Chapter 28: Her check-up “MOMMY ka na pero mukha ka pa ring baby na may baon na milk sa tumbler niya,” nakangiting sabi ni Vira. I don’t know kung binibiro niya lang ba ako or what pero hindi ko iyon nagustuhan. Nilingon ko ang kasama namin na tahimik lang kaming pinapanood. “Des, tingnan mo si Vira. Nambu-bully na siya,” sumbong ko kay Herodes na piniling tumambay muna sa classroom namin. Since wala pang teacher kasi maaga pa nga. Mamaya na raw siya aalis kapag malapit na ang class namin. “Hayaan mo siya. Inggit lang iyan dahil wala siyang baon na gatas,” sabi ni Herodes at napangisi ako. Si Vira naman ay napailing-iling lang. “I read some articles about pregnancy, Francine. Na may moodswings, emotional, antukin, maselan sa amoy at sa pagkain ang mga preggy. Ang mas mahirap doon ay

