Chapter 2 - The Decision

1469 Words
[Kaileen's POV] "Thank you for understanding, Mr. Lopez." sabi ko naman sabay abot sa kamay niya for a handshake. "No worries, basta I expect it to be delivered next week. I hope no more delays on your end." sagot naman niya sa akin. "Yes sir. Again, I'm very sorry." pag-ulit ko naman na paghingi ng tawad sa kanya. He just nodded his head before he continued to walk away. Kahit ganun ang nangyari, atleast hindi naman masyadong nagalit si Mr. Lopez, but I know he's very disappointed kasi he needed the products na. Many resellers and customers are already looking for our products, kaya I understand his frustrations na limited stocks lang ang kaya namin ipadeliver due to what happened. Napahinga na lang ako ng malalim before I decided to go home. Naabutan ko sa dining area si daddy, tita Grace, and Courtney na kumakain ng dinner when I got home. "Come and join us, dear." napatingin naman ako kay tita Grace when she suddenly asked me to join them. I know this is just for the show. Ganito naman niya ako itreat when Dad is around. "Manang Ines, can you bring out some plates and utensils for Kai." pag-utos naman ni Daddy kay Manang. "Hindi na po, Manang." tumingin ako kay Daddy, "Busog pa po ako, hindi ko na po muna kayo sasabayan. Magpapahinga na po muna ako." Tumango naman si daddy sa akin, kaya naman pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Napatingin ako sa picture ng mommy ko na nasa bedside table ko and a sad smile formed on my lips. "I miss you, mom. How I wish you were here with us." bulong ko sa sarili ko. **** Paglabas ko ng kwarto ko ay nauuna na magbreakfast sila daddy. Umupo na ako sa usual seat ko para makapagbreakfast na rin kasabay sila. "Courtney, kamusta si Wren?" tanong ni daddy sa kanya. Wren Brixton Cruz, my chilhood playmate, my first crush, and my first love. And now, Courtney's boyfriend. "Okay naman po." sagot niya naman kay daddy sabay ngiti. I don't think she knew what's happening in her boyfriend's life right now. "Okay lang siya despite of their downfall?" tanong ni Daddy sa kanya. Nakita ko naman kung paano parang nagulat si Courtney about what Dad said. "What do you mean downfall po?" tanong niya naman pabalik. "Their family is experiencing financial crisis right now. Itinakbo ng trusted friend and partner nila ang mga pera ng kompanya nila." pag-eexplain naman ni daddy sa kanya. The Cruz and Victorino Family are very good friends and allies kaya nalaman agad namin ang internal problems nila. And that's also the reason why Wren and I grew up together, but ended up falling for Courtney instead of me. I think he fell for her when we were in college. Actually, noong bata kami ni Wren, close kami but as we grew older, we also grew apart. Nasa iisang school kami since kinder up until college, but we never got the chance to rekindle our closeness noong tumanda kami. Maybe because iba na ang mga gusto ko sa buhay at ganun din siya tapos mas naging mahiyain pa ako at siya naman outgoing. Hindi alam sa public that Wren and Courtney are dating, ayaw kasi ng family ni Wren kay Courtney lalo na nga sa mga nakikita siguro nila sa tabloid about her. Plus hindi naman totoong Victorino si Courtney, so hindi nila gusto maassociate sa nameless na tao ang anak nila. "So, ibig sabihin po ba nito, possible na bumagsak talaga ang Cruz Family and end their businesses?" tanong naman ni Courtney kay daddy. Bakit pakiramdam ko mas gusto pa niya malaman ang tungkol sa pera at business ng Cruz kesa sa well-being ni Wren? Ako noong nalaman ko ang tungkol sa balita na 'yun, mas kinabahan ako sa stress na maaaring makuha ni Wren instead of thinking about their downfall. "Malaki ang chance that the Cruz Family will go bankrupt. Kaya I suggest you talk to Wren about this and comfort him." sabi naman ni Daddy kay Courtney. **** Pauwi ako galing sa trabaho, medyo gabi na rin ng makauwi ako from the company kasi lumibot pa ako sa lahat ng mga manufacturing sites and plants namin at bumalik pa sa company to finish some reports. "Manong, dahan-dahan lang po. Dito mo na lang po ako ibaba." sabi ko naman kay Manong Dudong, our personal driver. Nagpababa ako few blocks from our house kasi nakita kong nag-uusap sa labas si Wren and Courtney, and I really want to know if kamusta si Wren. "Pwede bang pag-usapan muna natin, Courtney?" tanong naman ni Wren sa kanya. "Wala na tayong dapat pag-usapan, Wren. Ayoko na sa'yo. I have found another man." sambit ni Courtney. "'Wag naman ngayon, Courtney. Hindi ko na alam kung paano pagsasabayin ang mga problema." pagmamakaawa ni Wren sa kanya. "Ayaw naman sa akin ng pamilya mo diba? Matutuwa sila kung malaman nila na hiwalay na tayo." "Wala akong pakealam kung matuwa sila or hindi, ang mahalaga 'yung tayo." pagmamakaawa pa niya ulit. Ramdam ko sa kanya na sobra siyang nasasaktan. "Wala ka ng mapapala sa akin. Kapag sinabi kong ayaw ko na, ayaw ko na." sabi naman ni Courtney sabay walk-out at pasok sa bahay. Napaupo na lang sa lapag si Wren at napahawak sa mukha niya. Alam kong umiiyak siya. Gusto ko siyang lapitan para i-comfort pero magmumukha naman akong tsimosa. Maya maya ay sumakay na siya sa sasakyan namin at nagdrive paalis. Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko pa sa sala si Courtney na nakaupo at nagcecellphone. "Courtney, sorry to bother you, but I don't think this is the right time para iwan mo si Wren. Nasa vulnerable stage siya ng buhay niya eh." sabi ko naman sa kanya. Tumingin naman siya sa akin atsaka nagsmirk. "So, tsismosa ka na pala ngayon?" tanong niya sa akin, "Kung gusto mo, jowain mo para hindi na siya maging malungkot. Sinong matinong babae ang gugustuhin ang isang lalaking tulad niya na malapit na bumagsak? Baka kumain ako ng asin at kanin kung siya pakakasalan ko." dagdag pa niya. "Minahal mo ba talaga si Wren? Sa loob ng ilang taon na naging kayo, did you really love him?" tanong ko naman sa kaya. "Hmmm? Bakit mo kailangan malaman? Are we that close para malaman mo kung ano totoong nararamdaman ko sa kanya?" tanong niya sa akin. "I just want to make sure na minahal mo siya, dahil minahal ka noong tao. Naging magkaibigan kaming dalawa at ayaw kong makita siyang nasasaktan." sagot ko naman sa kanya. "Edi ikaw makipagjowa don. Kapag ayaw ko na, ayaw ko na. Wala akong pakealam kung umiyak siya or hindi, basta ayaw ko na." sabi naman niya sabay alis sa harap ko. **** After a week had passed and still ganun pa rin ang ganap sa buhay nila Wren, nakikita ko na rin kung gaano kastress ang family nila. And ayun, si Courtney parang walang nangyari, parang hindi galing sa breakup. While I was busy working inside my room ay pinatawag ako ni daddy sa kanyang office sa bahay. Pagdating ko ay nandun na si tita Grace at Courtney. "Pinatawag ko kayo rito to announce something." sabi naman ni daddy. Umupo naman ako sa couch na bakante para makinig sa sasabihin niya sa amin. "Since Cruz Family has been a great family friend and support to us, I have decided to help them by investing some of our money to them." panimula niya naman, "But on one condition." "Anong condition?" tanong ni tita Grace kay Daddy. "Well, I've heard from the Cruz's that Wren and Courtney already broke up. And that Courtney don't want to be associated with Wren anymore. Since the relationship is not open to public naman and it won't affect our public image, the Cruz offered to marry off Wren to our family pero si Kaileen ang gusto nila na ikasal sa kanya. And I agreed to it." sabi naman ni daddy which made us stand up from our seats. "Wait, no, hold on. Courtney was just having a bad day when she broke up with him. Diba Courtney?" tanong naman ni tita kay Courtney. "Yes, dad." sagot naman niya agad. Maybe she already regret her decision. "But we already had our agreement, Wren and Kaileen are going to get married. Mas magiging maganda rin sa image ng both families." sabi naman ni daddy. "Wait, hindi pwede." sabi naman ni Tita Grace. "Grace, that decision is final. I already said yes to the Cruz's. Courtney is not yet ready for big responsibilities, nakikita ko 'yan sa kanya. And that is why I made this decision. Business is what we're talking about today, hindi ito laro kaya we need to make wise decisions to save them and benefit as well."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD