Chapter 15

3155 Words
“THAT’S bullshit!” “I’m sorry, I really am. I know it doesn’t sound fair to you but it would be more unfair if we stay in this relationship. We wouldn’t work out anymore. There’s a lot of things going on and this is the best for both of us.” “Please, tell me you’re joking, Romeo. You know how much I love you. I’ll do everything for you. I’m willing to wait. I can sacrifice everything for you. Please, don’t do this to me. I’d die if you break up with me.” Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Sandra at pinakalma ito. “You deserve someone better. It’s not me. I’m not the guy meant for you.” Because I belong to someone else. As much as he wanted to tell the whole truth to Sandra, he just couldn’t. Not at this time. Marami pa silang bagay na kailangang alamin ni Corazon. Baka mas lalo silang mahirapan kung marami ang makakaalam ng personal na bagay na may kinalaman sa nakaraan nila. Humagulgol na yumakap ito sa kanya at ayaw siyang pakawalan. “No, no. I love you… tell me that you still love me, too,” pagsusumamo nito. “I can’t. I’m very sorry.” “Why? How did it happen that you no longer love me? Was it another girl? Did you cheat on me? Sabihin mo sa akin kung sino ang pinalit mo sa akin! I demand an explanation, a real one! I need the truth! Imposibleng bigla-bigla ka na lang makikipag-break sa akin ng walang malalim na dahilan! Kaya sabihin mo sa akin kung bakit ayaw mo na! Ginagago mo ba ako!?” Lumayo ito sa kanya at nanlilisik ang mga mata na pinakatitigan siya. “Calm down, Sandra. Let’s talk about it like civilized people. You don’t have to yell.” “You want me to calm down and sweet talk you after what you’ve told me!? Who are we kidding!?” anito sa mas mataas na tinig. “What’s going on here?” Napalingon sila sa bagong dating. It was her Mama. Tumakbo palapit dito si Sandra at yumakap. She continued crying and got her mom’s sympathy. He knew it would happen but he trusted his parents to make good judgement. “What happened, Sandra? Did my son hurt you?” tanong ni Rosenda habang hinahaplos-haplos ang balikat ng umiiyak. “Did you hurt her?” baling nito sa anak. “He broke up with me, Mama,” sumbong ni Sandra bago pa man siya makasagot. “What!? Why!?” hindi makapaniwalang bulalas ng ina niya. “I don’t understand, too. We’re very happy and all of a sudden, he doesn’t love me anymore. Something has changed with him. Or maybe someone has changed him.” “Someone!? Like another woman, you mean!?” hindi makapaniwalang bulalas muli ng ina niya at bumalik ang tingin sa kanya. “Yes, Mama. It could be someone but he doesn’t want to tell.” “Hija, we don’t jump into conclusion like that. Ang mabuti pa ay pag-usapan ninyo itong maigi. Huwag kayong magpadalos-dalos ng desisyon,” baling nito sa babae at muling bumalik sa kanya ang tingin. “Romeo? Care to further explain?” Tila nauupos na kandila na naupo siya sa sofa bed. Naihilamos niya ang palad sa ulo. He didn’t expect that the breakup would be this big. He thought Sandra would understand immediately his reasons as he knew her to be a very modern and sensible woman. Or maybe he’s just being so damn of an asshole. Sasabihin na ba niya sa mga ito ang namamagitan sa kanila ni Corazon? Ang mga ala-ala nito? Hindi kaya ito naman ang pagbalingan ng galit ng mga ito? Ayaw niyang masaktan ito. Ayaw niyang masaktan ang kahit sinoman sa mga ito. Iyon ang pinakaiiwasan niya sa lahat. Pero anong gagawin niya ngayon? He was torn between two gigantic rocks. “May mga bagay lang akong kailangang ayusin, Mama. Mga importanteng bagay na hindi ko pa maipapaliwanag sa inyo sa ngayon. Marami pa akong kailangang gawin at kapag nagawa ko na ay ipinapangako ko sa inyong sasabihin ko sa inyo. Pero sa ngayon ang pinakamabuting gawin ko ay makipaghiwalay muna kay Sandra,” esplika niya sa naghihirap na damdamin. “You’re talking puzzle, hijo. Is it related with the recent incident?” “No, Mama. It’s something more. I just really couldn’t explain right now.” “Baka siya ang dahilan!? Siya ba ang dahilan, Romeo!? Ang babaeng ‘yan ba!?” sigaw ni Sandra na dinuduro sa pinto ang nakatayong si Corazon. “You witch!” akmang susugurin nito si Corazon ngunit maagap na humarang ang Papa niya na naroon na rin sampu ng mga kasambahay at ni Sabel. “Anong nangyayari dito? Huminahon ka, Sandra,” anang Papa niya. “Papa, let me go! I’ll kill that b***h! Inahas niya sa akin si Romeo!” hindi nagpapatinag na sigaw pa rin ni Sandra at tuloy-tuloy ang pagpiksi-piksi. Lumapit na rin siya sa mga ito upang pigilan ito. Mas lalong nagwala naman ang babae. Walang patid ang paninigaw nito at maya’t-mayang hagulgol. “Corazon, umalis ka na muna. Pakiusap, hija,” pasintabi ng Papa niya. Nakakaunawang tumalikod naman ito. Sinundan ito ni Sabel at ng iba pang kasambahay. His father locked the door. “Ngayon ay pag-usapan nating ‘tong mabuti!” malakas at buo ang tonong sabi ng Papa niya. He only heard that tone again today. It was something that his father only used when he’s mad or disappointed. Sandra stopped wailing and turned to controlled crying. His mom immediately went beside his dad like preparing to stop him if he would do something violent. While he stood tall, he was ready to take all the blame for the commotion because it was really his fault to the real sense of it. Mabilis na ipinaliwanag niya sa ama na nakikipagkalas na siya kay Sandra. Ibinigay niya ang parehas na eksplanasyon na sinabi niya sa ina kanina. The old man understood but really upset due to the fact that he couldn’t provide a definite explanation. “Alam kong sinusunod mo ang mga pangaral ko sa ‘yo, hijo. Alam mong labis-labis ang paalala ko sa ‘yo sa tamang pagtrato sa mga babae. Lalo na sa babaeng karelasyon mo. Hindi deserve ni Sandra ang dahilan mo pero hindi rin kita mapipilit na manatili sa relasyon ninyo kung iyon ang nakikita mong mabuting desisyon. “Sa ‘yo naman, Sandra, hija. Alam kong hindi madali ito. Alam kong mahal mo ang anak ko pero baka sakaling pwede mo siyang bigyan ng panahon na gawin ang dapat niyang gawin. Kung hindi man niya maibigay ang paliwanag na kailangan natin pagdating ng panahon ay ako mismo ang gagawa ng paraan para makabayad siya sa pananakit ng damdamin mo.” Hindi madaling napahinuhod ang babae subalit wala na rin itong nagawa. Muli siyang humingi ng tawad rito at puno ng kombiksyong ituloy ang pakikipaghiwalay. Nagpaalam na siya rito. Ipinahatid ito ng Mama niya sa kanilang family driver. Nang makaalis ang babae ay muli silang nag-usap ng kanyang mga magulang. Nangako siyang muli sa mga ito na magpapaliwanag sa lalong madaling panahon na makakaya niya. Lubusang naunawaan naman siya ng mga ito sa bandang huli. Now, he needed to talk to Corazon. CORAZON was fascinated with butterflies pollinating different kinds of flowers in the garden. She was mesmerized by the beauty of it. Of how beautiful life could be. And how short it was. Gusto lang naman niyang sumaya at makasama si Romeo. Ang mahanap ang anak nila at mabuo ang kanilang pamilya. Hindi niya intensyong makapanakit ng iba o ang manggulo ng isang relasyon. However, life brought her in this situation for whatever reason she couldn’t fathom. If this is what they called destiny then it was cruel. It was agonizing. “Hey, are you all right?” Napalingon siya sa nagsalita at nabistahan si Romeo. Sumalampak ito sa bermuda grasses at umupo sa tabi niya. “Hey, yeah, I’m fine. How ‘bout you?” tugon niya. Nginitian siya nito at ginagap ang palad niya. “This is what I promised you, Corazon. Alam kong hindi rin ito madali sa parte mo pero matatapos din ito.” “Hindi ko naman ini-expect na magiging madali ito, Romeo. Parang hindi lang kaya ng dibdib ko na may nasasaktan tayong iba para sumaya tayo, para maging magkasama tayo.” “Kung pwede nga lang na ako lang ang makaramdam ng sakit tatanggapin ko lahat. But this is life. We are supposed to get hurt sometimes.” Pinisil nito ang palad niya. “After all the pain, we shall always find happiness. And I find it with you.” Her eyes went misty but she didn’t shed a tear. Not this time. She stretched a smile, the brightest she could give to him. “Ikaw rin ang kaligayahan ko. Mahal kita, Romeo.” Hinila siya nito palapit sa dibdib nito at ikinulong doon. “Every beat of my heart is telling me that I love you. It remembers. It remembers you, Corazon.” Gumanti siya ng mahigpit na yakap dito. At anong samo niya sa langit na manatili silang masaya at nagmamahalan kahit ano pang pagsubok ang dumating sa buhay nila. Na sana ay makita na nila ang kanilang anak at makumpleto na sila bilang isang pamilya. “Mahahanap din natin ang ating anak at mabubuo tayo bilang pamilya,” satinig nito sa panalangin niya. “Naniniwala ako, Romeo.” “Hindi kita bibiguin,” anito at hinalikan siya sa ulo. They savored the moment; their hearts were filled with joy and hope. MINABUTI ni Romeo na hanapin ang mga sagot na kailangan nila ni Corazon sa lalong madaling panahon. Kaya pinahanap agad niya sa kanilang private investigator ang lugar ng Sta. Monica at El Camino. Habang tuluyang nagpapagaling ay iyon ang pinagkaabalahan niya. Fortunately, nahanap agad naman ng PI ang El Camino sa tulong na rin ng ibinigay na impormasyon ni Sabel. Sabel actually knew the place. It was an island near Gran Ola where she used to live and the same island where she found him unconscious. Kaya malaki ang hinuha niyang doon din siya nanggaling bago nakarating sa kabilang isla. Maaaring ang araw na pagkakatagpo sa kanya ay siya ring araw na inakala ni Corazon na namatay siya. Medyo nahirapang maghanap ng lead ang PI nila noong una dahil hindi na El Camino ang pangalan ng lugar na hinahanap nila. Nasasakop na ang lugar ng isang bagong lungsod at wala na roon ang mga taong dating naninirahan doon. Sa kabutihang palad ay naroon pa rin ang lumang ospital ng bayan at doon nakakuha ng impormasyon ang inutusan niya. He was now holding the documents his PI provided. It was Corazon’s medical information nang manganak ito sa ospital. Kasama niyon ang isang birth certificate ng isinilang nitong anak nila. Cariñosa Altafuente. It was the name of his daughter. She named it after his known name to her. May dalang kasiyahan sa kanya na isinunod nito ang pangalan ng anak nila sa alam nitong pangalan niya. Kalakip din ng envelope ang sariling birth certificate ni Corazon. Ang birth certificate ng isang Cariño Montecarlo at ang death certificate nito. Death certificate ng mga magulang na nakalagay sa birth certificate niya. Ayon sa pagsisiyasat ng PI ay aksidente ang ikinamatay ng mag-asawa at nasa ibang bansa ang malalapit na kamag-anak ng mga ito kaya hindi pa nakakausap ng PI kung makikilala ba siya ng mga ito. Maliban sa mga iyon ay wala ng ibang laman ang envelope. Walang marriage certificate roon na magsasabing nagpakasal si Corazon kay Marxis o kung kanino mang lalaki. Pero malinaw na nakalagay sa birth certificate ng anak niya na ito ang ama sa dokumento. Ipinaliwanag na rin ng PI na sadyang walang record na nagpakasal ang dalawa kundi application lamang na hindi naman umabot sa judge. Nangako sa kanya ang PI na maghahanap pa ito ng mga dagdag na impormasyon at susubukang hanapin ang bayan ng Sta. Monica. Kailangan nilang mahanap din kung saan nagpunta ang mga taong dating naninirahan sa El Camino. Nasaan ang anak nila? Kasama pa ba ito ng Marxis na iyon? Nasaan ang ina ni Corazon? Magkakasama ba ang mga ito at mabuti ang lagay? Napausal siya ng panalangin para sa mga ito. Nagpaalam na rin ang PI sa kanya at babalik na lamang sa oras na may makuha itong bagong impormasyon. Nang makaalis ito ay mabilis niyang tinungo si Corazon sa silid nito. Nayakap niya ito ng mahigpit at hinalikan ito ng ubod ng suyo. “Hey, what’s goin’ on? You have a very beautiful vibe.” Malapad ang mga ngiting iniabot niya rito ang envelope. Nagtatakang tinanggap nito iyon at binuksan. She was astonished after reading the documents and started crying. Nayakap nito ang birth certificate ng anak nila. “Did they find her? Is she okay? Where is she? Where is Cari? Yes, my daughter, Cari. Our daughter. I used to call her that, I remember. My sweet little Cari…” lumakas ang pag-iyak nito at sumubsob sa dibdib niya. “I remember her name, Romeo. I remember her but I couldn’t remember her face. I couldn’t picture her in my mind. Paano kung bigla ko siyang makita at hindi ko siya matandaan? Would she remember me?” He felt her pain. Sobrang pait niyon sa pakiramdam na parang may lumalamukos sa puso niya. At wala siyang magawa para palubagin ang damdaming iyon. “We’ll find her, okay. We’re on baby steps but we’ll definitely find her. Gagawin ko ang lahat para mabuo ang pamilya natin.” “Thank you for giving me hope.” “You are my hope, Corazon. Mi esperanza, mi vida... Mi amor…” Binura niya ang mga luha sa mga mata at pisngi nito. “I love you.” “I love you, too.” They sealed the words with kisses. It was long, passionate, and hopeful. It was a sign of new beginning for them. IPINATAWAG ni Romeo ang mga magulang sa kanilang study room. Naguluminahan man ang mga ito ay sumunod pa rin doon para malaman ang nais niyang sabihin. Naroon din sa loob si Sabel na may kaalaman na sa ibang mga bagay na isisiwalat niya sa mga magulang. At si Corazon na tila kanina pa hindi mapalagay at namumutla. Nilapitan niya ito at pinakalma. Kahit maging siya ay hirap payapain ang damdamin. Hindi niya maitatangging may kaba sa kanyang dibdib sa ihahatid na balita. Sana lamang ay maging madali ang pagtanggap ng kanyang Papa at Mama sa malalaman ng mga ito. “What’s the problem, hijo? Bakit mo kami gustong makausap ng sabay ng Papa mo?” si Rosenda na sinuyod ng tingin ang buong silid at huminto ng ilang segundo ang mga mata kay Corazon bago bumalik sa anak. “I’m going to deliver a very important news, Mama and Papa. I don’t want to disturb you during your rest but I have to. I need to let you know about this the soonest time possible that I can. I don’t know how you would take it but I’m hoping for your deepest understanding.” “You’re killing us with suspense, hijo. Just tell it to us whatever it is that you need to tell us,” ang Mama pa rin niya na tila gigil nang malaman ang ibabalita niya. “Mabuti pa ngang simulan mo na, hijo at pakiramdam ko ay maiihi ako sa salawal sa sasabihin mo,” anang Papa naman niya na tila pinapagaan ang intensidad ng ambiance ng paligid. Napuno siya ng tensyon. Sumagap siya ng maraming hangin bago nagsalita. He opened and closed his mouth He wasn’t able to come up with any sentence. He looked around him and scanned all the people in the room. Corazon gave him an encouraging smile. “I… I and Corazon… We have a past… During the time na nawala ako ay nakilala ko siya. Nagkaroon kami ng relasyon, minahal namin ang isa’t-isa. And… we conceived a child. We have a child…” he said not breathing. Malalakas na singhap ang sunod niyang narinig mula sa mga magulang. Napaatras ang ina niya habang sapo-sapo ang dibdib nito. Naalalayan naman ito ng tatay niya nang tila babagsak ito. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo, hijo?” tanong ng Papa niya nang makabawi. Sinagot niya ito sa tulong ng mga impormasyong nakuha niya mula sa PI at sa mga impormasyong nakuha niya mula kay Corazon. Binaggit rin niya na malapit lang din ang lugar kung saan siya nakita ni Sabel noon. “No! No! No!” biglang sigaw ng Mama niya. “Sinungaling ang babaeng iyan! She’s a pathological liar! A scheming b***h! Huwag kang magpapaloko sa kanya! Nababaliw na ang babaeng iyan!” “Kumalma ka, Rosenda. Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ng anak mo? Kung ito na ang makakasagot sa matagal na nating tanong sa pagkawala niya ay bigyan natin ng chance. At isa pa ay hindi ako naniniwalang hahayaan ng anak natin na lokohin siya pagdating sa mga ganitong bagay. We raised an intelligent man and I trust him well to decide for whatever he deemed right and best.” “Tumigil ka, Emilio! Huwag mong kunsintihin ang kabaliwan ng anak mo at ng ingratang babaeng ‘yan! Pinatuloy na nga natin sa sarili nating pamamahay, pinakain at binihisan tapos ay lolokohin pa tayo?! We are not born yesterday, Emilio. Have you ever thought how insane it is na naaksidente siya, nakita ng anak natin, nawalan ng amnesia at ngayon ay sasabihin niyang nagkarelasyon sila ng anak natin at nagkaroon ng anak? How convenient is that? Couldn’t you see how devious that is?” “Mama, please listen. I have it investigated and our PI is still doing his thorough research. Kapag nakita na namin ni Corazon ang anak namin ay napag-usapan na naming kailangan naming magpa-paternity test to confirm na lahat ng sinasabi niya ay totoo. Please, understand. I want to give this a shot and I hope you support me on this.” “Ipinapa---” “Shut up, b***h! Huwag kang sumabat sa usapan ng pamilyang ito dahil hindi ka parte ng pamilya namin at kahit kailan ay hindi ka magiging parte at ang sinasabi mong anak mo!” asik ng Mama niya at pabalagbag na humakbang palabas ng kuwarto. “I’ll talk to your mother, son. Don’t worry,” mapaumanhing sabi ng Papa niya. Nilapitan nito si Corazon at ibinigay nito ang tiwala sa babae bago sumunod sa kanyang ina. Siya naman ang lumapit sa babae at binigyan ito ng mahigpit na yakap upang iparamdam ditong magiging maayos din ang lahat. “I’ll just get a bottle of bourbon. Gusto ninyo rin ba?” ani Sabel na tila ngayon lang nakahuma. Sabay silang tumango ni Corazon. They really needed that drink right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD