“Anong nangyayari dito?” Bumitaw sa pagkakayakap si Adeline at agad na humarap sa kinilalang ina na aligagang naglalakad palapit sa kanila. Kita ni Adeline ang dismaya at inis sa mukha nito. “M—Ma,” kabadong sabi ni Adeline saka pinunas madali ang mga luha. “Ano na naman ito, Adeline? Di ka ba talaga titigil?” gigil pero nagtitimping tanong nito nang tumigil sa harapan nila. “M-mali kayo. W-wala po ito. Aalis na ho kami,” sabi ni Adeline at madaling hinigit ang braso ni Paul para lumabas na pero natigilan siya. Hinawakan siya ng kaniyang ina sa braso, “Huwag na wag mo akong tatalikuran, Adeline. Bastos!” “S-sorry po,” “Manahimik ka! Wag mo akong pagmukhaing inaapi ka ha, sinabihan at binalaan na kita. Kaso ayaw mong paawat. Pilit mo pa ring gustong umeksena! Kung ako sayo ay hindi

