"Ah, siya ba iyan?" may yamot sa tinig ng isang babae na dinaanan niya sa hallway ng production. "Akalain mo, pinagpalit si Sir Dexter na sobrang bait sa isang babaero. Dumapo na ang swerte sa palad niya. Pinalampas pa!" "Korek!" sang-ayon ng isang maarteng babae na may makapal na make-up sa mukha. "Kaya naman pala ngayon ay may napala talaga. Bagay lamang iyan sa kanya," nakataas pa ang kilay na wika sa kanya ng isa pang babae. Hindi na lamang siya kumibo. Bagkus ay nagpatuloy sa pagpasok niya sa trabaho. Marami pa siyang naririnig na kung ano-anong pang-iinsulto sa pagkatao niya. Pakiramdam niya ay hindi na niya kilala ang sarili. Maging siya ay `di na rin nakakasiguro kung tama pa ang ginagawa niya. "Kumusta ka na, Maya?" Nakaramdam siya ng nerbyos nang sandaling marinig ang tini

