Last Chapter 1: He’s back WALA ako sa mood habang nag-d-discuss ang professor namin. Classmate ko pa rin si Vira at parehong course ang kinuha namin. Bachelor of Science in Psychology. Hindi dahil gusto ko rin na sumunod sa yapak ng daddy ko kaya ito ang napili kong kurso. Kasi nga nakikita ko rin ang future namin dito ni Zaidyx. Ang parents ko pa rin naman ang nagpapaaral sa akin na balak pang akuhin ni Khai. Kasi para sa kaniya ay responsibilidad na rin niya ako. Isa pa na nagpa-bored sa akin ay inaantok din ako. Tapos hanggang ngayon ay masama pa rin ang nalalanghap ko na hangin—perfume na nagmumula kay Vira. Ayaw ko ngang tumabi pa siya pero baka mainis siya. After ng klase namin ay masasabi kong survivor ako sa pagka-bored ko sa school. Gumaan lang ang pakiramdam ko nang pag-uwi ko

