Tahimik na sumusulat sa papel si Amar gamit ang pluma na gawa sa balahibo ng agila sa kaniyang paboritong lamesa na may ukit na mga ibon sa kaniyang siId sa kaharian ni Bathala. Ang kaniyang silid ay napapalibutan ng mga palamuting gawa sa ginto, mayroon itong malaking bintana na halos mas malaki pa sa kaniya. Ang kaniyang higaan ay gawa sa malambot na kutson na napapatungan ng puting kumot, ang kaniyang sahig ay kulay abo na gawa sa marmol. Sa bawat sulok ng dingding ay nakasabit ang iba’t-ibang palamuti, may mga iginuhit na larawan, mga inukit na kahoy at sa itaas naman ng kaniyang higaan ay nakasabit ang isang sibat na gawa rin sa ginto. Kung iisipin mo ay para kang nasa isang paraiso na hindi pa napupuntahan ng sino man. Ang kaharian din ni Bathala ang may pinakamalaking kaharian sa bu

