Chapter 4 - The Marriage

1217 Words
[Kaileen's POV] Naglalakad na ako ngayon papunta sa altar kung saan nag-iintay sa akin si Wren. Malayo palang ako pero kita ko na agad kung saan nakatingin ang mga mata niya. Kahit gaano kagaling ang makeup artist ko, at kahit gaano pa karaming puri ang natanggap ko sa mga tao tungkol sa itsura ko ngayon ay wala pa rin talagang laban sa taong totoo niyang mahal. Nang makalapit ako sa kanya ay mukhang nagulat pa siya dahil hindi niya napansin na nasa harapan niya na pala ako, marahil dahil busy siyang tignan si Courtney. Masakit makita na kahit ako na ang nandito sa harap niya ay nasa iba ang atensyon niya, pero ano ang magagawa ko? Una palang naman, alam ko na naman talagang wala akong karapatan na masaktan at magselos dahil sa setup na meron kami. Ikinasal kami dahil sa kailangan niya ang tulong namin. All about business kung bakit nandito kami ngayon. Pagkatapos ng mga paalala, ng mga ceremony sa wedding namin ay inannounce na ng Pastor na kami ay mag-asawa na at pwede na niya akong halikan. Kinakabahan ako ng unti-unti niyang iangat ang aking veil at hinalikan na parang wala lang. Pero first kiss ko iyon, siya ang unang lalaking nakahalik sa akin kaya halos magwala ngayon ang puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko maexplain kung ano ang nangyayari sa akin. Kaya hanggang sa matapos ang mga ganap namin sa church ay lutang na lutang ako. Paulit-ulit kasing nagpeplay sa utak ko ang halik na ginawa niya sa akin. Nasa reception na kami at hindi ko talaga inexpect na sobrang dami palang tao na aattend sa kasal namin, hindi ko rin naman kilala ang karamihan dito dahil mga kakilala ito ni daddy at ni tito Frank, daddy ni Wren. Inilibot ko ang tingin ko nang mapansin kong parang may hinahanap si Wren sa paligid niya. At mukhang tama ang nasa isip ko, hinahanap ata niya si Courtney, na hindi ko rin makita kung nasaan. Mukhang hindi na ata umattend sa reception ang stepsister ko. "May problema ba?" tanong ko sa kanya. "Wala, hinahanap ko lang kung nasaan si Courtney." sagot naman niya. Tama nga ako, siya ang kasama. Applicable kaya sa akin ang kantang paubaya? Parang hindi naman kasi hindi naman ako ang nauna pero hindi rin naman ako ang wakas. Pero siguro sa ibang part pwedeng applicable sa akin, katulad ng siya ang kasama pero iba ang mahal. "Well, sino ba namang gugustuhing mapanood ang kasal ng taong mahal niya diba?" malungkot na sambit niya atsaka nagpakawala ng buntong-hininga. Hindi na ako nagsalita pa, wala na rin naman akong masasabi. Hindi rin naman ako pwedeng magdemand tungkol sa bagay na ito. Hinayaan ko na lang siya kung si Courtney pa rin ang gusto niya makita sa reception. Para sa akin, gusto ko na lang matapos ang kasal na ito. Sinabi ko na kasi kay daddy na sana kahit simpleng kasal lang, pero kahit anong pilit ko ay ayaw niya pumayag sa simpleng kasal. Sabi ko rin sa kanya, kasal at papel lang naman ang mahalaga kaya sana kahit sa mayor's office na lang, kaya lang ayaw talaga. Ayaw daw niya magkaroon ng issue kapag simple lang ang kasal, kaya in the end wala rin kaming nagawa. Pasalamat na lang ako at medyo maaga naman natapos ang party, wala na rin kasi akong energy. Ang gusto ko na lang mangyari ay umuwi at magpahinga. Sumakay na ako sa sasakyan kasama si Wren, uuwi kasi kami sa bahay na inihanda ni daddy para sa amin. Wala naman kaming magagawa, kahit na ayaw namin ng ganitong setup ay hindi namin maiiwasan dahil mainit pa sa mata ng media at press ang pangyayari sa buhay ng Cruz at sa biglaang pagpapakasal namin ni Wren. Maraming speculations na baka buntis ako or hindi naman kaya ikinasal dahil kailangan lang magpalakas ng mga Cruz sa larangan ng negosyo. Kaya sa ngayon, maingat talaga kami, hindi pwedeng malaman ng media ang totoong ganap sa mga Victorino at Cruz, at kung bakit nabuo ang kasal na ito. Ayaw na ayaw kasi ni daddy ng negative balita na nadadawit ang pangalan namin dahil isang pagkakamali, pwedeng mawala lahat ng pinaghirapan mo. Kaya ito, kahit ayaw niya na umuwi sa bahay namin ay wala siyang magawa. Pagdating namin sa bahay ay nabalot ng katahimikan ang loob nito, wala ni isa sa amin ang gusto magsalita. "Pumili ka na ng kwarto na gusto mo." pagbasag ni Wren sa katahimikan. "Ah oo, sige." sagot ko naman sa kanya. Pumili na ako ng kwarto kung saan parang komportable ako. Tatlo kasi ang kwarto sa bahay na ito, mukhang inihanda talaga ni daddy para kung bubuo talaga kami ng pamilya na alam ko naman na malabong mangyari dahil ano naman ang gagawin namin para magkaanak diba? Malamang, hindi ako papatulan non ni Wren dahil sobrang loyal niya kay Courtney. Paglabas ko ng kwarto ay nandun na rin naman siya sa 2nd floor at mukhang namimili na rin ng kwarto niya. "Salamat ah." paghingi ko naman ng pasasalamat dahil pinauna niya akong pumili. Sa totoo lang kahit alam kong hindi niya ako mahal, nararamdaman ko naman na gentleman siya. Kaya naman kahit paano atleast hindi ako mahihirapan na pakisamahan siya. Tumango lang naman siya sa akin bilang sagot atsaka pumasok sa kwarto na pinili niya. Alam kong medyo umiiwas siya sa akin, siguro 'yun ang tinuro sa kanya ni Courtney na iwasan ako? Or baka judgemental lang ako. Siguro naman wala naman siyang tinuturo or sinasabing masama na involved ako. *** Habang nagluluto ako ng breakfast namin ay nagulat ako ng may yumakap sa likod ko. Halos mabalot ng kuryente ang katawan ko sa ginawang iyon ni Wren. Wala naman akong ibang kasama kung hindi siya lang eh, sino pa ang ibang yayakap sa akin diba? "Wren?" mahinang pagtawag ko sa pangalan niya. Kinakabahan ako, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Napag-isipan ko na bakit hindi kaya natin itry na mahalin ang isa't isa?" tanong niya naman sa akin bigla. Sa sobrang gulat ko ay napaharap ako sa kanya. Sobrang lapit ng mga mukha namin, at sa pagtitig ko sa kanya mas narealize ko ngayon na ang gwapo talaga niya. "Maybe magwork din tayo?" tanong niya sa akin. Ang gulo lang kasi kahapon sa kasal si Courtney pa ang hinahanap niya tapos ngayon ganito naman siya sa akin? "Kagabi habang nag-iisip ako bago matulog, naisip ko na baka tayo talaga ang itinadhana at na baka lahat ng ito ay nangyayari para mahalin kita at mahalin mo rin ako. Kaya wala naman sigurong masama kung gawin natin na parang totoo ang kung anong meron tayo?" tanong niya sa akin, "Tutal totoong mag-asawa naman tayo sa mata ng mga tao." dagdag pa niya. Hindi ako nakasagot. Nagulat na lang ako ng bigla siyang mapangiti atsaka ako hinalikan sa labi ko ng mabilis. "Kain na tayo, nagugutom na ako." Kung ganun talaga ang gusto niya, wala namang kaso sa akin eh. Okay lang sa akin kahit umarte ako na parang asawa talaga dahil tama naman siya, mag-asawa na naman talaga kami sa mata ng tao, sa papel, at sa batas. Pero mali siya dahil matagal ko na naman siyang gusto, hindi lang ngayon. Gusto ko subukan, gusto ko malaman kung kaya niya ba akong mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD