Mahigpit ang hawak ni Adeline sa kamay ni Rasha habang naglalakad sila papasok ng kanilang bahay. Ganon na lamang ang halo-halong sabik, kaba, antisipasyon sa loob-loob niya. Sa kauna-unahang pagkakataon, pagtapos ng mahabang panahon ay magsicelebrate siya ng birthday kasama ng buong pamilya, idagdag pa na naisuko niya ng buong puso ang p********e sa taong totoong mahal niya. Pero ang ngiti niya ay agad napawi nang salubungin ng kaniyang ina na may ekspresiyon sa mukha na kagayang-kagaya noong unang lumayas siya papunta sa lungsod. Ang pagkakaiba lamang ay mas malamig ito at mas nawalan ng amor. “Adeline, tara sa kwarto ko.” Matigas ang boses na ba pagkakasabi nito. “Ma? Anong meron?” sabat ni Rasha. “Wag kang makialam rito Rasha. Pumunta ka na lamang sa kusina at tumulong ka sa mg

