Chapter 5

1596 Words
VIVIAN'S POV: KAPWA kami tahimik ni Migo habang pauwi. Pagdating namin sa tapat ng bahay, walang imik na bumaba ako ng motor at nagtanggal ng helmet na iniabot dito. Pero napatitig lang siya sa helmet na tila marami siyang gustong itanong. “Galit ka ba?” tanong nito na malamlam ang mga matang tumitig sa akin. “Hindi. Bakit naman ako magagalit? Sige na. Bukas ulit. Inaantok na ako e.” Malamig kong sagot na tinalikuran na ito. "Vi, sandali.” Pigil nito na humawak sa braso ko. Napalapat ako ng labi na muling makadama ng kakaibang boltahe ng kuryente sa pagkakahawak nito sa akin. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Pero bigla na lamang bumilis ang kabog ng dibdib ko at hindi makakilos sa kinatatayuan. Pinihit ako nito paharap na pilit hinuhuli ang paningin ko at iniiwasan kong magsalubong ang mga mata namin. Napapisil ito sa baba ko na pinatingala ako sa kanya. Nagsalubong ang mga mata namin at para akong malulusaw sa puso na mapatitig sa mapupungay niyang mga mata. "May problema ba?" maalumanay nitong tanong na bakas ang kalungkutan sa mga mata nitong napakalamlam. "Wala. Masama lang pakiramdam ko," kaila ko na nag-iwas ng tingin dito. Napasalat naman ito sa leeg maging noo ko. "Okay lang ako." Napabuntong hininga ito ng malalim na napatango. "Sana nagsabi ka kanina. Para hindi na kita isinama," anito na nagu-guilty ang tono. Pilit akong ngumiti na inabot at ginulo ang buhok nito. "Sorry, nasira ko ang gabi mo." Umiling ito na ngumiting hinahaplos ako sa buhok kong sabog-sabog. "Wala ‘yon. Ikaw naman ang pinakamahalaga sa akin, Vi." Saad nito na ikinalunok ko. "Talaga?" nangingiting tanong ko na nagdududang ang tono. Mahina itong natawa na yumapos sa baywang ko at magaan akong niyakap! Napasinghap akong lalong nagkarambola ang pagtibok ng puso at lakas loob na gumanting niyakap ito pabalik. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib habang magkayakap kami ni Migo at unti-unting gumaan ang bigat sa dibdib ko. "Oo naman, best friend kaya kita," wika nito na mas niyakap ako. Napalis ang ngiti at kilig na nararamdaman kong unti-unting napabitaw dito. “Best friend,” usal ko. "Yeah. Best friend.” Tumatango-tangong saad nito na ngumiting hinaplos ako sa ulo. “Mas mahalaga ang best friend sa girlfriend, Vi. Kaya hwag kang magseselos kapag nagka-girlfriend na ako, hah? Kasi mas matimbang ka naman sa akin. Wala nang makakahigit sa'yo sa puso ko," kindat nitong ikinalabi kong nakatingala dito. "Ang selosang best friend ko," hirit pa nito na napisil ang ilong ko. "Hindi kaya!" alma kong ikinahagikhik naman nito. Natigilan akong napatitig dito na ngayo'y tumatawa na. Hindi katulad kanina na bakas ang lungkot sa mga mata. Hindi ko alam kung dahil umuwi kami na hindi niya nakakausap si Jasmine. O may iba pang dahilan ng mga lungkot sa mga mata nito kanina. "Laway mo, ikaw talaga." Napakurap-kurap akong kaagad tinabig ang kamay nitong nakapisil sa baba kong isinara ang bibig kong naawang na palang nakatulala dito. Napahalakhak itong naiiling. Ramdam ko tuloy ang pag-iinit ng pisngi ko sa sinaad nito. Muntik na ako! Muntik ng mabuko pisti! "U-umalis ka na nga, gabi na ump–-" Nanigas ako sa biglaang pagyuko nitong ikinadapo ng labi niya sa mga labi ko! Namimilog ang mga mata ko at halos hindi humihinga na natuod sa kinatatayuan habang magkalapat ang aming mga labi! Napakapit ako sa braso nitoat para na akong matutumba sa pangangatog ng mga tuhod ko! Dahan-dahan nitong inilayo ang mukha na may matamis na ngiti sa mga labi. Ibang-iba ang kinang sa kanyang mga mata na matiim na nakatitig sa aking nakatulala sa ginawa niya! "Goodnight, Vi. Hwag ka ng magselos, hmm? Mas mahalaga ka sa akin," bulong nito na naghahabol hininga. Napalunok ako. Kahit madilim na dito sa labas ng bahay ay naaaninag ko pa rin naman ang mukha nito mula sa ilaw sa mga kapitbahay. Napababa ang tingin nito sa nakaawang kong mga labi na napalunok at dahan-dahang yumuko. Parang lulukso ang puso ko sa ribcage nito na nalalanghap ko na ang mainit at mabango niyang hininga. Hanggang sa tuluyang dumapo muli ang malambot niyang mga labi sa labi ko. Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng aming dibdib habang magkalapat ang mga labi namin ni Migo. “Pasok ka na,” pabulong anas nito na mabibigat ang paghinga. Para akong robot na napasunod at tumango lang dito. Tulalang pumasok ng bahay na napahaplos sa aking mga labi. "Hinalikan niya ako. . . hinalikan ako ni Migo—sa labi," paulit-ulit kong saad na parang timang na naglalakad papasok sa silid ko at may malapad na ngiting nakaukit sa mga labi! Pagpasok ko ng silid, impit akong napapatili na niyakap ang unan ko habang nakahiga sa kama. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nangingibabaw sa puso ko! Pagulong-gulong ako na napapairit at parang inaatake ng sakit na epilepsy! Hindi mawala-wala ang kilig na nararamdaman ko dahil sa halik ni Migo sa akin! Para tuloy akong lumulutang sa labis-labis na tuwa! "Biyang!? Ano yan!?" Napatikom ako ng labi sa pagkalampag ni nanay sa pinto. Taranta akong napabalikwas at saktong nasa gilid na pala ako ng kama na ikinahulog ko sa sahig at impit na napadaing! "Urgghh! Pisting yawah naman oh! Nadurog na yata ang tumbong ko," impit kong daing na napapangiwing tumayo sapo ang pang-upo na napasama ang bagsak sa sahig. "Napapa'no ka bang bata ka?" ani nanay na binuksan ang pinto at salubong ang kilay. Pilit akong ngumiti na napailing. "N-nahulog lang po ako sa kama, Nay." Nakangiwi kong sagot na himas-himas ang pang-upo. Napasuri naman ito ng tingin sa kabuoan ko na tila nagdududa sa alibi ko. "Sigurado ka?" nagdududang tanong nitong mabilis kong ikinatango-tango. "Opo." "Saan kayo nanggaling ni Migo?" pag-uusisa nito. Napalapat ako ng labi na nag-iwas ng tingin sa mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin. "Biyang!" "Po!" napapitlag ako sa pagbulyaw nito na pinandidilatan ako ng mga mata. "Ahhh! Nay masakit!" tili ko na pilit nilalayo ang kamay nitong nakakurot sa pempem ko! "Umamin ka nga! Saan kayo galing ni Migo huh? Nagkantutan na ba kayo!?" pagalit nito na ikinangiwi ko. "Nay naman," tili ko na tinakpan ng palad ang bibig nitong pinanlalakihan ng mga mata! "Bibig niyo naman po. Grabe kayo sa akin.” "Bakit? Lumabas kayo ng gabi. At ‘yan!" nguso nito sa gitnang hita kong ikinasapo ko sa pempem ko. Mahirap ng dakmain na naman nito ang pisngi ng akin. Ang pino pa naman niyang mangurot. "Bakit sapo mo ang balakang mo, huh?" "Nay naman. Nahulog nga po kasi ako," maktol kong sinimangutan ito. Nakataas pa rin ang kilay nitong kitang hindi naniniwala sa akin. "Biyang huh? Katorse anyos pa lang kayo ni Migo. Yang crush-crush pwede pa ‘yan. Pero ibang usapan na ang biyakan. Nagkakaunawaan ba tayo?" napalabi akong tumango dito. Napahinga ito ng malalim na nanlamlam na rin ang mga matang nakatutok sa akin. "Wala naman pong biyakang naganap. Wala ba kayong tiwala sa akin?" pagtatampo ko. Ngumiti itong hinaplos ako sa ulo. "Meron. Anak kita eh. Kilala kita. Dahil ako ang nagluwal at nagpalaki sa'yo," anito na ikinangiti kong niyakap ito. "Salamat po, Nay. Hindi ko naman po kayo bibiguin sa pangarap niyo para sa akin. At wala pa po sa isip namin ni Migo ang mga tumatakbo sa isip niyo. Hindi po kami gano'n, Nay.” wika ko. "Alam ko, Biyang. Alam ko namang mababait kayong mga bata. Sinubukan lang kita," saad nito na mas kalmado na ang boses. NANGINGITI akong muling nahiga sa kama nang bumalik na rin si nanay sa silid nila ni tatay. Kiss pa nga lang eh. Biyakan agad ang nasa isip. Ang nanay talaga, ang advance kung mag-isip. Napahaplos ako sa ibabang labi kong mariing napapikit. Pakiramdam ko tuloy ay muling nakalapat ang labi ni Migo sa mga labi ko habang dinadama ko ang halik nito sa isip ko! "Migo. . . sana balang araw, mapansin mo rin ako. Hindi lang bilang best friend mo," usal ko na naiisip ang halik nito kanina sa akin. Mapait akong napangiti na maalala si Jasmine. Napakaganda niya. Makinis ang mukha, unat na unat ang buhok, at babaeng-babae kung kumilos. Halata namang katulad ni Migo, may kaya sila kumpara sa amin. "Gan'ong tipo ba ang gusto mo sa isang babae?" parang hibang kong pagkausap sa sarili. Napahaplos ako sa pisngi kong maraming nagkakasiyahang pimples at ayaw na akong iwan! Sa balat kong morena. At buhok kong buhaghag na parang hindi na kayang palambutin ng shampoo at conditioner. Mapakla akong natawa sa sarili at 'di mapigilang kutyahin ito kumpara sa babaeng gusto ni Migo. Para akong batang nahamugan na nawawala ang itsura kung pagkukumparahin kami ni Jasmine. Napigilan ko sila ngayong gabi, paano bukas? O sa mga susunod pang araw? Hindi ko naman control si Migo para pigilan itong hwag ng makipagkita kay Jasmine. Lalong-lalo nang. . . hindi ko naman siya pag-aari. Isa lang akong hamak niyang matalik niyang kaibigan. Kaibigan na lihim sa kanyang. . . nagmamahal. Tumulo ang luha ko na unti-unting namigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay nakukuha na ng iba sa akin ang lalakeng pinakamamahal ko. At ang sakit na hindi ko manlang maipaglaban ang sarili ko. Sa itsura pa lang ni Jasmine, panalo na ito. Maging sa estado nila sa buhay. Samantalang ako? Kahit nga ang bumili ng bagong damit ko ay wala ako. Kaya paano naman ako pipiliin ni Migo? Kung unang tingin pa lang sa amin ni Jasmine, alam na kung sino ang panalo. At si Jasmine iyon. Si Jasmine. . . ang nababagay sa isang katulad ni Migo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD