[Kaileen's POV]
Kumuha ako ng basang bimpo para mapunasan ko siya. Sana naman ay mahimasmasan na siya. Sino ba kasing mga kasama niya at iniwan pa siya? Mukhang ginagamit lang siya at pinagkakaperahan.
"Hmm." pag-ungol naman niya.
Hinaplos ko naman ang mukha niya, "May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot pero nakakunot ang noo niya.
Patuloy kong hinaplos naman ang ulo niya, baka sakaling magising siya at mawala ang kalasingan niya.
"'Wag." mahinang sambit niya.
"Huh?" tanong ko naman dahil hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya. Baka may hinihingi siya pero hindi ko alam kung ano.
"'Wag ka umalis." sambit niya habang patuloy na nakakunot ang noo niya.
"Oo, hindi ako aalis." sagot ko naman sa kanya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niyang 'yun.
Pero agad din na napalitan ng lungkot nang dugtungan niya iyon.
"'Courtney, 'wag." sambit niya ulit.
Hindi pala ako ang kausap niya, nananaginip pala siya at si Courtney ang hinahanap. Nalungkot ako pero hindi ko naman masisisi si Wren kung hanggang ngayon ay nahihirapan pa siya na magmove-on sa kanya, hindi rin naman kasi madaling magmove-on lalo na kung matagal din ang pinagsamahan niyo.
Masakit, pero ano'ng magagawa ko? Umpisa palang naman, alam kong siya ang mahal at hindi ako. Siguro'y sinusubukan niyang mahalin ako pero hindi pa rin niya magawa kaya ito, ngayong lasing siya, si Courtney pa rin ang hanap niya. Kahit na ako ang nandito na kasama niya at nag-aasikaso sa kanya.
Ngumiti na lang ako ng malungkot bago tuluyang umalis sa kwarto niya at nagtungo sa kwarto ko.
Okay lang ako, hindi dapat ako masaktan. Dapat masanay na akong ganito lang talaga ang role ko sa buhay niya, maging substitute lang ng kung sinong totoong mahal niya para matulungan ko siya at ang pamilya niya.
***
Napatingin ako sa hagdan nang marinig kong parang may bumababa, si Wren na nga iyon at bagong gising lang. Mukhang kakabangon nga lang niya dahil hindi pa siya naliligo at nakakapagpalit ng damit niya. Kung ano ang ipinalit kong damit sa kanyang pantulog ay 'yun pa rin ang suot niya.
Napansin ko naman ang paghawak niya sa kanyang sentido. Mukhang masakit ang ulo niya.
"Masakit ulo mo?" tanong ko sa kanya.
"Oo eh." sagot naman niya sa akin habang nakakunot ang noo.
Kumuha naman ako ng gamot at tubig para makatulong sa kanyang nararamdaman.
"Upo ka na, nagready ako ng sabaw para mahigop mo." nakangiting sambit ko bago bumalik sa loob ng kusina upang tapusin ang niluluto kong sabaw na para sa kanya.
Pagkatapos ko magluto ng sabaw ay inilabas ko na rin sa dining area ang breakfast na hinanda ko para sa aming dalawa.
Naglagay na rin ako ng plato sa harap niya at nilagyan ito ng hotdog at tinapay. Naglagay na rin ako ng sabaw sa kanyang mangkok at inilagay din sa harapan niya.
"Teka, kukuha lang ako ng tubig natin." sabi ko naman atsaka bumalik sa kusina upang kumuha ng pitsel ng tubig.
Pero bago ako tuluyang lumabas sa kusina ay ipinagtimpla ko rin muna siya ng kape para makatulong sa hangover din niya.
"Ito, mainit na kape para sa'yo." sabi ko naman sabay lagay ng kape sa tapat niya, "Inumin mo para maibsan kung ano 'man ang nararamdaman mo." nakangiting dagdag ko pang sabi sa kanya.
"Salamat." nakangiting sagot naman niya sa akin, "Hindi ka ba malelate sa trabaho mo?" tanong niya naman sa akin.
"Hindi ako papasok, nagsabi na ako. Kailangan mo ng kasama eh, kailangan mo ng mag-aalaga. Nandiyan lang naman 'yang trabaho, kayang kaya habulin." sagot ko naman sa kanya, "Kain ka na, at humigop ka rin ng sabaw. Pagkatapos magpahinga ka muna. Mas okay kung hindi ka na rin muna papasok, para makapahinga ka talaga buong araw." dagdag ko pa.
Ngumiti siya at tumango bago nagsimulang kumain ng mga hinain kong pagkain.
***
[Wren's POV]
Napatingin ako sa phone ko ng magvibrate ito, akala ko ay nagreply na sa akin si Courtney pero hindi pala. Kaninang umaga kasi paggising ko ay nagchat na ako sa kanya kung anong oras siya nakauwi pero hindi siya nagreply sa akin. Actually, akala ko nga kaninang umaga ay may message siya sa akin or text at tawag dahil nga nalasing ako ng sobra pero wala ni isang paramdam mula sa kanya kaya ako na ang nagchat sa kanya kung nakauwi ba siya ng maayos pero walang reply simula kanina pa.
Triny ko siyang tawagan pero hindi naman niya sinasagot ang tawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung busy siya or kung ayaw niya lang akong kausap. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako kagabi na nakaoffend sa kanya, pero kahit pilit kong alalahanin ay wala akong maalala.
Nalulungkot ako ngayon kasi parang pakiramdam ko walang pakealam si Courtney sa nararamdaman ko, alam naman siguro niyang nalasing ako diba? Pero bakit kahit isang kamusta wala akong narinig mula sa kanya? Samantalang si Kaileen nakagising pa ng maaga para ipaghanda ako ng pagkain at hangover soup.
Alam ko naman na dati pa hindi na talaga maalaga si Courtney dahil ako naman talaga ang ganun sa aming dalawa, pero minsan hinihiling ko na sana naman maging ganun din siya sa akin. Kahit naman kasi lalaki kami, minsan gusto rin namin na inaalagaan kami, kahit paminsan-minsan.
Napatigil ako sa iniisip ko ng may kumatok sa kwarto ko. May iba pa ba? Edi syempre, si Kaileen.
"Kamusta nararamdaman mo? May kailangan ka ba?" tanong niya sa akin.
"Wala naman. Okay na ako, kailangan ko lang matulog." nakangiting sagot ko naman sa kanya.
"Sige, itext or tawagan mo lang ako kung may kailangan ka sa akin." sabi naman niya bago tuluyang lumabas sa kwarto.
Napatitig pa ako sa nakasarang pinto pagkalabas niya at medyo napaisip ng tungkol sa kanya.
Mabait si Kaileen, magkasabay kaming tumanda niyan at kalaro ko pa nga 'yan dati. Pero dati pa talaga ay mahiyain na siya, ako nga lang ata ang kaibigan niyan eh. Hindi kasi siya madalas nagsasalita kaya wala rin siguro naging mga kaibigan, wala rin siya masyadong nakakausap na kaibigan or nakakakwentuhan kahit kapag may mga gathering ang families namin or events, wala akong nakitang mga ininvite niyang kaibigan.
Hindi ko rin alam kung bakit nagsimulang parang nagkaroon ng gap sa aming dalawa, basta nagising ako isang araw parang hindi na kami masyado nagpapansinan hanggang sa nasanay na siguro kami. Kaya lang kahit alam kong character niya talaga ang pagiging mahiyain, parang may kakaiba pa rin sa kanya eh, para bang nakikita ko sa kanyang dapat siya lagi ang mag-adjust sa ibang tao? Hindi ko maexplain eh, para bang may unspoken trauma?
Hindi ko rin sure kung ano ang sinasabi ko, pero basta, alam niyo 'yung parang wala siyang pakealam kung maagrabyado siya. Parang masyadong mabait, parang sanay din siyang nagsisilbi? Nakakapagtaka lang, knowing na lumaki siya sa isang mayamang pamilya na merong mga katulong sa bahay.
Marunong at masarap din siya magluto, na madalas hindi naman kaya ng mga babaeng laki sa yaman. Hindi lang 'yun, napansin ko rin na sanay na sanay siyang gumalaw sa bahay. Parang nakakamaze lang na ganun siya kahit na galing siya sa mayamang pamilya.
Maganda rin siguro ang pagpapalaki sa kanya ng daddy niya at ng stepmom niyang si Tita Grace, dahil kahit paano lumaki siyang disiplinado.
Bigla naman akong nakaramdam ng guilt sa puso ko, naalala kong kaya nga pala ako nagiging mabuting asawa sa kanya ay dahil sa utos ni Courtney. Kahit na hindi ko naman intensyon na lokohin siya, pakiramdam ko ay ganun ang ginagawa ko sa kanya. Parang nakakonsensya na sa kabila ng mga ginagawa niyang kabutihan sa akin ay ganun ang isusukli ko sa kanya, pero wala naman akong masamang intensyon, may punto rin naman kasi si Courtney eh.
At isa pa, alam naman ni Kaileen na hindi ko siya kayang mahalin, sinabi ko na naman sa kanya 'yun noong nakaraang nag-usap kami, so siguro alam niya naman na kahit sinabi kong itry namin maging parang totoong mag-asawa ay hindi niya naman siguro iyon masyadong seseryosohin.
Siguro, sa tamang panahon sasabihin ko na lang sa kanya kung ano ang totoo. Na lahat ng ito ay para sa kapatid niyang si Courtney. Na kaya mas pinili ko maging mabuti sa kanya ay dahil 'yun ang gusto ng kapatid niya na gawin ko. Siguro naman maiintindihan niya iyon dahil gusto lang ng kapatid niyang mapabuti siya.