Chapter 9 - Awkward Dinner

1360 Words
[Wren's POV] "Anong pumasok sa utak mo at kumuha ka ng aso? Hindi ba't allergic ka sa balahibo ng aso?" tanong ni George sa akin, isa sa mga kaibigan ko. Kaklase ko siya noong high school kaya kilala rin niya si Kai. "Nacocontrol naman ng mga antihistamine. Atsaka hindi naman severe allergy ang meron ako. At diba mahilig naman talaga ako sa aso." sagot ko naman sa kanya. Nalaman kasi niya na nag-adopt nga kami ni Kai ng dalawang senior dogs. Totoo naman na mahilig ako sa aso at na umayaw na ako mag-alaga noong namatay ang unang aso ko. Pero allergic din talaga ako sa mga aso kaya after mamatay ng una kong aso ay hindi na ako ulit binigyan pa ng parents ko ng bago dahil nalaman nga nila na allergic ako. "Weird mo. Bigla kang nagdedesisyon ng mga bagay na usually naman ayaw mo." natatawang puna niya sa akin, "Baka naman nagkakagusto ka na diyan kay Kaileen." mapang-asar na sabi niya. Tinignan ko siya atsaka kumunot ang noo, "Pinagsasabi mo diyan? Mabait 'yung tao, alangan maging masama ako pabalik sa kanya?" tanong ko naman sa kanya. "Pwede ka rin naman maging mabait sa kanya pero iba kasi kinikilos mo ngayon. Matagal na tayong magkaibigan, mahigit sampung taon na rin siguro, kaya hindi mo na matatago sa akin na nagiging interesado ka na sa kanya." sagot niya naman sa akin. "Tumigil ka, masyado kang maraming alam." sambit ko naman, "Tigilan mo manood ng mga korean drama para hindi mo inaapply sa totoong buhay. Alam mo naman kung sino ang totoong mahal ko, kung ano ano sinasabi mo." dagdag ko pa. "Alam ko, totoo naman. Pero hindi ba pwedeng nararamdaman kong nagbabago na?" natatawang sabi niya pa. Talagang matigas ang ulo ng isang ito, malakas talaga mang-asar. "Lakas ng tama mo." puna ko naman sa kanya. "Sa totoo lang pre, maganda naman si Kaileen. Kahit noong high school tayo, kapag tinitigan mo siya ng matagal mas lalo siyang gumaganda. Hindi lang talaga siya masyadong nag-aayos at nagmemake-up pero maganda 'yun. Maniwala ka sa akin, mas maganda 'yun kaysa kay Courtney." komento pa niya sa itsura ni Kai. "Alam mo, kahit sino pang mas maganda kay Courtney, wala na akong ibang hahanapin pa kung hindi siya." sagot ko naman sa kanya. Totoo naman, never ko naisip na lokohin siya. Simula noong niligawan ko siya hanggang sa ngayon, never sumagi sa isip kong iwan siya. Malaki ang naging parte niya sa buhay ko. Natatandaan ko pa nga kung kailan ko nagustuhan si Courtney eh, alam ko 3rd yr high school kami noon, that time hindi pa uso ang K-12 sa pinas. That time, uuwi na ako sa bahay at masama ang pakiramdam ko. Naglalakad lang ako pauwi noon dahil malapit lang naman ang school sa bahay namin. Hindi rin naman kami pinalaking mga spoiled ng parents namin kaya hindi kami hatid-sundo. So, ayun nga, masamang masama ang pakiramdam ko noon at bigla na lang ako nawalan ng malay sa daan. Paggising ko ay nasa loob na ako ng bahay nila Courtney at siya kaagad ang bumungad sa akin. "Paano ako napunta rito? Binuhat mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya atsaka tumango. Nahiya ako dahil alam kong mabigat ako tapos binuhat niya ako hanggang dito sa bahay nila. "Nakita kitang hinimatay. Dito na lang kita dinala kasi hindi ko kabisado kung saan ang bahay niyo. Tinawagan ko na rin ang parents mo para alam nilang safe ka. On the way na sila." sagot niya pa sa akin. "Salamat ah, Courtney." nakangiting sagot ko naman sa kanya. Tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto kung nasaan ako. Naabutan ko naman sa labas ng kwarto si Kaileen na may hawak na parang maliit na palanggana. Pero nang lumabas ako sa kwarto ay dali-dali siyang tumakbo palayo. Ano'ng problema non? Hindi ko naman gusto si Courtney noong una, kaya lang dahil nga parang naamaze ako sa ginawa niya sa akin ay parang nacurious ako sa kanya, hanggang sa hindi ko na namalayan na nagustuhan ko na pala siya. ."Alam mo pre, kung hindi ka naman inasikaso ni Courtney noon hindi mo mapapansin at magugustuhan 'yun. Sa tagal niyo magkakilala don mo lang siya nagustuhan noong binuhat ka niya hanggang sa bahay nila." sambit naman ni George. "Bahala ka, basta isa lang ang sasabihin ko sa'yo, wala na akong ibang magugustuhan kung hindi siya lang." sagot ko naman sa kanya. **** "Ready ka na ba?" tanong ko sa kanya habang nasa labas ako ng pinto ng kwarto niya. "Palabas na." sagot naman niya sa akin. Bumukas naman ang pinto ng kwarto niya at lumabas siya. Nakaayos ang kanyang buhok at may suot din siyang make-up. Hindi ko alam ano ang nangyari pero parang natulala ako sa kanya. Totoo nga ang sinasabi ni George, maganda nga si Kaileen kapag nag-ayos. "Tara na?" tanong niya sa akin. Dun lang ako nabalik sa realidad. "Ah, eh, oo. Tara na, baka hinihintay na nila tayo." nauutal na sagot ko pa sa kanya. **** [Kaileen's POV] Pagdating namin sa bahay ay kinakabahan akong bumaba sa kotse. Mukhang napansin naman iyon ni Wren dahil hinawakan niya ang kamay ko. Pagpasok namin ay nakita agad ng mga mata ko si Courtney na nakaupo sa isang upuan sa dining table. "Welcome sa bahay namin." pagbati ni Daddy kay Wren. Tumingin din siya sa akin, "Mukhang masaya ka sa iyong buhay may asawa, anak, gumaganda ka." dagdag naman na puri ni Daddy sa akin. "Salamat po, daddy." nakangiting sagot ko naman sa kanya. Napatingin naman ako kay tita Grace atsaka naglakad papalapit sa kanya. "Happy Birthday po." pagbati ko atsaka iniabot ang regalo na binili namin kagabi ni Wren. "Salamat. Tara't umupo na tayo para makasimula na tayo sa dinner." sabi niya naman saaming dalawa habang nakangiti. Pero kahit nakangiti siya ay ramdam kong hindi siya okay sa akin. Magaling lang talaga siya magpanggap na para bang akala mo ay gusto ka niya pero ang totoo ay hindi naman. "So, kamusta ang business niyo, Wren?" tanong ni Daddy sa kanya nang mag-umpisa kami kumain ng hapunan. "It's getting a lot better po." sagot naman niya, "Malaki po ang naitulong niyo sa amin. Masasabi ko pong hindi magtatagal ay makakabangon at bawi rin po kami sa tulong na binigay niyo sa amin." dagdag pa niya. "So, paano kung makabangon na ang Cruz, anong mangyayari kay Kaileen?" napatingin kaming lahat sa kanya dahil sa sinabi niya. Pero tama naman ang sinabi niya, kung mapapabilis ang bangon ng business nila Wren, paano na ang marriage namin? Kahit naman sa akin sinabi niya iyon na once na maging okay na ang business nila ay pag-uusapan na namin ang tungkol sa divorce. "Anong sinasabi mo, Courtney?" awkward na tanong ni tita Grace sa kanya. Para rin siyang nagbibigay ng senyas kay Courtney na tigilan kung ano ang sinasabi. "Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Wala namang masama sa sinabi ko, I'm just worried na baka pagkatapos makabangon ng Cruz ay maiwan si Kaileen na parang gamit na tapos na gamitin." sagot naman niya. Napakunot ang noo ni Daddy at napayuko na lang ako. Tama naman siya eh, tamang tama ang sinasabi niya. Siya naman kasi talaga ang mahal at ako, substitute lang. Kailangan lang dahil may mapapala sa akin, pero once na wala na, goodbye na rin. "Hindi 'yun mangyayari. Hindi ba, Wren?" tanong naman ni Daddy sa kanya. Napatahimik si Wren at parang hindi alam ang sasabihin, tumingin din siya sa akin na parang wala siyang masabi sa kung ano ang tinanong ni Daddy. Hindi ko kayang marinig ang kung anong sasabihin niya, kahit 'yun ay totoo or hindi. "Excuse me, CR lang ako." dahilan ko para kahit paano ay hindi ko marinig ang maging sagot at usapan nila. Alam ko naman eh, gusto niya sabihin kay Daddy ang totoo pero nagdadalawang isip siya dahil siguro ayaw niyang mapahiya ako. Hindi niya rin 'yun masasabi kay Daddy, dahil wala naman iyon sa usapan ng dalawang pamilya. Nasa usapan lang namin ang tungkol sa divorce. Naghilamos muna ako sa CR para magising ako ng konti. Kailangan ko maging matatag, ako nalang ang meron ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD