Umuwi siyang malungkot nang araw na iyon. Masaya siya para kay Erwin dahil sa nakatagpo na nito ang tunay na kaligayahan. Siya siguro ay makukuntento na lamang sa kanyang anak. Hindi na siya maghahanap pa ng iba. Ang dinadala na lamang niya ang magiging sentro ng buhay niya. Nahaplos niya ang kanyang tiyan dahil doon. Kinabukasan ng gabi habang nagtutupi siya ng mga sinampay ay napapitlag pa siya nang may kumatok sa kanilang pintuan. Sino naman kaya itong bisita niya sa disoras na ng gabi? Sumilip muna siya sa bintana at nakita niya ang maaliwalas na mukha ni Erwin. "Erwin, napasyal ka? Gabi na ha," wika niya rito. Pinatuloy niya ito sa loob ng bahay. "Pasensya ka na... Magulo ang bahay. Nagtutupi kasi ako ng mga labada ko." "Ayos lang naiintindihan ko. Siyangapala, may dala ako

