Taong 2018 ng ikasal si Julia at Brent at masayang nagsama. Ngunit ng dahil sa kapatid ni Brent, nagkahiwalay ang silang dalawa. Makalipas ang apat na taon, aksidenteng nagkita ang dalawa. Mapatawad pa kaya si Brent ni Julia? Magkaroon pa kaya ng ikalawang pagkakataon sa pagitan nila? Mahal pa kaya nila ang isa't isa?
Nasa iisang barkada si Cia at Aaron, ngunit palaging malamig ang trato ng binata sa dalaga. Dahil sa laro, papasok sila sa isang relasyon ngunit hindi namalayan ni Cia na unti-unti na siyang nahuhulog sa binata. Makalipas ang tatlong buwang kasunduan ng relasyon ng dalawa, hindi na muling nagpakita pa ang binata sa kanilang magkakaibigan. Sa halip na sila ang kasama, palagi na nitong kasama ang isa sa karibal ni Cia, si Sam. At tuluyan nang natapos ang relasyon nila maging ang pagkakaibigan nila. Dahil dito, napagdesisyunan ni Cia na manirahan sa ibang bansa.
Ilang taon na ang nakalipas mula noong huling nakita ni Tyler ang babaeng nagpatibok ng puso niya. Sa muling pagkikita nila, may kasama itong bata. Kamukhang-kamukha niya ito. Hinding hindi maikakaila na anak niya ito dahil tila pinagbiyak na bunga silang dalawa. Ginawa niya ang lahat mahanap lang muli ang babae. Nang mahanap niya ito, hindi na ito katulad ng dati. Itinatanggi ng babae na kilala siya nito. Noong tanungin ang tungkol sa bata ay itinaggi rin nitong siya ang ama. Mawawalan kaya ng pag-asa si Tyler upang alamin ang katotohanan sa likod ng lahat ng katanungan sa kanyang isipan?
Cia and Aaron are in the same circle of friends. Cia is the type of student who is smart and wealthy. But she's also the type of woman who doesn't wear make-up, and wears glasses so if other people describe her, she's a nerd. Aaron, is a heartthrob. She became the standard of the women on their campus. Not only great in sports but also in academia. They may have many differences, but they are similar in their feelings to each other. But they did not dare to admit it. Can they say how they feel to each other? Are they willing to gamble on playful love?
Bata pa lang si Jasmine, palagi na siyang pinapaalalahanan ng kanyang ina na magtapos muna ng pag-aaral bago ito pumasok sa isang relasyon. Hindi ito nalilimutan ni Jasmine, sa katunayan, lahat ng lalaking nagtangkang ligawan siya ay tinatanggihan niya dahil sa paalala ng kanyang ina. Maliban pa rito, isa pang rason kung bakit tinatanggihan niya ang kaniyang mga manliligaw ay dahil natatakot rin siya sa maaaring magawa ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki kaoag nalaman nitong may manliligaw siya.
Paano kung may dumating na lalaki sa buhay ni Jasmine na magustuhan niya. Handa ba siyang isantabi ang paalala ng kaniyang ina para sa pag-ibig?