Napaatras siya sa narinig. Sa isang iglap ay tila narinig niyang muli ang paulit-ulit na paalala sa kanya ni Tiya Iska. Tama na naman ito sa sinabi. Muli ay nasadlak na naman siya sa maling desisyon. Napurnada na naman ang pinapangarap niyang masayang pamilya. "Maya." Kitang-kita niya sa mukha ni Erwin ang pamumutla nang makita siya mula sa bintana. Dali-dali itong lumabas at nilapitan siya. Sandali siyang nalito kung ano ang dapat niyang gawin habang hawak ang maliit na bilao. "Erwin may nakalimutan ako sa bahay," pagdadahilan niya nang lapitan siya nito. "Uuwi muna ako ha," paalam niya rito sabay talikod ngunit agad siyang nahawakan nito sa kanyang braso. "Narinig mo ang mga sinabi ni Mommy?" malungkot nitong tanong sa kanya. Taas ang noo na tiningnan niya ito. "Hindi lang ang si

