Last chapter 2: Khai’s Heartbreak SA GULAT ko ay naibaba ko ang tawag. Ang lakas-lakas nang kabog sa dibdib ko. Narinig ko lang ang boses niya ay nagkaganoon na agad ako. Hindi pa talaga ako handang makita siya. “Mom, are you alright?” Zaidyx asked me. Todo silid na siya sa driver’s seat para lang makita ang mukha ko. Ang seat niya ay nasa likod lang ng baby sister niya. “I’m fine, Zai,” mahina ang boses na sagot ko. Tiningnan ko rin siya gamit ang rearview mirror ng sasakyan ko. Sa maamong mukha ng anak ko ay nakikita ko sa kaniya ang daddy niya. Alam kong magiging masaya siya kapag sinabi kong nakauwi na ang kaniyang ama. “Your dad, Kuya. I think he’s already here.” Malakas na singhap ang kumawala mula sa bibig niya. Namilog pa ang mga mata niya, halatang nabigla ngunit nangingibaw

