Chapter 12 - That Night

1509 Words
[Wren's POV] "Mahal na mahal kita, Wren. I know nagiging okay na ang company niyo, can't you leave her na?" tanong sa akin ni Courtney. Napatahimik ako, hindi ko alam ang sasabihin ko kay Courtney. I know, gusto ko pa rin bumalik sa kanya, pero something's bothering me na sabihing iiwan ko si Kaileen in the near future. "Don't tell me nagbago ang isip mo?" tanong niya sa akin. This time, medyo irritated na ang boses niya. "Let's talk about this some other time. I think this is not the right place and time na pag-usapan ito." safe na sagot ko na lang sa kanya. Akala ko okay na pero hindi pa pala siya titigil, and I think mas nagalit siya sa naging sagot ko. "When is the right place and time? Anywhere and anytime is the right one. Kung talagang balak mo ako balikan, bakit hindi mo masabing iiwan mo siya? I know that you're business is already doing great, hindi 'man katulad dati pero it's doing great." sambit ni Courtney. "Yes, it is. Marami-rami na rin ang investors namin, anytime soon, maybe we can recover. Hindi ko naman idedeny na ang business namin ay nagiging okay na." sagot ko naman sa kanya. "So, what's keeping you from leaving Kaileen?" tanong niya sa akin. "There's no keeping me from leaving her, sadyang hindi palang tama na ngayon iyon gawin." sabi ko naman sa kanya. "Siguro, tinototoo mo na kung anong nararamdaman mo sa kanya. I told you, gampanan mo maging asawa pero hindi ko sinabi sayo na totohanin mo. Magpanggap ka lang dapat pero bakit naging totoo na?" tanong niya sa akin. Halata sa boses niya na naiiyak at naiinis na siya. "Wala akong sinasabi na naging totoo na ang nararamdaman ko sa kanya, I'm just telling you that we should wait for the right time." sagot ko naman sa kanya. "Kailan nga ang right time? I need the exact date when!" madiin na sambit niya naman. Napatahimik ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko maisip na iiwan ko si Kaileen. Oo, noong una desidido ako na pakasalan siya kasi kailangan, ginawa kong maging sweet sa kanya kasi sinabi ni Courtney at gusto ko na balikan niya ako, dahil 'yun ang kondisyon niya, na gampanan ko maging asawa sa kanyang stepsister. Pero inside our 5 months of marriage, na akala ko ay walang kwenta at walang patutunguhan, doon ko siya nastart makilala, naging open siya at ako rin pabalik sa kanya. It felt safe when I'm with her, pakiramdam ko, I'm always home. She always puts me first in everything, even if it means na igive-up niya ang kung anong meron siya. She has a golden heart. Marunong siya ng salitang sakripisyo at pag-aalaga. Kung tutuusin, si Kaileen 'yung papangarapin ng mga lalaki na maging asawa. Noong una, hindi naman talaga ako nagccare sa kanya, pero ngayon lahat ng pinapakita kong pakealam sa kanya ay totoo na. She's a good friend and partner, kaya paano ko masasabing iiwan ko ang isang taong nagsasakripisyo pa ra sa akin? Hindi ko 'man siya mahal romantically, pero hindi ko siya kayang saktan at iwan. Nagulat na lang ako when she suddenly pulled me into a kiss. Sobrang gulat ko ay hindi ako agad nakareact. I was about to push her when suddenly Kaileen's eyes and mine met. She saw me and Courtney kissing. And for sure, namisinterpret niya iyon. I immediately step back and broke our kiss, atsaka tumakbo papasok ng bahay nila. I was about to explain pero she cut me off and act like nothing happened. I tried explaining even after we ride the car or pagkauwi sa bahay but she never gave me a chance to explain myself. She's not ready to talk about what happened that night. Akala ko bukas magiging okay na, but it went on for days hanggang sa ngayon, hindi pa rin niya ako kinakausap. I don't know kung pang-ilang araw na naming hindi nag-uusap masyado pero I think it's been 3 days. Ang usap lang namin ay very casual, and nakakapanibago. Pakiramdam ko rin ay may problema sa company nila lately, hindi na rin siya ganun na maaga makauwi kaya pagdating ko minsan sa bahay ay wala pang luto na pagkain. Pero nagluluto pa rin naman siya ng breakfast, sa dinner lang hindi na kaya. Ngayon, triny ko siya kausapin pero humingi siya ng space dahil magulo raw ang utak niya. Pumayag ako kasi baka iyon din talaga ang kailangan namin. *** [Kaileen's POV] "Nakalabas ang isang confidential information natin sa company, and nasa department niyo ang mga unang suspect." sambit ko sa harapan ng mga empleyado namin from the R&D Department, "Kayo ang may alam ng buong formulation ng bagong product natin, so isa sainyo ang nabayaran at nagsabi sa mga competitors ng formulation." Walang sumasagot ni isa sa kanila, tahimik ang lahat. "Sa ngayon ay may hawak na akong pangalan ng taong trumaydor sa akin at sa kompanya. Bago ko sabihin ay gusto kong umamin ka na ngayon din sa akin." sambit ko. Pero ang totoo ay hinuhuli ko lang ang kung sinong gumawa nun sa amin, wala talaga akong hawak na pangalan. It's just that I need to catch the culprit. Tumingin ako sa kanilang lahat pero wala ni isa ang nag-abalang magsabi ng totoo. "Bibigyan kita ng pagkakataon, sino sainyo ang nagtraydor sa akin." pag-uulit ko. Kinakabahan na ako this time, pero pinakita kong wala lang sa akin kahit ang totoo ay umaasa akong may aamin sa kanila. Nagulat na lang ako ng biglang may pumasok sa loob ng room. "Ivan?" pagbanggit ko naman sa pangalaan niya. "Hello, Kai. Miss me?" tanong niya sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko naman sa kanya. At talagang pumasok pa siya rito sa meeting room. "Dala ko ang ebidensya kung sino ang nagleak ng new products ng company niyo. At nandito siya sa kwarto na ito." sabi niya naman sabay abot ng usb sa akin. Kaagad ko naman iyon kinuha at ininsert sa laptop na nakaconnect sa TV. Pinindot ko ang nag-iisang video na nasa USB and viola, lumabas nga agad sa video ang empleyado kong nagtraydor sa akin, it was Cristy. I never thought that she would do this. She was one of the employees that I trust kaya alam na alam niya ang lahat lalo na sa mga formulation, pero ito ang igaganti niya sa pagtitiwala ko sa kanya? "Ma'am Kaileen." nanginginig ang boses niya habang patuloy na nagpplay sa background namin ang video kung saan rinig na rinig ko ang boses niya at ng kausap niya. Yung kausap niya ay nakamask at nakahoodie pa, kaya hindi kita sa video ang mukha niya. Pinalabas ko muna ang ibang mga empleyado at pinaiwan ko siya. "Paano mo nagawang i-betray kami? I trusted you, Cristy. Hindi ko alam na kaya mong gawin ito." sambit ko. Medyo naiiyak ako dahil nasasaktan ako sa ginawa niya sa akin. Hindi ko talaga ineexpect na kaya niya itong gawin sa akin kapalit ng pera. "Kailangang kailangan ko ng pera, kaya nasilaw ako. My daughter is in the ICU and I need to pay for her hospital bills." sagot naman niya sa akin, "Patawarin niyo ako." dagdag na sabi niya. Lumuhod siya sa harap ko at umiiyak. "You should've tried talking to me. Kung kailangan mo ng pera sana lumapit ka sa akin, you know that you can always talk to me. I may be your boss pero hindi naman tayo iba sa isa't isa. We've been together for so long, Cristy. You were there with me always, kaya alam mo sa sarili mong kaya mo ako lapitan. Pero bakit mas pinili mo ito?" tanong ko sa kanya. "Sorry," 'yan lang ang lumabas sa bibig niya. "For the sake of your loyalty for the past years sa company, I won't sue you. But I want you to resign and leave my company. Hindi ko alam if kaya pa kita pagkatiwalaan pagkatapos ng ginawa mo na ito sa akin." sabi ko naman sa kanya. "Ma'am Kai, sana mapatawad niyo ako sa mga susunod na panahon. Pasensya ka na talaga. Susundin ko ang gusto mo, magreresign ako." sabi niya naman. Palabas na sana siya ng patigilin ko siya. "Sino ang nag-utos sa'yo?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko kilala, ma'am. Nakasuot siya ng black mask at shades noong nagkita kami, nakita niyo naman sa video. Sinabi niya lang sa akin ang gagawin at binigay sa akin ang pera ng personal. Other than that wala na po akong alam." sagot niya naman sa akin. Tumango na lang ako at hinayaan na siyang lumabas sa meeting room. Napatingin naman ako kay Ivan na nandito pa rin, ngayon ay nakaupo na siya sa isang mga bakanteng upuan. If not for him, hindi ko malalaman kung sino ang nagtraydor sa akin. But finding out the truth hurts me so much, dahil sa hindi ko pa inexpect na tao. "Let's have some lunch, alam ko marami kang gusto malaman." pagyaya naman niya sa akin atsaka naunang lumabas sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD