Chapter 42 – Part 1 Pagkapasok ni Cheska sa loob ng condo ay parang hindi niya alam kung paano siya uupo, tatayo, o hihinga man lang. Kanina pa siya kinakabahan dahil sa mga sumunod na pangyayari—ang pagdating ni Red sa campus, ang nakitang galit sa mga mata nito, at ang di maipaliwanag na tensyon sa pagitan nila. “Diyos ko…” bulong niya habang naglalakad papasok. Umupo siya sa sofa at isinandal ang ulo sa likod nito, hawak-hawak ang dibdib na parang gusto nang kumawala ang puso. Hindi nagtagal, dumating si Quice, dala ang dalawang takeout na pagkain. “Hoy, girl, anong nangyari at parang pinahabol ka ng multo?” Tumikhim si Cheska at pilit ngumiti. “Wala… pagod lang sa araw na ‘to. Ang dami ring nangyari.” “Don’t lie to me, beshie,” sagot ni Quice, sabay lapag ng pagkain sa mesa. “Alam

