
Ilang taon na ang nakalipas mula noong huling nakita ni Tyler ang babaeng nagpatibok ng puso niya. Sa muling pagkikita nila, may kasama itong bata. Kamukhang-kamukha niya ito. Hinding hindi maikakaila na anak niya ito dahil tila pinagbiyak na bunga silang dalawa. Ginawa niya ang lahat mahanap lang muli ang babae. Nang mahanap niya ito, hindi na ito katulad ng dati. Itinatanggi ng babae na kilala siya nito. Noong tanungin ang tungkol sa bata ay itinaggi rin nitong siya ang ama. Mawawalan kaya ng pag-asa si Tyler upang alamin ang katotohanan sa likod ng lahat ng katanungan sa kanyang isipan?
