[Kaileen's POV]
Naging masaya pa sa bahay namin dahil mayroon kaming additional family, which is si Buttercup and Macy. Hindi 'man sila kasing healthy ng mga batang dogs, but they are still jolly and energetic.
Pagbaba ko ay nakita kong pinapakain na ni Wren ang dalawang aso. Mukha namang naramdaman niyang pababa ako dahil napalingon siya sa akin.
"Good Morning." bati niya naman sa akin.
"Good Morning." sagot ko naman sa kanya.
"Pinakain ko na sila, maaga naman ako nagising kaya ako na ang nagprepare." pagkekwento naman niya sa akin.
"Thank you." sagot ko naman, "Ay oo nga pala, diba may meeting ka today? Mag-ayos ka na, ako na bahala rito sa baba." pagpapaalala ko naman sa kanya.
"Ah oo nga pala, sige, salamat." nakangiting sagot naman niya sa akin sabay takbo paakyat sa kwarto niya.
Hindi ko alam na may gantong side rin pala si Wren, sobrang maalaga at mapagmahal. Or baka hindi ko lang inexpect na may ganito siyang side. Pero dapat alam ko kasi mahal na mahal nga niya si Courtney diba, so dun palang alam nang mapagmahal at maalaga talaga siya. Hindi ko lang talaga iyon naramdaman sa kanya.
Patapos na ako magluto nang bumaba si Wren, umupo na rin siya sa dining area at hinainan ko na rin siya ng makakain niya.
Uupo na sana ako ng biglang magring ang cellphone ko, "Hello," sagot ko naman sa tawag.
"Ma'am, reminder lang po na meron kayong 10 am meeting." pagpapaalala naman ni Lily sa akin.
"Pwede mo ba tanugin si Mr. Flores if we can move it by 1pm? Medyo busy ako rito sa bahay and hindi pa rin ako nakaayos ng sarili ko. May meeting din kasi si Wren today at very important ang client na kameet niya kaya papaunahin ko na siya umalis ngayon." sagot ko naman sa kanya.
"Okay ma'am, I'll update you regarding this." sagot niya naman sa akin atsaka ibinaba ang phone.
"May meeting ka rin ngayon?" tanong niya sa akin, "Dapat nagready ka na, I can grab breakfast naman on my way to work, dapat hindi mo na ako ipinagluto." dagdag pa niya.
"Okay lang, homemade meals are still the best. Mas mura rin." sabi ko naman sa kanya.
"Akala mo naman hindi mo afford kumain ng mga fastfood. You can always eat it if you want, you have all the means." sagot naman niya sa akin. Nagtaka siguro siya dahil may binitawan akong 'mas mura rin' na term sa mga sinabi ko.
"Well, tama ka naman. But when I was still studying, nabuhay ako sa mga homemade meals instead of buying from fastfood chains. Ang baon ko lang kasi noon ay 200 pesos everyday." pagkekwento ko naman sa kanya.
"Huh? Wait, bakit nangyari 'yun?" tanong niya. Sobrang takang taka ang mukha niya.
Pero hindi ko naman pwedeng sabihin na because ayaw ibigay sa akin ni tita Grace ang buong allowance na binibigay ni daddy para sa akin. Pero hindi ako nagreklamo kahit ang totoo, hirap na hirap akong pagkasyahin ang baon ko araw araw. Lalo na at hindi naman ako hinahatid ng driver sa school. Si Courtney hatid-sundo pero ako hindi, iba kasi kami ng university noong college and syempre mas priority siya kaya ako ang hindi na lang inihahatid.
"Because that's how my parents taught me." pagsisinungaling ko.
"Well, they must be proud of you, kasi kahit gaano kayo kayaman you know how to value your money." sagot naman niya sa akin.
"Yes, tama ka diyan. Every cent counts talaga sa akin kahit hanggang ngayon na meron na akong sariling pera, kasi alam ko kung gaano siya kahirap makuha at kitain." sambit ko pa sa kanya.
Napatingin naman si Wren sa relo niya atsaka tumayo ng biglaan, "Malelate na ako, I'll go ahead." pagpapaalam niya naman sa akin.
Tumango lang ako atsaka siya pinanood na lumabas sa bahay.
It's good to have some talks with Wren every morning, pakiramdam ko nga nagiging bonding na namin 'yun. At inaamin ko naman na naeenjoy ko ang usapan namin every morning.
Habang mas tumatagal din kaming kasal, mas dumadami na ang alam ko tungkol sa kanya.
****
Hindi ko alam kung ano'ng oras uuwi si Wren, nauna kasi ako dumating sa bahay dahil maaga naman natapos ang meeting ko with Mr. Flores plus wala naman masyadong naging problema sa company ngayong araw.
Nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Daddy.
"Kamusta ang aking nag-iisang prinsesa?" tanong niya kaagad pagkasagot ko sa tawag niya.
"Binola mo pa ako, dad. Okay lang po ako, ikaw?" tanong ko naman sa kanya.
"Okay din naman. By the way, birthday nga pala ng tita Grace mo sa Friday, baka pwede kayo dumaan dito ni Wren for a dinner?" pag-invite niya naman sa akin.
Gusto ko sumana humindi, dahil wala namang dahilan para umattend ako sa birthday ni tita Grace, hindi naman kami close at ayaw ko na rin bumalik sa bahay na iyon.
"I'll try, dad. Medyo busy kami ni Wren sa trabaho." sagot ko naman sa kanya.
"Baka pwede mo naman ako mapagbigyan? Simula ikasal ka sa kompanya na lang kita nakikita, madalang pa. Dumalaw naman kayo sa bahay. Aasahan ko kayo sa biyernes ah." sabi niya naman sa kabilang linya. Magsasalita pa sana ako pero binaba na niya ang telepono.
I guess, I have no choice but to attend that birthday dinner with Wren.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Napabalik naman ako sa realidad nang marinig kong bumukas ang gate at ang tunog ng kotse ni Wren na pumaparada sa garahe. Halos kakauwi ko lang at hindi pa ako nakakapagluto ng dinner niya.
Pagpasok niya ay nagmamadali akong nagpunta sa kusina para mag-isip ng lulutuin.
"Kakauwi mo lang?" tanong niya sa akin. Dito pa talaga siya sa kusina dumiretso, mukhang nakita niya kasi akong naglakad papunta rito pagkapasok nya.
"Oo. Sorry, hindi ako nakapagprepare agad." paghingi ko naman ng tawad sa kanya, "Magbihis ka muna at magpahinga, alam kong pagod ka. Iready ko muna ang pagkain natin." dagdag ko pa.
"Pagod ka rin naman. Alam mo, umupo ka na lang sa sala and we'll just order something. Para wala ng magluto." sabi niya naman atsaka ako hinila pabalik sa sala.
Napangiti naman ako dahil sa ginawa niyang 'yun. Kahit paano naramdaman kong nagcare siya sa akin.
Umupo rin siya sa tabi ko atsaka kami sabay na nag-order ng pagkain. Pagkatapos namin umorder ay naupo lang kami sa sala para hintayin ang pagdating ng order namin.
"Wren." pagtawag ko sa pangalan niya.
Napatingin naman siya sa akin, "Yes?" tanong niya.
"Gusto ko lang sana malaman kung okay ba sa'yo na pumunta sa bahay nila daddy this coming friday? Birthday daw kasi ni tita Grace and he wanted to see us." sambit ko naman, "Pero if hindi ka pwede, okay lang. Sinabi ko naman kay daddy na busy ka rin." dagdag ko pa.
"Pwede ako." sagot niya sabay ngiti sa akin, "Sa Thursday ng gabi, after work, punta tayo sa mall at bumili tayo ng panregalo sa kanila. We can also bring Buttercup and Macy with us." suggestion naman niya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya atsaka tumango.
"Walang problema." pagsang-ayon ko naman sa sinabi niya.
Bigla namang pumasok sa isip ko ang tungkol sa pagkikita ni Courtney at Wren. Sa Friday magkikita silang dalawa, for sure awkward iyon para sa akin. Makikita ko na naman kung gaano kamahal ni Wren ang stepsister ko.
Siguro kaya rin pumayag si Wren ay dahil nga nandoon si Courtney. Bakit ba ako natuwa at inisip na baka dahil ako ang nag-aya kaya siya pumayag? Sa ilang buwan na kasal kami at sa pagiging mabuti niya sa akin, nakakalimutan ko tuloy na ang lahat ng ito ay hindi totoo. At na mayroon talaga siyang ibang mahal.
Ano ka ba naman, Kaileen. Bakit ka umaasang baka totoo na ang kung anong meron sainyo? Nahihibang ka na.
"Okay ka lang? Parang bigla kang tumahimik?" tanong ni Wren sa akin.
Napatingin naman ako bigla sa kanya.
"Ah, wala. Wala lang ako masabi." pagsisinungaling ko naman sa kanya.
Hindi ko naman pwede sabihin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit lumutang ang isip ko. Magmumukha akong baliw non.