Chapter 3 - Getting Ready for Marriage

1379 Words
[Kaileen's POV] Bumalik ako sa kwarto ko pagkatapos namin mag-usap usap sa opisina ni Dad. Isasarado ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang bigla itong pigilan ni Courtney, at tuluyan siyang pumasok sa loob ng kwarto ko. "Courtney." mahinahon na banggit ko sa pangalan niya. "Ano ba talagang gusto mo, Kaileen? Bakit ba ang swapang mo?" tanong niya sa akin. Alam kong galit na galit siya sa akin dahil sa itsura niya at sa tono ng pananalita niya. Hindi iyon malakas pero ramdam mo ang gigil sa bawat niyang salita. "Wala akong gusto, at isa pa, bakit ako naging swapang? Wala naman akong kinukuha saiyo." sagot ko naman sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya akong itulak, mabuti na lang at hindi ako natumba at nakapagbalance pa ako kahit na medyo malakas ang pagtulak niya. "Walang kinukuha sa akin? Wala? Sigurado ka? Eh diba alam mong boyfriend ko si Wren, at alam mo rin na ako ang mahal niya, so ano, sasabihin mo wala ka pa rin kinuha kahit na ang totoo meron naman?" tanong niya sa akin habang patuloy na naginginig ang boses niya sa galit. "Courtney, hindi ko ginusto kung ano ang desisyon ng mga matatanda tungkol sa bagay na ito. Pero kaya ko iyon gawin para lang maisalba ko at matulungan ko ang business nila at ang pamilya nila." sagot ko naman sa kanya. "Ang sabihin mo, balak mo talagang agawin si Wren sa akin!" sigaw niya sa akin, "Talagang matagal mo na siyang gusto, well, may mga nagsasabi naman sa akin na gusto mo talaga siya eh. Hindi ko lang alam na totoo pala." dagdag pa niya. "Alam mo, kung talagang mahal mo siya dapat noong gabi na nagmakaawa siya sa'yo hindi mo siya tiniis at iniwan. Hindi ba at kinausap pa kita na 'wag mo itapat nang gabing iyon dahil may pinagdadaanan sila pero anong sinagot mo sa akin?" tanong ko naman sa kanya pabalik. "Ngayon gusto ko na siyang balikan, kahit anong mangyari, sisiguraduhin ko na kaming dalawa ni Wren ang ikakasal." sambit niya naman bago tuluyang lumabas sa kwarto ko. Napaupo na lang ako sa kama ko at napabuntong hininga. Oo, gusto ko si Wren pero hindi ko naman iyon gagawin dahil lang gusto ko siya. Kung pumayag 'man ako ay dahil na rin iyon sa kagustuhan kong matulungan kong makabangon sila sa crisis na pinagdadaanan nila at siguro'y para makaalis na rin sa bahay na ito at sa kamay ni tita Grace at Courtney. Siguro may parte na masaya ako dahil gusto ko siya pero mas nangingibabaw na gusto ko siyang tulungan. Nakatanggap naman ako ng text mula sa unknown number. "Let's meet at the coffee shop outside your subdivision. - Wren." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, para akong kinabahan dahil lang sa text niyang iyon. "Okay, see you." 'yan na lang ang naging sagot ko sa text niya. Kaagad akong nagbihis para lumabas sa bahay at makipagkita kay Wren. Pagdating ko sa coffee shop ay nakita ko na kaagad ang pamilyar na figure na nakaupo sa pinakadulo ng coffee shop. "Hello." pagbati ko sa kanya nang makalapit ako sa gilid niya. "You may take your seat." sabi naman niya sabay gesture na umupo na ako sa tapat niya, "I already ordered a drink for you." dagdag pa niya. Tumango lang ako bilang pagpayag sa sinabi niya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil kinakabahan ako. I think ito na ulit ang pag-uusap na meron sa aming dalawa ever since we were grade school ata? Kaya aaminin ko, medyo awkward ito for me. "Magiging honest ako sa'yo." panimula niya, "Wala akong intensyon na pakasalan ka. Alam ko rin naman na alam mo kung sino ang totoong gusto ko na makasama habang buhay at 'yun ay si Courtney." dagdag niya pa. Alam ko naman 'yun at hindi na niya kailangan pang sabihin iyon. Nasasaktan ako na marinig sa kanya 'yun pero ano namang magagawa ko kung 'yun ang totoo? Talaga namang si Courtney ang mahal niya. "Pero kahit ganun, papayag ako sa kung ano ang gusto ng pamilya ko dahil iyon ang makakaligtas sa company at pamilya namin. Kailangan ko isakripisyo ang kung ano 'man ang meron sa amin ni Courtney." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko or kung ano ang sasabihin ko. "Magpapakasal tayo pero pagkatapos na maibangon namin ang kompanya at naging stable kami ulit kailangan natin magfile ng annulment. My heart will never be yours, I hope you understand it. Gusto ko itong malaman mo para hindi ka umasa at masaktan na baka sakali isang araw kaya kitang mahalin." pagpapaalala niya sa akin. "Okay." sagot ko naman sabay ngiti. Atleast kahit sa annulment kami mauwi, kahit paano maranasan ko 'man makawala sa puder ni tita Grace. "Okay lang? Wala ka bang idadagdag?" tanong niya sa akin. "Wala naman, okay ako sa kung ano ang gusto niyo." sagot ko naman sa kanya. "Ah, okay." Awkwardness ang bumalot sa amin nang hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang next na sasabihin ko. "I don't want to be rude to you, I just feel like kailangan kitang makausap because of this." sabi naman niya. Maybe naisip niya na baka rude 'yung way niya. Although expected ko naman na at some point sasabihin niya iyon sa akin. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, masakit pa rin pala na marinig sa kanya mismo. After namin maubos 'yung drinks na binili niya for us ay nagpaalam na rin ako since wala na naman kaming dapat pang pag-usapan regarding sa marriage na ito. Una, alam naman namin parehas na iba ang gusto at mahal niya. Pangalawa, alam na alam ko naman na kailangan niya lang ito para sa pamilya niya at business nila. Pangatlo, ano pa ba ang kailangan kong malaman? Kaya imbes na masaktan pa ako lalo, minabuti kong hindi na rin magtagal. Pagdating ko sa bahay ay nasa sala si daddy at mukhang nagbabasa ng news sa tablet na hawak niya. "I already have the press launched a news about you and Wren's wedding." sabi niya sabay pakita sa akin nang news article from one famous website sa bansa. "Hindi ba parang sobrang aga naman yata ng announcement, dad?" tanong ko sa kanya. Nagulat kasi ako na biglang may ganto na sa news. "It's better na malaman agad ng publiko 'yun. Atleast matatabunan ang bankrupt issues/financial problems ng Cruz Family." pag-eexplain niya naman sa akin. Tumango na lang ako kay daddy dahil alam kong mas alam niya ang dapat na gawin sa mga ganitong sitwasyon. "Kaileen, alam kong hindi mo gusto ang nangyayari ngayon." sambit naman niya bigla, "Pero alam mo naman na matalik na kaibigan ng mommy mo si Linda, at hindi ko kayang makitang umiiyak siya nang dahil sa problemang ito. Pwede ko naman sila tulungan ng walang kapalit pero kung sakaling maging successful ulit sila dahil sa tulong natin, pwede pa rin natin magamit ang pagiging mag-asawa niyo ni Wren upang mas maging matunog pa tayo sa larangan ng business. Malaki rin ang magiging balik sa atin sa pagiging isa natin sa pamilya nila, at lalo na sa parte nila. Ang sa akin lang, atleast nakatulong tayo pero nakinabang din." dagdag pa ni daddy. "Pero bakit ako, daddy? Bakit hindi mo sakanila ipinilit na si Courtney na lang at hindi ako?" tanong ko naman sa kanya. "Dahil ikaw ang tunay kong anak, at ikaw dapat ang makinabang sa kung ano ang magiging benepisyo natin mula sa pagtulong sa Cruz." sagot naman niya sa akin. Madalas kong maramdaman na mag-isa ako, na wala na pakealam ang daddy sa akin simula dumating si tita Grace at Courtney sa bahay na ito. Pero ngayon nakita kong mali pala ako, dahil mahal pala ako ng daddy ko, and he always want what's best for me. "Thank you for trusting me, anak." sabi naman ni Daddy sabay ngiti sa akin. "No, Dad. Thank you for being strong and for loving me unconditionally." sagot ko naman sa kanya sabay upo sa gilid niya at yakap sa kanya ng mahigpit. Kahit namatay ang mommy, my dad never failed to be a dad. Maaaring hindi siya perfect at minsan sumasama ang loob ko sa kanya but still he is the best.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD