Chapter 4

2293 Words
MATAMIS akong napangiti na nakamata ditong nakaupo sa motor niya at pinapanood akong makalapit. Napakagwapo talaga nito kahit saang anggulo. Lalo na ngayon na nakaporma siya. Black jeans, red polo shirt at white sneakers na bumagay sa kanya. Naka-wax pa ang buhok nito na halatang nagpagwapo talaga. “Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko dito. "Basta. Isuot mo 'to,” sagot naman nito na iniabot ang helmet sa akin. Napanguso akong napatitig sa helmet na inaabot nito. Hindi ko alam pero, bigla kasi akong kinabahan kung saan kami pupunta lalo na't kaming dalawa lang. Ayokong mag-assume na baka mamamasyal kaming dalawa at manligaw ito bigla sa akin. Pero wala naman kasi akong ibang maisip na dahilan para ayahin niya ako na kaming dalawa lang. “Sabihin mo muna. Hindi ako sasama kapag ‘di mo sasabihin sa akin kung saan tayo pupunta.” Pagpapa-hard to get ko dito. “Hays. Wala ka bang tiwala sa akin?” nagtatampong saad nito. “Dadayo tayo sa kabilang bayan. Okay na ba?” Napakurap-kurap naman ako sa sinaad nito. Wala naman alam na gagawin o sasadyahin namin sa kabilang bayan. Ni wala nga kaming kakilala doon e. "Bakit? Anong meron doon? Mamaya masita tayo sa checkpoint ha? Wala ka pa namang lisensya," wika ko. Mahina itong natawa na napailing at siya na mismo ang nagsuot ng helmet sa akin. Napalunok ako na masamyo ko pa ang pabango nito. Maging ang sabon na ginamit nito sa pagligo. Tsk. Masyado naman siyang nagpapagwapo. Lihim akong napangiti at kinikilig habang nakamata ditong parang boyfriend kung makaasta. Matapos niyang maisuot sa akin ang helmet, tumitig ito sa mga mata ko na ikinalunok kong bumilis ang t***k ng puso. “B-bakit?” utal kong tanong lalo na't gahibla na lang ang pagitan ng aming mukha. "Wala. Sakay na," anito na nagsuot na rin ng kanyang helmet. Napalapat ako ng labi at impit na napapairit sa isip-isip. Inalalayan pa ako nitong makasakay sa mio niya at umangkas dito. Pinasilab naman na nito ang motor nang makaupo na ako ng maayos sa likuran nito. "Yumakap ka. Mamaya mahulog ka pa, hindi kita masasalo." Biro nito na hindi ako kumapit sa kanya. “Tsk.” Napaismid ako na yumapos sa tyan nitong natawa. Habang nasa byahe kami, lihim akong nangingiti. Yakap-yakap ko kasi ito at damang-dama siya. Isa sa pinakagusto ko sa tuwing mag-aaya itong mamasyal kami, ang eksenang ‘to. Ang malaya ko siyang nayayakap na hindi nakakahalatang. . . gustong-gusto ko siyang niyayakap. "Wag namang masyado, Vi. Hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap mo e. Gusto mo ba akong mamatay?" natatawang biro nito na ikinabalik ng naglalakbay kong diwa! “Bwisit ka!” asik ko na pabirong nahampas ito sa balikat. Napahalakhak naman ito na muling kinuha ang kamay ko at ibinalik payapos sa tyan nito kaya nakurot ko itong napahagikhik. Napakagat labi akong ipinatong ang baba sa balikat nito at ninanamnam ang malamig na ihip ng hangin na sumasalubong sa amin. “Vi, may tanong ako.” Anito habang nagmamaneho at sa harapan nakamata. “Ano na naman?” sagot ko na nilingon ito at nanatiling nakapatong ang mukha sa balikat niya. “Gusto mo ba akong magka-girlfriend?” tanong nito. Napalunok ako na natigilan. Binundol ng kakaibang kaba ang dibdib ko na hindi kaagad nakaapuhap ng maisasagot. Bakit niya naman kasi ako tinatanong ng gano'n? Hindi kaya. . . nagpaparinig na siya para magkaroon ng lakas ng loob na magtapat sa akin mamaya. “Eh. . . ikaw. Kung may natitipuhan ka na. E ‘di ligawan mo.” Sagot ko sa pag-aakalang ako ang balak niyang maging girlfriend. “Okay. Sinabi mo ‘yan ha?” anito. Muli kaming natahimik. Madilim na rin at walang masyadong nakakasalubong kaya mabilis ang patakbo nito. Magaling naman si Migo magmotor. Kahit nga lubak-lubak at madulas ang daan, ni minsan ay hindi kami sumemplang sa daan. "Sana nga, Migo. Sana ako ang babaeng natitipuhan mong ligawan,” piping usal ko na nakamata ditong sa daan nakatutok ang attention. "Hwag kang matutulog ha?" untag nito sa mahaba-haba naming katahimikan. “Hindi po,” sagot ko na mas nagsumiksik sa balikat nito. “Vi, kinakabahan ako.” Muling saad nito na ikinatigil kong napadilat ng mga mata at nilingon ito. “Saan naman?” tanong ko dito na napailing. “Hwag ko na kayang ituloy?” “Ang alin?” naguguluhang tanong ko dito. May nadaanan kaming lomihan sa daan kaya huminto na muna ito at nagparada sa lilim ng malaking puno ng acacia. Inalalayan pa ako nitong makababa sa motor at sabay kaming nagtanggal ng helmet. “Mag-lomi muna tayo. Kinakabahan pa kasi ako eh,” wika nito na inakbayan akong inakay sa lomihan. Napangiti akong pasimpleng iniyapos ang kamay sa baywang nito na kinikilig. Pumasok kami ng tindahan at nag-order ng overload lomi nila. Magkaharap naman kami ni Migo sa mesa at hinintay iserve ang order namin. May mangilan-ngilang costumer ang kumakain din dito at kilala ang lomihan. Kaya naiinis ako sa mga babaeng nagpapa-cute kay Migo na nagsisikuhan pa. Panay ang sulyap kay Migo na nagbubulungan. Mabuti na lang hindi sila pinapansin ni Migo. “Gusto mo ng soft drinks?” tanong nito nang dalhin na ang lomi namin sa mesa namin. “Uhm, tubig na lang.” Sagot ko dito na tumango. Tumayo ito na kumuha ng dalawang baso ng tubig sa jag at dinala sa mesa namin. Kinikilig naman ang mga babaeng nadaanan nito na hindi maalis-alis ang paningin kay Migo. “Kain na.” Anito na naupo sa harapan ko. Habang kumakain kaming dalawa, panay ang sulyap nito sa cellphone niya. May cellphone na kasi si Migo. Pero kami ni Siobe, wala pa. Wala pang budget ang magulang namin para sa cellphone. Nagsisimula pa lang kasi mauso ang cellphone sa probinsya namin kaya may kamahalan pa ang presyo ng mga ito. Pero dahil pinapadalhan si Migo ng ama niya ng sapat na pera, nabibili ni Migo ang mga nais nito. MATAPOS naming kumain ay ito na rin ang nagbayad na ito at umalis na kami. Lagi naman e. Si Migo ang nagbabayad sa lahat kapag gan'tong lumalabas kami. Madalas siya ang nanlilibre sa amin ni Siobe. Ilang minuto lang ay huminto kami sa isang may kalakihan ding bahay. Mukhang may celebration dito at marami-raming tao sa loob ng bahay. Nakabukas din ang gate nila at may nagvi-videoke sa loob. "Anong gagawin natin dito?" nagtatakang tanong ko. Akala ko pa naman ay sa plaza kami magtutungo. O kaya ay may bagong bukas na pasyalan dito. "Makiki-birthday.” Sagot nito na inayos ang naka-wax niyang buhok. "Huh? Sino?" "Si Jasmine." "Sinong Jasmine?" kabado kong tanong. "Ahem! Nililigawan ko, Vi.” Sagot nito. Natulala ako at nanigas sa kinatatayuan na nakamata ditong tila may hinahanap ang paningin sa mga tao sa loob ng bahay na kaharap namin. Para akong kinukurot sa puso na nakatulala dito at paulit-ulit nagri-replay sa utak ko ang sinaad nitong. . . nililigawan niya ang pinuntahan naming dalawa dito. Akala ko pa naman ay ako ang liligawan niya. Pero para lang akong sinampal ng masakit na katototohanan. . . na hindi ako ang tipo niyang maging girlfriend! “A-ano? May nililigawan ka na?” mahinang usal ko na namigat ang dibdib at nangilid ang luhang nag-iwas ng tingin dito. “Ano ‘yon, Vi?” ulit nito na hindi ako narinig. “Ahem! Wala.” Sagot ko na pilit ngumiti ditong tumango. "Tara na?" anito na naglahad ng kamay. "Bakit? May problema ba, Vi?" tanong nito na mapansing nakatitig lang ako sa kamay niyang nakalahad. Pilit akong ngumiti na napailing. "Mauna ka na. May bibilhin– tama may bibilhin lang ako saglit," alibi ko at hindi ko kayang makita itong may kasamang ibang babae. "Samahan na kita,” alok pa nito na ikinailing ko at pilit ngumiti dito. "Hindi na,” tanggi ko na ikinatigil nitong napatitig sa aking mga matang animo'y binabasa ako. Ngumiti akong tinapik ito sa balikat na matiim na nakatitig sa akin. "Mauna ka na. Hinihintay ka na niya. Susunod ako," wika ko. "Sigurado ka?" nagdududang tanong nito na ikinangiti at tango ko. "Oo naman. Makiki-sharon din tayo, huh?" natawa itong napailing na bahagyang ginulo ang buhok ko. "Okay. Sunod ka, huh? Hintayin kita sa loob." Sagot nitong ikinatango ko. Pagkatalikod ko dito ay sunod-sunod nang naglaglagan ang butil-butil kong luha. Parang pinipiga ang puso ko at hindi ako makahinga ng maayos. Dama ko ang pangangatog ng mga tuhod ko at ang pamimigat ng dibdib ko. Napatakip ako ng palad sa bibig na hindi ko na napigilang mapahikbi. Ang sakit. Ang sakit sakit sa puso ko na may iba nang natitipuhan si Migo. Ang sakit umasa na mahal din ako ng lalakeng mahal ko. ‘Yon pala ay kaibigan lang talaga ako sa kanya. Nagtungo ako sa kalapit na tindahan at nagkunwaring may bibilhin. Pumasok ako sa katabi nitong kubo at dama kong para na akong matutumba. Naupo ako sa sulok na napayukong hinayaang tumulo ang luha. Para akong sinasaksak sa puso sa kaisipang may iba na itong mahal. At magsisimula na ngang maagaw ito sa akin ng iba. Na wala manlang akong kalaban-laban. Alam ko namang mangyayari ito. Na magkagusto si Migo sa iba. Masyado lang akong nakampante na hindi ito maaagaw ng iba sa akin. Pero ngayon, inaagaw na siya sa akin. “Best friend ka lang, Vi. Tanggapin mo na lang. Na may mga babaeng gini-girlfriend. At may mga babaeng bini-bestfriend lang. Malas mo lang dahil kabilang ka sa mga babaeng. . . pang-bestfriend lang,” kastigo ko sa sarili. Maya pa'y may mga narinig akong boses ng babaeng napapairit at hagikhikan palapit. Nagpahid ako ng luha na nanatiling nakayuko lalo na't papunta sila sa tindahang katabi ng kubong kinaroroonan ko. "For real, Jasmine? Boyfriend mo talaga ang tisoy na ‘yon?" kinikilig na tanong ng isang babae. Nanigas ako sa kinauupuan na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib! "Jasmine?" piping usal ko na nag-angat ng mukha at napalingon sa grupo ng mga babae. "Oo nga, sasagutin ko na si Migo mamaya. ‘Yon ang birthday gift ko sa kanya," kinikilig ng dalagang tinawag nilang Jasmine. Napalunok ako sa narinig na napatitig sa babaeng nagsalita. Mapait na napangiti na mapagmasdan ang itsura nito. Napakaganda nga naman niya. Ang amo ng mukha at kaparehas ni Migo ang kutis na maputi at makinis. Bagay nga sila. Bagay na bagay sila. Mahaba ang unat na unat nitong mahabang buhok na may katangkarang babaeng parang modelo ang dating. Nakasuot ito ng silky strapless black dress na abot hanggang gitnang hita nito ang manggas. Naka-stilleto at make-up. Napakaganda at sexy niyang tignan. Kumpara naman sa akin na wala maski polbo sa mukha. Magulo na rin ang buhok ko dahil sa helmet ko kanina. Nakasuot ng maong na kupas at plain white shirt at white converse shoes. Walang-wala ako sa babaeng natitipuhan ni Migo. Para akong sinasaksak sa puso na pinagkukumpara ko ang sarili sa babaeng natitipuhan ni Migo. Hindi ko maiwasang manliit sa sarili at hamakin ang sarili ko. "Birthday girl na ngayon ang nagreregalo huh?" tudyo pa ng isa na ikinahagikhik nilang tatlo. "Magpapakipot pa ba ako? Hello? Sa gwapo niyang ‘yon? Tiyak akong maraming nakapila sa kanya noh?" maarteng saad nito na napakalambing ng boses. Napaiwas ako ng tingin nang magkatinginan kami nito. Kimi lang naman itong ngumiti na tumuloy na sa tindahan. "Manang, gin bilog nga po." Wika nito sa tindera. "Aba, matindi. Gin bilog agad, girl?" ani ng isang kasama nito. "Naman. Paano ko mabibinyagan si tisoy kung wala akong bwelo," kindat nito sa mga kasamang napailing dito. Napakuyom ako ng kamao sa narinig na mahimigan ang tinutukoy nila. Tiyak akong si Migo ang tisoy na tinutukoy ng mga ito. “Kung gano'n ay may plano silang lasingin si Migo at. . . maka-s*x!” piping usal ko na naningkit ang mga matang nakatitig sa mga babaeng nagbubulungan at hagikhikan. “Plano niya bang pikutin si Migo?” usal ko. Napatayo ako na nagmamadaling bumalik sa kinaroroonan ni Migo na naghihintay lang pala sa motor nito. Napatuwid naman ito ng tayo na malingunan akong papalapit. "Tara na,” maawtoridad kong utos dito. "Huh?" "Sabi ko tara na!" iritadong sagot ko na inabot ang helmet na agad isinuot. Napasunod naman itong nagsuot ng kanyang helmet na bakas pa rin ang kalituhan sa mga nangyayari. "T-teka magpapaalam lang ako--" Natigilan ito nang mapalingon sa akin na masama ang tinging ginagawad dito. "Tara na? O maiiwan ka? Uuwi akong mag-isa." iritado kong saad dito. “E-eto na. Hwag ka namang magalit,” tarantang saad nito na sumakay na sa motor. Umangkas na ako dito na in-start na ang motor at pinaandar. Napangisi ako na masilip sa sideview mirror nito ang tatlong babaeng pabalik na at kitang natigilang makita kaming paalis na ni Migo. Hinabol pa nila kami pero pinaharurot na ni Migo ang motor palayo. Lihim akong napangisi na naiuwi ko si Migo at hindi na natuloy ang plano ni Jasmine na lasingin ito at ikama! "Binyagan huh? Napakalandi mo namang babae. Hindi mo ba alam na katorse pa lang ni Migo?” piping usal ko na nagngingitngit ang mga ngipin dala ng kagigilan ko sa Jasmine na nililigawan nito. Nang makalayo-layo na kami, binagalan na ni Migo ang bilis ng patakbo nito. Nakahinga na rin ako ng maluwag na hindi natuloy ang sana'y pamimikot nila sa best friend ko. Mapait akong napangiti na sumagi sa isipan ang bagay na iyon. Na best friend lang ako ni Migo. Tama ba ang ginawa ko? Paano kung gustong-gusto ni Migo ang babaeng ‘yon? Tututol ba ako sa kanila e wala naman akong karapatang ipagdamot si Migo. Dahil una sa lahat. . . best friend niya ako. Best friend niya lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD