Chapter 5 - Our Married Life

1450 Words
[Kaileen's POV] Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Wren at naisip niyang maging sweet sa akin simula noong ikasal kami. At syempre masaya ako na kahit paano naging asawa naman ang turing at tingin niya sa akin kahit na noong umpisa wala naman siyang balak na gawin iyon. Kung ano 'man ang nagpabago sa isip niya, nagpapasalamat ako dahil sa wakas nagkaroon ako ng chance na mahalin niya rin ng totoo at hindi lang isang fake marriage. "Pinaghanda nga pala kita ng baon, Wren." sabi ko sakanya nang makababa siya galing sa kanyang kwarto. "Salamat." nakangiting sagot niya sa akin, "May meeting nga pala ako mamaya kaya baka malate ako ng uwi, 'wag mo na ako intayin." dagdag pa niya sabay ngiti sa akin. "Ah, ganun ba? Sige, hindi na kita aantayin." sagot ko naman sa kanya. Kinuha na niya ang prinepare ko na baon para sa kanya atsaka tuluyang umalis ng bahay. Nagready na rin naman ako para makapasok ako sa trabaho ko. Hindi ako katulad dati na maagang dumarating sa company, ngayong nag-asawa ako mas inuuna ko siya kesa sa sarili ko. Inaantay ko muna siya makapasok bago ako pumasok. "Good morning, ma'am." nakangiting pagbati sa akin ni Lily, secretary ko. "Good morning. Pasensya ka na at late ako, kailangan ko kasi asikasuhin si Wren." nakangiting sagot ko naman sa kanya. "Mukhang masaya ka sa Married Life mo, ma'am." puna naman ni Lily sa akin. Napangiti na lang ako ng mas malawak atsaka pumasok ng diretso sa opisina ko. Pagdating ko sa loob ay nakita ko naman na nakaupo sa upuan ko si Courtney, at mukhang nag-aantay sa akin. "Sorry po, ma'am. Hindi ko napansin na pumasok siya sa office niyo. Binuksan ko po kasi kanina." paghingi ng tawad ni Lily sa akin. Umiling naman ako sa kanya, "Okay lang. Iwan mo na lang muna kami." "Mukhang nag-eenjoy ang kapatid ko maglaro ng kasal-kasalan ah." sambit niya sabay ngisi pa sa akin. "Courtney, alam mong maraming trabaho ngayon sa kompanya. Bakit hindi mo na lang gawin kung ano ang dapat mong gawin kesa nandito ka sa opisina ko?" tanong ko naman sa kanya. "Sumasagot ka na sa akin? Kailan ka pa natuto sumagot?" tanong niya naman sa akin. This time tumayo na siya mula sa upuan ko at naglakad palapit sa akin. Bigla niyang hinawakan ang braso ko ng sobrang higpit. "Aray ko, bitawan mo ako." sabi ko sakanya habang patuloy na pumipiglas sa paghawak niya sa akin. "Anong akala mo, dahil kinasal kayo mas mataas ka na sa akin? Tandaan mo, kahit saang aspeto ng buhay mas magaling ako sayo. Kaya wag ka mangarap na mas magiging mataas ka pa sa akin. Subukan mo pa ulit ako sagutin, ingungudngod kita sa sahig." pagbabanta niya naman sa akin, "At isa pa, sa dulo ikaw din ang iiyak dahil nasa akin pa rin ang huling halakhak. Enjoyin mo habang akala mo minamahal ka na." Patulak niyang binitawan ang mga braso ko bago tuluyang lumabas sa opisina ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya pakikisamahan, hindi ko rin alam kung bakit sobrang galit siya sa akin kahit na wala naman akong ginagawa sa kanya. Napakahirap na niyang intindihin pero wala naman akong magagawa kung hindi ang intindihin ang mga taong katulad niya dahil ayoko rin naman makipagtalo sa kanya tungkol sa walang kakwenta kwentang bagay. Ang mahalaga ay kung paano ako tratuhin ni Wren ngayon, hindi kung ano ang sinasabi niya tungkol sa kanya. **** [Wren's POV] Napatingin ako sa relo ko pagkatapos ng meeting ko, 10 pm na rin pala. Hindi naman ako pwede magmadali umuwi dahil isang malaking investor ang kausap ko. Sumakay na ako sa kotse ko atsaka nagdrive pauwi. Malapit na sana ako sa bahay namin ni Kaileen nang biglang may tumawag sa akin. It was Courtney. "Wren, are you busy?" tanong niya sa akin. "Bakit?" tanong ko naman sa kanya. "I'm here sa the Usual Bar. Can you come and have a drink with me?" tanong niya naman sa akin. "Be there in 15 minutes." sagot ko naman sa kanya. Kaagad akong umikot para puntahan siya kung nasaan siya. Hindi ko naman kayang tiisin basta siya ang humihiling, I cannot say no to her, alam niya 'yan. At kahit kasal na ako ay hindi ko pa rin siya kayang hindi puntahan. I just hope nakaVIP room siya para walang maging issue sa aming dalawa. Pagpasok ko sa loob ng bar ay nakita ko kaagad siya sa may bandang dulo. Siguro naman walang makakakita sa amin dahil madilim din naman. Napatingin naman ako sa mga kasama niya, hindi ko sila kilala. Hindi sila pamilyar sa akin pero mukhang kilala nila ako dahil bigla silang mga nagbulungan. "Guys, brother-in-law ko nga pala." pagpapakilala naman niya sa akin. Napatango naman ang mga taong kasama niya atsaka nagpalakpakan. "Iba talaga si Courtney, bigatin ang pamilya." sabi naman ng isa niyang kaibigan. Actually, wala naman akong kilala na kaibigan niya dahil hindi naman alam sa public ang relationship namin. Kaya ito, parang kahit matagal na kami ay parang kulang pa rin ang pagkakakilala ko sa kanya. Parang ang dami pa rin pala naming hindi alam sa isa't isa. Busy din kasi ako noon sa work, we see each other lang kapag may free time or kung magbabakasyon kami sa ibang bansa. Pero hindi rin talaga kami madalas na magkasama. "Let's go and have some fun. I hope you don't mind?" bulong niya naman sa akin. Umupo na rin naman ako sa tabi niya at nagsimulang uminom ng mga alak na binibigay nila sa akin. Masaya ako kasi nakasama ko ulit si Courtney at nakikita ko ulit ang mga ngiti niya ngayon. Masaya ako kahit sa ganitong pagkakataon ay nakakasama ko siya. Bigla naman pumasok sa isip ko si Kaileen. Hindi ko naman balak makipagclose sa kanya kaya lang nagkausap kasi kami ni Courtney the other day. "Alam kong ayaw mo talagang maikasal kay Kaileen, but can you please love her since she's my sister?" tanong naman ni Courtney sa akin. "Pero hindi ko kayang gawin iyon, knowing na ikaw ang mahal ko." sagot ko naman sa kanya. "Gusto kong ganun ang gawin mo para kahit matapos ang relasyon niyo, hindi ako maguilty kung babalik ka sa akin. Kung hindi mo iyon gawin, hindi na lang siguro ako babalik sayo dahil mapupuno lang ng guilt ang puso ko." sambit naman niya, "Ayokong hindi maranasan sumaya ng kapatid ko ng dahil sa akin. Alam mong hindi ko kayang maging masama sa kanya kahit na ang sama sama ng ugali niya sa akin. Sa ganitong paraan baka maging okay kami." dagdag pa niya. Niyakap ko naman siya mula sa kanyang likuran atsaka tumango, "Sige, gagawin ko kung ano ang gusto mo. Pero ipinapangako ko sa'yong babalik at babalik ako say'yo." sambit ko naman. Ngumiti naman siya sa akin atsaka ako binigyan ng halik sa labi. "Thank you, Wren." nakangiting sambit niya. **** [Kaileen's POV] Parang sobrang late naman ata ni Wren makauwi ngayon, it's already 12 am and wala pa rin siya? Nahihiya 'man akong tawagan siya ay ginawa ko na para malaman ko kung okay pa ba siya. Pero imbes na boses niya ang marinig ko ay hindi pamilyar na boses ang narinig ko. Maingay ang background at halos hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Buti na lang ay mukhang lumabas sa maingay na lugar ang may hawak ng phone ni Wren. "Hello po, kilala niyo po ba kung sino ang may-ari ng phone na ito?" tanong niya sa akin sa kabilang linya. "Kasama niyo po ba si Wren? Asawa niya po ito, gusto ko lang po sana malaman kung ano po ang ginagawa niya sana?" tanong ko naman sa kanya. "Lasing po ang asawa niyo, iniwan po siya ng mga kaibigan niya kanina pagkatapos nila magbayad gamit ang card ng asawa niyo po. Baka pwede niyo po palang sunduin ang asawa niyo rito sa bar?" sagot niya naman sa akin. "Sige po, pasend na lang po sa number na ito ang address ng bar." sambit ko naman. Nagmamadali akong umalis sa bahay at nagdrive patungo sa address na sinend sa akin. Pagdating ko sa bar ay nakita ko si Wren na nakaupo sa isang couch at walang malay. Iniwan siya ng mga kasama niya na ganito ang lagay niya? Anong klaseng mga kaibigan ang gagawin iyon? Hindi totong kaibigan ang kung sino 'mang mga kasama niya. "Wren? Uwi na tayo?" tanong ko naman sa kanya habang hinahaplos ang mukha niya para mahimasmasan siya. Pero sobrang himbing ng tulog niya at mukhang hindi rin gigising anytime kaya no choice na ako kung hindi buhatin na lang siya sa likod ko kahit na sobrang bigat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD