Chapter 26

1665 Words

Part lV KINABUKASAN AY nagising akong tuyong-tuyo ang lalamunan na ultimo laway ko ay wala akong malunok. Nanginginig ang buong katawan na nanghihina. Pilit akong bumangon dahil wala naman akong kasama dito para alalayan ang sarili. Nagugutom din ako. Kahit nahihilo ay nagawa ko pa rin namang magtimpla ng kape at chocolate chips na lamang ang ni-sawsaw ko dahil mamaya pa darating yong mga nurse na pwede naming pagpabilhan ng pagkain sa labas. Mapait akong napangiti sa sarili. Hindi ko tuloy maiwasang mag-emote dahil damang-dama ko ang hirap ng mag-isa. Lalo na kapag gantong may karamdaman ka at wala manlang umasikaso sayo. "Ok lang yan Vi. Ikaw pa ba? Ngayon ka pa ba magda-drama na mag-isa ka sa buhay?" pagkausap ko sa sarili na napapahid ng luha. Yawang luha. Nagiging emosyonal talag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD