Chapter 11 - It's always her

1371 Words
[Kaileen's POV] Pagdating ko sa office ko ay pumasok kaagad si Lily para sabihin sa akin ang lagay at problema ng company. "Ma'am, na-leak sa public ang new product na ginagawa natin. And our competitors are selling it ng mas mura kaya ang iba nating client ay lumipat sa kanila. It will be a big loss for our company if this continued, ma'am." pagrereport naman sa akin ni Lily. "Calm down. For now, inform the legal department para mag-issue ng statement that we will take legal actions to those who leaked and copied our product." sagot ko naman sa kanya. "Yes ma'am." sagot naman niya. What should I do? We have already invested our money for this products. And kung magpapatuloy ang paggawa ng competitors namin tungkol sa product na ito ay magkakaroon kami ng malaking problema, the company will suffer major loss and hindi matutuwa ang mga shareholders if mangyari iyon. "Ma'am Courtney, please 'wag kayo pumasok." dinig kong pagpigil ni Lily sa kanya pero nagpupumiglas siyang pumasok sa loob ng opisina ko. "Mukhang problemado ka na naman dahil sa mga nangyayari sa kompanya." natatawang sabi niya naman sa akin. Hinihila siya palabas ni Lily pero ayaw niya magpatinag kaya nagsenyas na ako sa kanya na hayaan na lang si Courtney at pwede na kaming iwan. "Alam mo kasi Kai, 'yan ang napapala ng mga mang-aagaw na kagaya mo." sambit niya. "Wala akong inaagaw sa'yo, Courtney. Alam mo 'yan." sagot ko naman sa kanya "Meron, ever since we've been sisters ay mang-aagaw ka na. Gusto mo ikaw palagi ang bida at the best, kaya tignan mo, ngayon ikaw pa rin ang napili ikasal sa boyfriend ko." galit na sabi niya, "Kaya tama lang sa'yo kung ano ang nangyayari sa buhay mo ngayon, deserve mong hindi sumaya at maging malungkot palagi." dagdag na sambit niya. "Courtney, calm down. Let's talk about our personal issues next time. Sa ngayon, I need to focus sa problema ng company." sagot ko naman sa kanya. Ngumisi lang siya bago tuluyang umalis sa opisina ko. I'm sure na mayroong someone na nagleak ng mga products namin sa mga competitors. At for sure, gusto ako sirain ng taong iyon. Wala naman akong ibang maisip kung hindi si tita Grace lang, pero wala naman akong patunay na siya nga ang nagleak ng new product ng company. Masama rin naman kung magbintang ako. Nabablanko ang utak ko, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Siguro kailangan ko muna i-meet ang R&D Department ng company. We need to investigate who among them have disclose such important and confidential information, at kailangan niya managot sa ginawa niya. Tumawag naman ako sa desk ni Lily para i-relay sa kanya ang gusto ko gawin. "Lily, can you tell the R&D Department that I will meet them tomorrow." sabi ko naman sa kanya over the phone. "Noted on this, ma'am." sagot naman niya sa akin. I need to clear my mind today and hopefully bukas ay maging okay na ako at may maisip na akong gawin tungkol sa issue na ito. *** Umupo ako sa sofa sa sala ng bahay pagdating ko. Lumapit naman sa akin si Buttercup at Macy, mukhang alam nila na hindi ako okay. Napabuntong-hininga ako. Good thing ay wala pa si Wren when I arrived kaya walang makakapansin na hindi ako okay maliban sa mga aso namin. Inayos ko naman ang sarili ko when I heard his car parked on our garage. Ayokong malaman niya na may problema ako sa company, ayokong dumagdag pa ako sa mga iisipin niya. "Kanina ka pa?" tanong niya sa akin. Since 3 days ago ay medyo awkward kami ni Wren dahil nga sa nangyari noong birthday ni tita Grace. Hindi na rin naman namin 'yun inopen pa as a topic kasi ayaw ko rin naman pag-usapan. Ayaw ko rin marinig kung ano ba ang totoong nararamdaman niya sa kung anong meron kami ngayon. "Hindi naman, halos kararating lang." sagot ko naman sa kanya. Tumayo naman ako sa sofa and naglakad papuntang kusina. "Anong pagkain gusto mo?" tanong ko naman sa kanya. Ipgaluluto ko kasi sana siya ng dinner dahil alam kong gutom siya. Lately hindi ko na masyado magampanan ang dapat na gampanan ko bilang asawa niya dahil busy din talaga sa company tapos ngayon nagkaproblema pa kami kaya mas nalate ako ng uwi at hindi na siya napagluto ng dapat na dinner niya. "I'm good, hindi naman ako gutom. You can rest na." sagot niya naman sa akin. "Okay." sagot ko naman pabalik sa kanya. Buti naman at umayaw siya na kumain dahil parang wala rin akong lakas na ipaghanda siya. Pero kung gusto niya naman, kakayanin ko naman. Kinuha ko na ang bag ko sa sofa at aakyat na sana ako ng bigla siyang magsalita. "Kaileen, are we okay?" tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya, "Oo naman, bakit naman hindi?" tanong ko pabalik sabay ngiti sa kanya. "Pakiramdam ko kasi ay ang layo natin ngayon sa isa't isa." sagot naman niya sa akin. "Pagod lang ako ngayon." pagsisinungaling ko. Ang totoo ay hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan simula nang gabing iyon. Para kasi akong nahihiya dahil naiisip kong baka hindi naman talaga siya masaya sa kung anong meron kami, although given naman 'yun eh kasi hindi naman talaga ako ang mahal niya talaga. Lumapit naman siya sa akin atsaka ako hinawakan sa kamay ko. "Habang mag-asawa tayo, gagampanan ko ang kung anong dapat na role ng isang asawa. Hindi kita pababayaan, hindi kita iiwan." sambit niya naman sa akin, "I just hope you'll keep that in mind, 'wag mo isipin na lolokohin kita." Oo, hindi niya ako pababayaan, alam ko 'yun pero hindi ako naniniwalang hindi niya ako iiwan at hindi lolokohin. Paano niya magagawa 'yun kung may ibang laman ang puso niya? Kaya niya ba magstay sa akin hanggang dulo? Kaya niya ba maging loyal sa akin kahit nandiyan si Courtney? Ngumiti lang ako sa kanya, ang dami kong gusto sabihin pero wala naman akong karapatan na sabihin iyon. First of all, we got married for business, and second, I don't have the right to say anything dahil alam ko umpisa palang ang status ng puso niya. It's her, and will always be her. Naiinis tuloy ako sa sarili ko, dahil hindi ko alam kung bakit ako ganito magreact. Kung bakit parang pakiramdam ko ay umaasa akong baka isang araw ay hindi na lang for business ang lahat ng sa amin. Malaking kalokohan eh. "Kai." he called my name, "I hope we're okay?" "We're okay, Wren. I just want us to have some space. Hindi ako galit sa'yo, ang dami lang din nangyayari sa akin ngayon. I don't think I can handle some more stress. We'll be okay, I promise." sagot ko naman sa kanya. This time, totoo naman ang sagot ko. Siguro ay dumagdag nga ang stress sa company sa naging stress na meron sa relasyon namin. Kaya ito talaga ang kailangan ko, magkaroon muna kami ng space para magkaroon kami ng time na mag-isip sa mga problema namin sa buhay at business. We'll be okay, we need to be okay. "I'll give you time, pero tandaan mo, I'm always ready to talk with you, nandito lang ako." he said and smiled. I smiled back and nodded my head. Babalik din ako, once I already cleared my mind, sa ngayon kasi magulo pa ang utak ko. Hindi ko magawang isipin kung ano ba ang gusto ko mangyari at paulit-ulit lang din naman ako. Umaasa ako na sana maging okay na rin ako, masolve ko ang mga problema na dapat kong masolve. In that way, maybe I'll be okay and mas makapag-isip ng maayos about our relationship. Umakyat na ako sa kwarto ko after our small talk. Nahiga ako sa kama ko and just look at my ceiling. Bakit ba ganito ang buhay ko? Minsan na nga lang ako maging masaya, binabawi pa kaagad. Hindi ko magets bakit ganto ang meron akong buhay eh. Para bang hindi pwede maging smooth, parang dapat laging may challenge, laging hirap. Pumikit ako. Kailangan ko ng lakas at katalinuhan ngayong gabi para sa haharapin kong bagong umaga at problema bukas. I need to focus on how to solve our problem.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD