Chapter 22: Visitor “YOU need something, hon?” my mother asked me. Pumasok kasi ako sa office nila ni dad, dito sa house namin. Kauuwi ko lang from school at si daddy pa ang sumundo sa akin. Pagkatapos kong magpalit ng uniform ko ay dumiretso na ako rito. I asked our servant kung nasaan ang mommy ko and sabi nila ay nandito raw sa office. Nakita ko naman na nasa playroom ang dalawa kong kapatid. Hindi sila naglalaro, dahil may sinasagutan silang assignment. I walked towards her and kissed her cheek. Naglalambing na yumakap ako sa kaniya nang patagilid. Nakaupo lang din kasi siya sa couch. Ang dami pa niyang papers sa center table. “Mom, puwede ka pong magalit sa ’kin but I know you can’t judge me that easily. Kasi love niyo po ako,” I said at nang sumilip siya sa mukha ko ay matapang

