Chapter 27: Khai’s Uncle “I’M SORRY, Francine.” Naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko. Gusto ko talagang magmulat ng mga mata pero sobrang bigat at nahihirapan ako dahil sa antok. “I hate you, Khai,” I uttered. Ewan ko kung narinig pa ba niya ako kasi mahina lang ang boses ko. “I can’t love you kung alam kong naguguluhan pa rin ako. I promise, babawi ako sa ’yo. I cared for you, baby.” “Shut up. Ang ingay mo.” May dumampi na malambot na bagay sa labi ko at pilit kong inaabot iyon para matanggal ko. “Sorry. . .” huling sambit niya bago ako tuluyang kinain ng kadiliman. *** I woke up in the next morning at wala na si Kuya—Khai sa tabi ko. Napanguso ako nang maalala ko na magkatabi nga kaming natulog kagabi at ito ang unang beses na nagising ako na hindi na sa room ko. Kundi

