Chapter 23: Scared “WHAT’S this?” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko na naman siya. Tsk. Bakit ba nandito na naman siya? “Eh, ano pa ba iyan kung hindi bulaklak?” pambabara ko sa kaniya at nagsalubong ang makapal niyang kilay. “What I mean is bakit ka niya binibigyan nito?” he asked again. “Sa ’yo na lang kung gusto mo, stupíd,” supladang sambit ko at inirapan ko pa siya. Ewan ko kung bakit nakaramdam agad ako nang inis dahil lang nakita ko na siya at parang gusto ko pa siyang sabunutan sa buhok niya. Kaaalis lang ni Jessrill, hindi naman siya agad nagtagal pa at kahit na niyaya ko pa siya na pumasok ay tumanggi naman agad siya. Naintindihan agad ako ni Jessrill, kaya alam kong hihinto na siya sa panliligaw niya. Gayunpaman ay mananatili naman kaming magkaibigan. Ayon din nama

