Part lll MAGLILIWANAG PA LANG ay gising na gising na akong agad naligo. Inaabangan ang pagdating ni doc na makakulitan muli. "Gwapong umaga doc!" ngiti sabay kindat kong bungad ditong napahagikhik sa akin. "Magandang umaga sa makulet kong pasyente" bati din nito. "Naks, baka atakehin na ako sa puso niyan. Hindi talaga tayo tao doc!" aniko na napahawak pa sa tapat ng dibdib na animo'y touch na touch. Napangiti naman itong ni-ready ang panusok niyang gamot ko. "Talaga? So ano pala tayo hmm?" pananakay nito. "Ehhh...bagay tayo doc" kindat kong ikinahalakhak nito. Nakakahawa tuloy mapahalakhak dahil sa lutong niyang tumawa na natural lang ang dating at tunog. "Ikaw talaga, tusukin na kita huh?" makahulugang saad na naman nito na hinawakan na ang kamay kong suero. Napapangiwi na lamang

