"Daniel, gumastos ka na naman para sa akin. Baka naubos mo na ang sweldo mo dahil sa akin," wika ng dalaga. Sobrang nahihiya na siya rito dahil marami na itong nagagastos sa kanya. Ipinatong ni Daniel sa upuan ng motorsiklo ang hawak na helmet at jacket na para sa kanya at pagkatapos ay lumapit sa kanya at sinapo ang mukha niya. Muli ay naramdaman na naman niya ang pamilyar na daloy ng kuryente sa laman-laman niya dulot ng paghawak nito sa kanyang mukha. Nagpakatatag lamang siya na tumingin sa mga mata nito. "Huwag mo sanang intindihin ang ginagastos ko, Mariah. Mahal kita kaya walang kaso ang gastos sa akin. Ikaw pa lamang ang binilhan ko nito alam mo ba? At ikaw na ang huli," dugtong pa nito habang nakatingin ang tila talang matang kumikislap sa kanya. "Kasiyahan ko pa nga kung tut

