasagot ka na saakin? How dare you!" nanggigigil na sambit niya. "If you called me for that, ikaw dapat ang umiwas at lumayo sa asawa ko. Uulitin ko sa'yo, asawa ko." sagot ko naman sa kanya. "Oo, asawa ka nga pero sa papel lang." sagot naman niya sa akin. "Ako pa rin ang kikilalanin ng batas at hindi ikaw kahit pa sabihin mo sa lahat na ikaw ang mahal." sambit ko. "Kahit ikaw ang kilalanin ng batas, balang araw iiwan ka naman niya." Napatahimik ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Buti na lang at nagawa ko pa ring makaisip kahit na medyo nagulat ako sa sinabi niya. "Kung sigurado kang mahal ka pa rin niya bakit kailangan mo ako palagi paalalahanan na layuan si Wren?" tanong ko sa kanya. Hindi na siya nakasagot, kaya nagwalk-out na lang siya. Pero kahit ganun ang naging sagot ko sa kanya, ay nagdadalawang isip pa rin ako. Dahil baka isang araw magising na lang akong iiwan na pala ako ni Wren, kahit na naging okay kami, kahit na may nangyari na sa amin, hindi pa rin iyon guarantee na habang buhay niya pa rin akong gusto makasama. Baka kagaya ng sinasabi niya before, gusto niya maging totoong mag-asawa kami. Ginagampanan niya nga lang talaga siguro dahil kahit naman after na may mangyari sa amin ay hindi niya pa rin nasabi sa akin na mahal niya ako, na wala na si Courtney para sa kanya. Kaya hindi pa rin syempre mawawala sa isip ko na baka nga tama pa rin siya na balang araw ay iiwan ako. Baka lahat ng ito ay acting lang. Hindi ko na rin alam kung dapat ko pa ba paniwalaan ang kahit anong meron sa amin. Kaya lang kahit anong pilit kong isipin na baka lahat ng ito ay hindi totoo, sinasabi ng puso ko na maniwala ako sa kung anong meron sa amin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD