[Wren's POV]
Napatingin ako kay Kaileen ng umalis siya sa kinauupuan niya at pumunta sa CR.
"Wren?" nabalik naman ang mga tingin ko kay tito ng tawagin niya ang pangalan ko.
Ramdam na ramdam ko ang tingin nilang lahat sa akin, inaabangan ang sagot ko. Napatingin ako ng bahagya kay Courtney na nag-aantay din sa sasabihin ko.
Hindi ko alam kung paano niya itetake ang sasabihin ko pero ito ang gusto ko sabihin, "Hindi ko po pababayaan ang anak niyo."
Saktong pagsagot ko ay ang pagbalik ni Kai, wala siyang sinabi, basta umupo lang siya sa tabi ko at itinuloy ang pag kain niya.
Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa garden ng bahay nila at umupo sa bench doon. Nakatingin kami sa mga kalangitan at walang nagsasalita ni isa sa amin.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi na medyo malungkot ang mga mata niya. Narinig ko rin na nagbitaw siya ng mahinang buntong-hininga.
"Okay lang ako." sagot naman niya sa akin atsaka ngumiti, "Ang ganda ng langit ngayon, punong-puno ng stars." dagdag pa niya sabay tingin sa akin.
Hindi ko alam pero nang tumingin siya sa akin jhabang nakangiti ay parang may kung ano akong naramdaman sa puso ko at parang nagslowmo ang lahat sa paligid ko.
"Salamat kasi sumama ka sa akin ngayon ah. Pasensya na rin kung naging awkward 'yun para sa'yo. 'Wag ka mag-alala, tutupad naman ako sa unang usapan natin gaya ng gusto mo. Kahit anong sabihin ni daddy, once maging okay ang company niyo we'll part ways." sambit naman niya sabay ngiti.
Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Courtney.
"Nandito lang pala kayo eh." sabi naman niya sa amin.
Naglakad siya palapit sa amin at umupo sa gilid ko.
"Kanina ko pa kayo hinahanap, tinataguan niyo ba ako?" tanong niya sa amin.
"Hindi ka namin tinataguan." sagot ko naman sa kanya, "Nauna lang kaming nagpunta rito." dagdag ko pa.
"Nag-eenjoy ka ba, Kaileen?" tanong niya bigla kay Kai.
"Huh?" tanong niya kay Courtney, parang hindi niya alam kung ano ang irereact niya.
"Nag-eenjoy ka ba kako sa pagpapanggap niyo ni Wren? Masaya ka bang maging asawa ang ex ko?" tanong bigla ni Courtney sa akin.
Hindi nakasagot si Kaileen, natahimik lang siya at halatang kinakabahan ang mukha niya.
"Courtney, don't start a fight." bulong ko naman sa kanya.
"Papasok muna ako sa loob, I'll let you two, talk." sabi naman ni Kaileen.
Pipigilan ko sana siya umalis pero hinila ni Courtney ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Pagbalik ko ng tingin kay Kaileen ay papasok na siya sa loob ng bahay nila.
"Are you kidding me, Wren? Ano'yun? Are you now taking her side? Nagpaawa lang sa'yo, naaawa ka naman. 'Wag mo kalimutan na dahil sa babaeng 'yan ay naging miserable ang buhay ko." pagpapaalala naman niya sa akin, "Nakalimutan mo na ba na ever since dumating ako sa pamilyang ito ay binubully ako ng babaeng 'yan? Tapos ano? You'll take her side?"
"I'm not taking anyone's side, Courtney. It's just that, wala namang nagsisimula ng away with you, pero bakit ka nakikipag-away? Hindi mo na rin kailangan idiin sa kanya na kaya kami kinasal is because of business matters, alam niya 'yun. Alam na alam niyang ikaw ang mahal ko." sagot ko naman sa kanya.
"I hate her, and I will always hate her." sabi naman niya sa akin, "And you should understand kung bakit. It's obvious, Wren, she wanted to marry you kaya hindi niya pinush na ako ang ikasal sa'yo. She's selfish." dagdag niya pa.
Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin siya sa mga mata ko.
"Mahal na mahal kita, Wren. I know nagiging okay na ang company niyo, can't you leave her na?" tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot agad, hindi ko alam kung bakit pero parang napigilan ako magsalita. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko sabihin sa kanya.
[Kaileen's POV]
Iniwan ko muna sila kasi alam ko naman na kailangan nila mag-usap na dalawa lang sila.
"Masaya ka ba sa buhay mo with Wren?" napatingin ako kay tita Grace nang bigla siyang magsalita.
Nasa sala kasi ako at nakaupo lang habang nakatingin sa kawalan.
"Mukhang hindi kasi alam mo naman kung sino ang totoong mahal ng asawa mo, at hindi ikaw 'yun." dagdag pa niya.
"Masaya po ako." pagkontra ko sa kanya.
Masaya naman talaga ako with Wren, pero inaamin ko naman na minsan nasasaktan ako lalo na kapag naiisip kong hindi ako mahal ni Wren at na sa dami ng tao sa mundo ay si Courtney pa ang nagustuhan niya.
"Kung masaya ka, si Wren ba masaya?" tanong niya sa akin.
Napatahimik ako, hindi ko alam ang isasagot ko. Masaya nga ba siya sa akin?
"Mukhang hindi mo alam kung masaya siya sa'yo. " natatawang sambit niya naman, "Tignan mo, mukhang mas masaya siya kay Courtney diba?" tanong niya sa akin atsaka niya binuksan ang kurtina kung saan tanaw ang garden at kita si Wren at Courtney na magkahawak ng kamay.
Pinipilit ko pigilan ang pagpatak ng luha ko. Ayaw kong makita silang magkasama pero parang nababaliw ako dahil hindi ko magawang hindi sila mapanood, dahil siguro gusto ko malaman ano ang next na gagawin nila.
Sumikip ang dibdib ko ng makita ko silang dalawa na magdikit ang mga labi. Parang napako ang tingin ko sakanila at hindi ko magawang tumayo sa pwesto na kinauupuan ko.
"Hindi masaya si Wren sa'yo, pero kailangan niya pilitin ang sarili niya dahil iyon lang ang makakasalba sa kanila." dagdag pa niya.
Bigla naman napatingin si Wren sa side ko. Siya kasi ang nakaharap dito sa glass wall ng sala namin. Mukhang napansin niya akong nakatingin sakanila kaya bigla siyang bumitaw sa pagkakahalik niya kay Courtney.
Pumasok siya sa loob ng bahay at lumapit sa akin, "Kaileen."
Ngumiti lang ako sa kanya, pinilit kong hindi ipakita na nasasaktan ako, "Tapos na kayo mag-usap?" tanong ko na parang walang nangyari.
"Kai." tawag niya ulit sa pangalan ko.
"Uwi na tayo?" tanong ko naman sa kanya.
Hindi siya nagsalita kaya ako na lang ang tumayo sa kinauupuan ko at nagpaalam na.
"Mauuna na po kaming umuwi." pagpapaalam niya, "Happy Birthday po ulit, tita."
Pagsakay namin sa kotse ay tahimik lang kami parehas, pero ramdam ko na gusto niya magsalita.
"Kaileen, about---"
Ayoko, ayoko marinig kaya pinutol ko ang sasabihin niya.
"Inaantok na ako, gisingin mo na lang ako kapag nasa bahay na tayo." sagot ko naman sa kanya sabay tingin sa labas ng sasakyan.
Hindi na naman siya nagsalita, marahil nakaramdam na ayaw ko pag-usapan ang kung ano ang nakita ko sa kanila kanina ni Courtney.
Pagdating namin sa bahay ay sinubukan niya ulit ako kausapin.
"Kai, let me---"
"Wren, wala kang dapat i-explain." sagot ko naman sa kanya, "Hindi ako galit at hindi ako magagalit. Remember before tayo ikasal, you already talked to me about you and Courtney, so I know very well that what you did is because you missed her. Don't make it a big deal, I understand." dagdag ko pa.
Sinusubukan kong maging matatag at pigilin ang luha na any time pwede na bumagsak, ngumiti pa ako sa kanya na parang wala lang pero hindi ko alam kung nahalata ba niya na hindi lang iyon wala lang sa akin.
"Aakyat na ako, magpahinga ka na rin." pagpapaalam ko naman sa kanya.
Tinapik ko pa ang balikat niya para ipaalam sa kanya na okay lang ang lahat sa amin, na wala siyang dapat ikabahala.
Marahil totoo ang sinasabi ni tita Grace hindi masaya si Wren sa kung anong meron kami ngayon.
Humiga ako sa kama ko at lahat ng luha na pinigilan kong lumabas kanina ay patuloy na bumubuhos ngayon. Paulit-ulit ang scenario kanina sa utak ko at paulit-ult na parang sinasaksak ang puso ko sa sakit ng nararamdaman ko.
Masaya ako sa kung anong meron tayo, Wren. Pero ikaw, kamusta ka? Are you happy with me?