bc

Give Me Another Chance

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
second chance
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Taong 2018 ng ikasal si Julia at Brent at masayang nagsama. Ngunit ng dahil sa kapatid ni Brent, nagkahiwalay ang silang dalawa. Makalipas ang apat na taon, aksidenteng nagkita ang dalawa. Mapatawad pa kaya si Brent ni Julia? Magkaroon pa kaya ng ikalawang pagkakataon sa pagitan nila? Mahal pa kaya nila ang isa't isa?

chap-preview
Free preview
Prologue: Her Loss
"Congratulations Mrs. Perez you're 2 months pregnant" sabi ng doktor saka gumuhit ang ngiti sa aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung dapat ba akong maging masaya, kung dapat ba akong matakot, o kung dapat ba akong kabahan. Masaya dapat ako kasi finally after 4 years mula noong ikinasal kami ni Brent, magkaka-anak na kami. Pero natatakot ako at the same time kinakabahan kasi baka hindi ko s'ya maalagaan ng mabuti pero isa lang ang sigurado ako, ito na ang pinakamagandang balitang narinig ko mula noong bata pa lang ako. "Thank you, doc" pagkasabi ko ay dahan-dahan akong tumayo habang hawak-hawak ang aking tiyan. Nang makalabas sa ospital, kinuha ko ang cellphone sa aking bag para ibalita kay Brent ang pagbubuntis ko ngunit hindi niya ito sinasagot. Nakailang tawag pa ulit ako ngunit hindi niya pa rin ito sinasagot kaya naman napagpasyahan kong umuwi na lang muna sa aming bahay. Nang maitago ko ang aking cellphone sa bag, agad naman akong pumara ng taxi. Ilang oras ang lumipas ay nakarating na rin ako sa bahay. Pagkababa sa taxi, agad akong pumasok sa bahay at nagtungo sa kusina. Naabutan ko roon si Britney, ang nakababatang babaeng kapatid ni Brent. "Hi, Britney" masaya kong bati ngunit hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagkain ng mansanas. "Anong ginagawa mo rito?" mahinahon kong tanong habang binubuksan ang ref upang kumuha ng tubig. "Wala" rinig kong sabi niya. "Inaantay mo ba si Brent?" tanong ko pa saka naman ako pumunta sa lamesa malapit sa kinauupuan niya. "Nope. Andito ako para sabihin sa'yong umalis ka na" sabi nya habang masamang nakatingin sa akin. "A-ako? B-bakit?" nauutal kong sabi at di mawari kung bakit niya ito nasabi sa akin. "Well, ayaw kita. Diba kaya mo lang pinakasalan ang kuya ko ay dahil sa pera?" mataray niyang sabi saka siya tumayo at naglakad palapit sa akin. "Ito" sabi niya saka inilabas ang isang papel na wari ko ay cheque. "1 million pesos, sapat na siguro yan para layuan mo ang kapatid ko" sabi niya saka inilapag ito sa lamesa malapit sa kamay ko. "Alam mong hindi pera ang habol ko sa kuya mo" pinipigilan ko ang sarili kong magalit dahil iniisip ko ang batang nasa sinapupunan ko. "Oh, really?" natatawa niyang sabi. "As far as I know, hinabol mo ang kuya ko" sabi niya. "No, hindi ko hinabol ang kuya mo" depensa ko. "Oh, come on, Julia. Sabihin mo na ang totoo, ako lang naman makakaalam. Sabihin mo ang totoong pineperahan mo lang ang pamilya namin!" pasigaw niyang sabi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya sa mukha. "I told you, Britney, hindi-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang tumakbo si Britney. Pagharap ko sa pinuntahan niya, nakita ko si Brent. "Did you just slap my sister?" galit na tanong ni Brent habang yakap-yakap si Britney. "N-no" nauutal kong sagot. "Really? So ano nakita ko? Nadulas ang kamay mo?" sigaw niya. "You know what, matagal ko na sanang pinakinggan si Britney." sabi nya pa pero ngayon, bakas na sa mukha niya ang galit. "Umalis ka na!" seryoso niyang sabi saka itinuro ang pinto ng bahay namin. "Hindi mo lang ba muna ako hahayaang magpaliwanag?" naiiyak kong sabi. "Hindi ko kailangan ang paliwanag mo! Sapat na ang nakita ko! Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa mga guards!" sigaw niya ulit. "Ganon na lang ba talaga ako sayo Brent? Babalewalain mo ang sampung taong relasyon natin? wala ka ba talagang tiwala sa akin?!" umiiyak kong sabi. "Kung iyan ang gusto mo, sige gagawin ko. At sa paglabas ko ng bahay na ito, kalimutan na nating magkakilala tayo!" Sabi ko pa atsaka ako lumabas ng bahay at naglakad palayo. Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng paa ko. Ang alam ko lang nasasaktan ako. Akala ko ito na ang pinakamasayang araw ko dahil nalaman kong buntis ako pero hindi, hindi pala. Umiiyak lang ako nang umiiyak. Pakiramdam ko bumabagal ang mundo at unti-unting lumalabo ang paligid. Hanggang sa maramdaman kong may tumama sa balakang ko na naging sanhi ng pagkakahiga ko. "Iyong anak ko" paulit-ulit kong sabi bago ako mawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.4K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook