Chapter 21: Cravings
HINANAP ko ang slingbag na dala ko kagabi. Wala sa bedside table dahil pitcher na may laman na tubig lang ang nandoon at saka digital clock niya. 9 a.m pa lamang nang umaga.
Napatingin naman ako sa mini-sala niya, kung saan kompleto ang couch, center table and TV set niya roon. Nang makita ko ang bagay na hinahanap ko ay napangiti ako. Nang muli akong gumalaw ay natigilan lang ako.
“Nakaiinis. Nangangatog ang mga binti ko at ang sakit ng hita ko,” reklamo ko.
Humugot ako nang malalim na hininga at sinubukan ko ulit tumayo. Sa tuwing humahakbang ako ay kumikirot talaga siya kaya sumuko na ako. Napaupo na lamang ako sa sahig at nag-uunahan na naman sa pagtulo ang mga luha ko.
Naghahalo-halo na naman ang emosyon ko, ang lungkot, sakit, at sama nang loob. Bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon? Bakit nangyari iyon sa akin?
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at hindi man lang ako nag-angat nang tingin. Nakayakap lamang ako sa mga binti ko at nakatago pa pati ang mukha ko.
Naramdaman ko ang marahan na paghaplos sa ulo ko at doon lang ako kumilos. Sinalubong ko ang nakahahalinang titig niya at kalmado pa talaga siya sa lagay na ’yan. Kinabig niya ang katawan ko at niyakap na naman niya ako.
“Everything is gonna be alright, Francine. Hush now,” he uttered and that made me cry even more.
“Why are you still calm? Hindi ka talaga apektado na kinuha mo ang kahinaan ko kasi wala namang mawawala sa ’yo!” sumbat ko na naman na ikinabuntong-hininga niya.
“Because I’m still sane when I kiss you, touch you. It’s just that. . . I lost my control at ang gusto ko lang mangyari nang gabing iyon ay angkinin ka.” Malakas kong hinampas sa likod niya. I can’t believe na maririnig ko ang mga katagang iyon mula sa bibig niya.
“I hate you, so much!” asik ko sa kaniya at bahagya niya akong binitawan. Marahan na dumampi ang thumb niya sa pisngi ko para tuyuin ang aking mga luha.
“I’ll take the blame and from now on, you are my responsibility.” Tila isa akong bata na mahirap patahanin at suyuin. Hayan na naman siya sa responsibility na iyan.
“Akala ko ba ay bata lang ang tingin mo sa akin, ha?! Kaya palagi kang nakabantay sa ’kin at kahit saan akong magpunta ay palagi kang nakabuntot!” sigaw ko at hindi siya apektado. Tumaas lang ang sulok ng mga labi niya.
Kinuha niya ang isang bowl at hinalo-halo niya iyon saka hinipan dahil umuusok pa sa init.
“I know you hate me that much, young miss. But let me fed you.” Umaktong hahampasin ko sana uli siya nang binantaan niya agad ako. “Eat or else hindi ka na makalalabas pa sa kuwarto ko hanggang sa makauwi ang mga magulang natin.” Mariin kong naitikom ang aking bibig at naluluha na naman ako.
“Paano na ako? A-Ano na ang mangyayari sa akin?” tanong ko.
“I won’t leave you.” Hindi ko alam kung assurance na ba iyon para hindi ako mag-alala pa pero may kaba pa rin akong nararamdaman.
Wala pa rin akong maisip na solusyon sa problema kong ito. Maraming negatibo akong naiisip at nakapapagod iyon.
Buong araw akong nakaratay lang sa bed niya. Sinamahan na ako nina Jessey at Pressy sa room niya. Si Seth ay hindi pa rin talaga mapinta ang mukha niya. Ewan ko kung nakapag-usap na ba sila ng kuya niya.
Noong dinner namin ay si Kuya Khai pa ang nagluto. Kahit papaano ay nagagawa ko nang kumilos. But limitado pa rin.
Katabi kong nakaupo ang baby siblings ko. Si Pressy ang nasa gitna namin at nakaupo rin sa tapat namin ang magkakapatid. Katapat ko ring nakaupo ang stupíd. I’m referring to him. Yeah, that man who took my virginity.
Tahimik lang akong kumakain at sila lang din ang nag-uusap. Panaka-naka pa siyang sumusulyap sa gawi ko at minsan ay nahuhuli ko pa siyang nakatingin. Nakailang beses ko tuloy siyang iniirapan.
“Cody, Mayroon ka na bang activity natin? Iyong sa painting?” narinig kong tanong ni Jessey sa baby brother ko. Nakayuko lang ako sa plate ko na puro kanin na lamang ang natira.
Marami na akong nakain dahil napagod ako sa ginawa naming exercise kagabi. I want to curse him.
“Wala pa. Eh, ikaw?” balik na tanong ni Cody.
“Hindi pa, eh. Hindi ako marunong. Wala namang talent ang mga kuya ko sa art. Mabuti pa ikaw ay mayroon. Tapos nandiyan si Ate Francine na artist,” Jessey stated at napatingin ako sa side niya. Artist?
“Si Ate Francine? Almost three years na siyang huminto sa pagpipinta. Nasa attic na nga ang mga canvas and materials niya for art.” Nahihimigan ko ang lungkot sa boses ng kapatid ko. That’s true, ang attic na ang nakinabang sa mga gamit ko. Puro mamahalin pa naman iyon dahil binili iyon ni dad sa abroad.
“Kaya pala wala na akong nakikitang bagong painting mo, Ate Francine,” sabi naman ni Seth. Tipid lang akong ngumiti at pinagtuunan ko nang pansin ang kanin sa plato ko.
May naglagay na ulam doon kaya pinukulan ko nang masamang tingin ang taong nasa harapan ko. Nagkibit-balikat lamang siya.
“Yeah. She lost her inspiration daw,” sabi pa ni Cody.
“What is your inspiration ba, Ate Francine?” Jessey asked me innocently.
Mabilis akong napatingin sa kuya niya at bigla na lamang itong nasamid. ’Sakto kasi na umiinom siya ng tubig.
“`Buti nga sa ’yo,” sambit ko at bigla na lang natigilan ang mga kasama kong kumakain ng dinner. Kasi narinig nila ang sinabi ko.
Napahagikhik na lamang sina Pressy at Jessey. “Galit ka po ba sa kuya ko, Ate Francine?” Parang natuwa pa nga si Jessey.
Napanguso ako at hindi na lang ako sumagot pa. Maiinis lang naman ako sa kuya niyang stupíd.
After the dinner ay si Seth ang inutusan niya na maghugas ng pinagkainan namin. Napapisil ako sa tungki ng ilong ko.
“Ang lapit-lapit lang ng house namin ay kailangan mo pa kaming ihatid? Stupíd.” Binulong ko lang ang huling linya ko kasi baka magalit siya pero nasundan pa rin niya iyon nang tingin.
“Kanina mo pa ako tinatawag na ganyan, Francine. Namumuro ka na, ah,” walang emosyon na sabi niya at napatingin sa amin ang dalawang bata. Nagtataka kung bakit ang seryoso namin masyado.
“Eh, sa stupíd ka naman talaga,” may lakas na loob na saad ko. “Let’s go, Pressy, Cody. Umuwi na tayo sa bahay natin,” pag-aaya ko sa mga kapatid ko at mabilis na humawak sa kamay ko si Pressy. Nagpaalam na rin ako kay Jessey.
Mabuti na lamang ay hindi nagtanong ang mga kapatid ko na kung bakit ang bagal kong maglakad. Nang madatnan namin ang servant namin ay nagpasama si Pressy sa room niya. Si Cody ay dumiretso na rin siya sa kaniyang silid.
Pagpasok ko rin sa room ko ay sa bathroom ako dumiretso para makaligo na rin. But I was shocked when I saw a kiss mark all over my body!
“Oh, my God!”
***
Sa halip na magmukmok pa ako ay nakibasa na lamang ako sa group chat namin at doon ko na lamang inabala ang sarili ko. Pagod na akong umiyak at sisihin ang sarili ko. Tama naman ang stupíd na iyon. Para saan pa ang pagsisisi kung nangyari na raw ang dapat na mangyari? Lumalabas tuloy na inaasahan niyang nangyari iyon.
***
IT was a normal day for me in the next morning. Feeling ko ay may isang bagay ang nagbago sa pagkatao ko. Ewan ko lang kung ano iyon and I can feel it na hindi na lang talaga ako isang bata, or teenager.
“Dahil ba iyon sa nangyari sa amin?” nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
Gusto kong kalimutan ang nangyari sa pagitan namin. Lalo na hindi naman apektado pa ang lalaking iyon. I want to be like him na hindi big deal sa akin. Just like, normal lang ang one-night stand. Pero siya itong nagagalit kapag sasabihin ko iyon sa kaniya.
Kahit hindi siya ang naghahatid sa ’kin sa school ay hindi siya absent sa ka-c-check sa amin. Hindi ako umiiwas pero sinusungitan ko siya.
Tatlo lang kami ang nakaaalam sa nangyari that night at ang hinihintay ko na lamang ay ang menstruation ko para sigurado ako na wala kaming mabubuo. Dahil hindi pa ako handa para magbuntis at kahit mahal ko pa siya ay ayokong maging akin siya dahil lang sa pagkakamaling iyon.
Nakabalik na rin ang parents namin at higit akong na-pressure. Feeling ko ay nabigo ko sina mommy at daddy. Napabayaan ko ang sarili ko.
Lumipas pa ang dalawang linggo and hindi pa rin ako nag-m-mens at this month. Iyon na talaga ang hinihintay ko. Kaya kahit mukhang bother na bother ako ay hindi ko pa rin pinahalata iyon.
Not until noong break time namin ay nagpaalam ako sa best friend ko na kasama si Herodes. Na lalabas lang ako ng school dahil bigla akong nag-crave ng street foods.
Nakahanap ako sa labas ng school namin, kung kaya’t nagmamadali na akong nagtungo roon.
“Manong pabili po!” hyper na sigaw ko kay manong at tumusok agad ako ng fishball. Inilagay ko iyon sa may bowl at dinamihan ko ang pagkuha.
Binilang ko lang iyon para hindi ako mahirapan sa pagbayad ko later. Naramdaman ko naman ang vibration ng phone ko at nang tingnan ko iyon ay so Jessrill lang pala ang tumatawag.
Nitong mga nakaraang araw ay iniiwasan ko siya. Nanliligaw na siya pero hindi na ako nagpapakita pa sa kaniya. Nahihiya ako at nakararamdam pa rin ako ng guilt.
In-off ko na lamang ang cell phone ko at saka ako bumuntong-hininga. Kumain na lamang ako at nang malasahan ko na ang anghang nito ay parang naglaway pa ako sa sarap. Mainit-init pa rin kasi.
Hindi pa nag-iinit ang inuupuan kong bench nang may naglahad sa ’kin ng drinks. Juice mismo at wala sa sariling kinuha ko iyon pero nang mapatingin ako sa lalaking nakaupo sa tabi ko ay nagsalubong ang kilay ko.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” supladang tanong ko. Dahil si Kuya Khai lang naman ang biglang nagpakita ngayon sa akin. Napansin ko naman ang gilid ng labi niya at may tuyong dugo roon. Tapos ang pisngi niya ay namumula rin.
“Nothing,” tipid na sagot niya lang at napatingin pa siya sa kinakain ko. “Ang dami niyan. Mauubos mo ba ’yan?” tanong naman niya at inagaw ang stick na pangtusok ko sa fishball saka siya tumusok din ng isa.
Napadaing pa siya at napahawak sa gilid ng kaniyang labi. Pagkatapos niyon ay sunod-sunod na siyang sumubo saka niya ibinalik ang stick.
Nang tiningnan ko ang bowl ay bigla na lang nag-init ang sulok ng mga mata ko.
“Ang dami mong kinain!” sigaw ko at parang maiiyak na ako. Kanina lang ay ang daming laman nito pero ngayon ay ang laki nang nabawas niya.
Parang isa akong batang naagawan ng laruan at naging sensitive agad ako. Na parang iyon lang ay naiiyak na ako.
Nabigla siya sa reaksyon ko at matiim na napatitig pa sa mukha ko. Nang makita niya ang pagtulo ng mga luha ko ay dumampi na naman ang daliri niya.
“Pupunuin natin ’yan, huwag ka nang umiyak,” sabi niya at inalalayan niya akong tumayo. Hawak ko pa rin ang bowl at pinuno niya nga iyon. Siya na rin ang nagbayad lahat.
“Bakit kasi kumakain ka nang hindi naman sa iyo?” sarkastikong tanong ko.
Madali lang akong napatahan dahil bumalik ang cravings ko sa street foods. Sumisinghot na nga ako, kasi maanghang ang sauce niya. Ramdam ko ang tahimik na pagmamasid niya.
Nabusog din ako at bumigat ang tummy ko. Hinatid niya ako sa gate ng school namin. Hindi ko naman siya pinapansin at hinahayaan ko lang siyang sabayan ako sa paglalakad.
“Francine,” tawag niya at wala akong balak na kausapin siya. “Francine.” I face him na.
“What?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“May iba ka pa bang nararamdaman?” Hindi ko agad siya na-gets.
“What do you mean by that?” I asked him.
“How are you feeling?” dagdag na tanong niya at napakamot ako sa kilay ko.
“Hindi kita ma-gets,” aniko.
“Don’t mind me. Pumasok ka na lang at babalik na ako sa university,” paalam niya. Tinalikuran ko na siya at hindi na ako nag-abala pang tingnan siya. Bahala siya sa life niya.
Diretso sana ako sa classroom namin pero natakpan ko nang wala sa oras ang bibig ko dahil tila masusuka ako.
Nang pinigilan ko ang sarili ko ay mas nasusuka lang ako kaya dali-dali akong nagtungo sa comfort room. Nagulat pa ang mga schoolmate ko nang makita ako kasi nagmamadali ako.
Pumasok ako sa isang cubicle at doon na ako napasuka. May kaunting lumabas pero hindi pa rin nawawala ang pakiramdam sa lalamunan ko. Naduduwal pa rin ako.
“Miss, okay ka lang ba?” Kinatok nila ang pinto at ramdam ko ang concern nila.
“May kinain ka ba na ikinasuka mo?” tanong pa nila. Alam kong dalawang babae sila kasi sila naman ang nadatnan ko.
“M-Marami akong kinain na street foods,” sagot ko.
“Nabigla yata ang tummy mo. Uminom ka ng maraming tubig,” sabi pa niya at bayolenteng nagtaas-baba na rin talaga ang dibdib ko.
May namumuong pawis sa noo ko at pinunasan ko iyon. Nang masigurado na hindi na ako nasusuka ay saka lang ako lumabas sa cubicle.
Nabigla pa ako nang makita ko si Vira at nakakrus ang magkabilang braso niya sa dibdib. Nang makita ko ang bottled water sa pocket ng skirt niya ay kinuha ko iyon.
“What happened to you, Francine?” she asked me.
“Kumain ako ng street foods sa labas,” iyon ang naging sagot ko at kumiling pa ang ulo niya. Pinasadahan pa niya nang tingin ang buong mukha ko.
“Alam mo, Francine. May napapansin ako sa ’yo,” sabi niya dahilan na kabahan naman ako nang husto.
“Ano naman?” tanong ko at curious ako kung ano ba ang napapansin niya.
“Alam kong maganda ka pero bakit mas gumanda ka lalo sa paningin ko? Ang blooming mo.” Hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi ko at mabilis akong umiwas.
“Sira. Naka-make up kasi ako,” I reasoned out and she shook her head naman.
“Wala kang inilagay na make-up sa face mo, beh. Pero natural na namumula ang pisngi at labi mo,” sabi pa niya.
“Ang dami mong napapansin,” naiiling kong saad at inayos na lamang ang sarili ko. “Nasaan na si Herodes?” tanong ko nang makalabas na kami sa comfort room.
“Bumalik na sa classroom niya. Bakit?”
“Wala naman.” Trusted person ang best friend ko pero kung may unang makaaalam man na hindi na ako virgin ay ang mommy ko iyon. Gusto kong sabihin sa aking ina ang nangyari sa pagitan namin ni Kuya Khai. Alam kong hindi niya ako huhusgahan agad.
“Francine, basted na ba agad si Jessrill? Bakit hindi mo na siya pinapalapit pa sa iyo?” she asked me na naman.
“Malalaman mo rin ang dahilan ko, Vira,” sagot ko lang at kumunot ang noo niya. Tipid akong ngumiti sa kaniya.