Chapter 13 - The Childhood Friend

1366 Words
[Kai's POV] "Kailan ka pa nakabalik?" tanong ko sa kanya dahil ngayon na lang kami ulit nagkita. Nasa isang restaurant kami malapit sa company dahil nag-aya nga siya ng lunch. Ivan is a great friend of mine since we were young, medyo nagkalayo lang dahil nagpunta siya sa US to study business management. Pero kahit nasa malayo siya he never forgot to message me, not even once. Kaya constant din ang communication namin kahit paano. "Two weeks ago, medyo busy lang sa business kaya hindi agad kita napuntahan. Atsaka gusto nga kita isurprise. Hindi ko alam na sa ganitong pagkakataon pa pala kita masusurprise. But I'm glad I surprised you at the right time kasi nakatulong ako sa'yo." sagot naman niya sa akin sabay inom sa kanyang juice. "Paano mo nga pala nakuha ang footage na iyon?" tanong ko naman sa kanya. "Last week pumunta ako rito sa company niyo, that time umuwi ka ng maaga kaya hindi kita naabutan. Tapos hindi ko rin alam kung ano pumasok sa isip ko noong araw na iyon dahil tinignan ko ang mga videos sa dashcam ko. Hinayaan na siguro mangyari na maging curious ako sa dashcam ko kasi ito at nakuha ko ang evidence na makakatulong sa'yo malaman kung sino ang tradydor." sagot niya naman sa akin. "Malungkot ako kasi hindi ko inexpect na siya ang manloloko sa akin, pero masaya ako dahil dumating ka sa tamang oras tapos nakatulong pa 'yang curiosity mo sa videos mo sa dashcam kaya ito at mas naging madaling hanapin ang traydor. Ang next step ko na lang ay ang magpadala ng notice letter sa mga competitors ko." pagkekwento ko naman sa kanya. "Notice letter?" tanong ko naman sa kanya. "Well, hindi kasi alam ng mga competitors ko that I've already applied for a patent sa new product na ilalaunch namin, kaya hindi nila pwedeng basta gawin at ibenta 'yun. Only our company is authorized to manufacture and produce it for the next 20 years." sagot ko naman sa kanya. "Wow. You're really a Victorino, sobrang talino at advance mag-isip when it comes to business." pagpuri naman niya sa akin. "You should be always ready, hindi mo kasi alam kung kailan ka aatakihin ng mga kalaban mo." sagot ko naman sa kanya sabay ngiti. Buti na lang at may patent na akong nafile for that product even before we launch it pero hindi alam ni Cristy iyon dahil ang regulatory arm ng company ang may hawak nun. Buti na lang talaga at hindi niya alam, kung hindi baka nakagawa pa ng paraan iyon. Hindi ko alam kung ano pa ang pwede niyang gawin sa akin at sa company. Pero ang lakas talaga ng kutob ko na may kinalaman si Courtney or tita Grace rito. "By the way, nagulat pala ako when I saw the news that you and Wren are getting married. Ang akala ko kasi si Courtney ang girlfriend niya." sambit niya naman bigla kaya nabalik na rin ang tingin at atensyon ko sa kanya, "Hindi na kita chinat kasi uuwi rin naman ako and gusto ko sa personal marinig ang sagot mo. I got sad when I heard about it." saad niya pa. "Bakit ka naman masasad? Ayaw mo ba nun, kinasal ako sa long time crush ko?" tanong ko sa kanya Oo nga pala, siya lang ang may alam na matagal ko ng crush at gusto si Wren. Hindi sila close pero magkakilala sila. "Mahal ka ba niya?" tanong niya naman sa akin na biglang nagpatagil sa akin sa pagsubo ng pagkain ko. "Base sa reaksyon mo, parang hindi? Mukhang tama nga ang sabi sa akin ng source ko. Ikinasal lang kayo because the Cruz's wants you to be his wife at purely for business purposes lang." dagdag pa niya. "Masaya naman kami." pagkontra ko naman sa kanya. "Masaya ka talaga sa setup niyo?" tanong niya naman sa akin na mas nagpagulo pa sa utak ko. Masaya nga ba talaga ako sa setup na meron kaming dalawa or baka pinipilit ko maging masaya dahil kailangan ko maging masaya na ito ang buhay na meron ako? Oo, alam ko naman na hindi niya ako mahal. Alam ko naman na si Courtney pa rin naman at balang araw ay iiwan niya ako gaya ng sinabi niya noong umpisa. Pero masama bang umasa na baka sa ngayon ay nakikita niya ang halaga ko bilang isang babae? Baka ngayon masaya na talaga siyang ako ang asawa niya? Minsan naman pakiramdam ko ay may halaga ako sa kanya pero kapag nandiyan si Courtney, nilalamon ako ng mga insecurities ko at biglang pumapasok sa isip ko na nahihibang na lang talaga ako. "You don't have to hide anything sa akin, alam kong hindi ka masaya. Alam kong pinipilit mo maging masaya." sambit niya naman. "Masaya ako, Ivan." sagot ko naman sa kanya, "Nalulungkot lang ako kapag naiisip ko na baka ako lang ang masaya. Nakokonsensya ako na baka ako lang ang umaasang balang araw ay makita niya ang halaga ko." dagdag pa niya. "Wag ka magsettle sa isang lalaking hindi ka kayang mahalin ng tama. You deserve better, you deserve more than what he gives you. Hindi ka naman talaga niya mahal, balang araw iiwan ka rin niya, lalo na kung nakuha na niya ang kailangan niya sa'yo at sa napag-usapan ng mga pamilya niyo." saad niya pa sa akin. Tama naman si Ivan, hindi naman siya nagsasabi ng kasinungalingan. Lahat ng sinabi niya ay alam kong totoo, hindi niya ako talaga mahal. Kita naman eh, diba nga hinalikan pa niya si Courtney noong nagbirthday si Tita Grace. I know he tried to talk to me about it, pero kahit ano namang sabihin niya nakita naman talaga ng dalawang mata ko ang ginawa nila. Kung siguro hindi niya ako nakita hindi siya bibitaw sa halik. May karapatan ako magalit dahil ako ang legal na asawa pero hindi ko magawang iexercise ang rights ko bilang asawa dahil alam kong sa papel lang iyon at hindi sa puso, at umpisa palang ay nasabihan na ako, tapos ngayon gagawa ako ng eksena? Kung pwede lang sabihin ko sa kanya kung gaano ako nasaktan. Kaya lang hindi pwede. **** Hinatid ako ni Ivan sa bahay pagkatapos namin magdinner. After kasi ng work ko ay inaya niya rin ako kumain ng dinner since baka maging busy na rin daw siya sa mga susunod na raw, kaya pumayag na rin naman ako. Napansin niya rin ata na tumahimik ako kaninang lunch noong napag-usapan namin si Wren at ang tungkol sa akin kaya noong dinner ay hindi niya na iyon inopen as a topic at mas nagfocus na lang kami sa kung ano ang mga funny memories namin when we were young. Nakita ko na kaagad sa garahe ang kotse ni Wren pagkababa ko sa sasakyan ni Ivan. Medyo maaga pala siya nakauwi, akala ko ay gagabihin siya ngayon dahil busy siya sa trabaho niya at sa pagdeal ng mga contracts with investors and iba pang mga related sa business nila. Pagpasok ko ay nakaupo siya sa sala at nanonood ng tv. This is very unusual kasi kahit may tv kami ay hindi naman kami nanonood doon, and parang first time ata ito ngayon na bumukas. Didiretso na sana ako sa kusina para uminom ng tubig ng bigla siyang magsalita. "Kaya ka ba humingi ng space sa akin?" tanong niya bigla na nagpatigil sa akin sa paglalakad at napatingin sa kanya. "Huh?" tanong ko dahil medyo hindi ko kasi gets ang naging tanong niya sa akin. "Bumalik na kasi si Ivan kaya ka humihingi ng space?" tanong niya sa akin ng mas detalyado. "Bakit nasali si Ivan sa kung anong hiningi ko sayo?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Sakto talagang paghingi mo ng space ang pagdating niya? Ano 'yan, nagdedate kayo behind my back?" tanong niya naman sa akin pabalik. "Dating behind your back? Kung ano-anong naiisip mo." sambit ko naman sa kanya na nakakunot ang noo. "Eating lunch and dinner together? Tapos ano, hinatid ka pa? Gusto mo ba talaga ipagkalandakan sa lahat na we're in a business marriage?" tanong niya naman sa akin. "Alam mo, walang patutunguhan 'tong usapan na 'to. Matutulog na lang ako." sagot ko naman sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD