"Ano'ng nakakatawa naman?" mataray niyang tanong dito. "Wala. Kalimutan mo na." Nakurot niya ito sa inis niya. "Aray!" hiyaw nito. "Iyan kasi! Ayaw mong sabihin sa akin kung ano iyong nakakatawang sinasabi mo!" sisi pa niya rito. "Wala lamang naman kasi iyon. Hindi ganoon kahalaga," katwiran nito sa kanya. Hinimas-himas nito ang bahagi na kinurot niya. Halata na talagang nasaktan ito. "Sabihin mo pa rin sa akin kung ano iyon kahit na walang halaga!" utos niya rito at kinurot pa niya itong muli kahit na nakita niyang nasaktan ito sa ginawa niya. "Ito naman! Ngayon ko lang nalaman na mapanakit ka pala!" napataas ang tinig na wika ni Daniel kaya napahinto siya. Hindi naman talaga niya intensyon na masaktan ito ng pisikal. Pero nagagawa niya ngayon. Patlang ay namagitan ang katahi

