Chapter 16

3115 Words
ROMEO couldn’t help himself but to gaze on the beautiful mien in front of him. Corazon never failed to mesmerize him. He wondered how she was able to do that by just standing there, so majestic and bewitching. “Hey, tunaw na ‘yang ice cream mo,” puna nito. Mabilis na natuon naman ang pansin niya sa hawak na ice cream cone. Dinilaan niya ang patulong parte niyon para hindi umabot sa mga daliri niya. Natatawang tinitingnan lamang siya ni Corazon. Ah, even her laugh was so enchanting he would love to listen to them forever. “You’re lovely, Corazon. Hindi ko maiwasang ikaw lang pagtuonan ng pansin.” “Oh, thank you! You’re so sweet. But don’t tell me na dumayo lang tayo sa beach para bolahin mo ako?” “You know I’m telling the truth, hindi kita binobola. Saka gusto talaga kitang makasama nang mas mahaba, ‘yong tayong dalawa lang.” “Hmmm… I know what you’re thinking.” Pilyang ngumiti ito at dumila sa sorbetes nito. Nag-init ang pakiramdam niya sa gusto nitong i-imply. Well, he was honestly thinking about that too but it wasn’t the reason why he brought her to unwind in the beach. He was thinking that if they would try to re-live the things they shared before he lost his memories, he might get it back gradually in that way. Another reason was, he needed to go back to work and would like to spend more time with her before he got too busy again. He intended to attend to a business summit in Singapore where he needed to talk to different investors to expand their operations outside the Philippines. Marami na siyang trabaho na pinalagpas dahil sa nangyaring pamamaril sa kanya at hindi niya kayang hayaang mawala ang chance na parating para makabawi sa company nila. They had lost so much since the incident and losing more would never be an option. Isa pa ay ayaw niyang patuloy na ikulong ang sarili niya sa bahay at manatili sa estadong tila takot na takot siya para sa kanyang sariling buhay. His life must go on. Ngayon pang mas marami na siyang dahilan para magpatuloy at mas lalong magpursige sa buhay. Kaya kahit na mayaman sila ay hindi siya sinanay ng Papa niya na maging tamad at umasa lang sa yaman ng pamilya. He was only born with a golden spoon in his mouth but he was raised to achieve his dreams with the use of his intelligence and skills. “Nakatulala ka na naman,” anito at pinahiran ng ice cream ang pisngi niya gamit ang daliri nito. Gumanti naman siya rito hanggang sa tuluyang masayang na lang ang sorbetes na kinakain nila dahil nagpagulong-gulong iyon sa buhanginan. Nang maubos ang tawanan nila ay cotton candy naman ang hinanap nito na bilhin nila. They’re enjoying every dose of sugar rush they could get. Nang maupo silang muli sa buhanginan ay may dala na rin silang buco juice at ilang klase ng prutas. Meron ding grilled squid at barbeque para ma-saturate naman ang pulos matatamis na kinain nila kanina. “Nag-e-enjoy ka ba?” “Oo naman. Masayang-masaya akong magkasama tayo ngayon at nagagawa itong mga simpleng bagay na katulad nito.” “Masayang-masaya rin ako,” sabi niya at umisod palapit dito. “I hope we could stay happy for always.” “Why, you’re extra sweet today.” Pinisil niya ang pisngi nito. “Kanina mo pa kasi ako pinapakain ng mga matatamis.” “Hmmm, I know you want to tell me something. Sabihin mo na, I’ll try to understand kahit ano pa ‘yan.” “Errr… Ano… I’m going to SG for a week. May aasikasuhin ako roon para sa kumpanya.” “Are you asking for my permission? You know, you don’t have to, right?” He nodded. Maybe deep inside him, he just didn’t want to leave her. He didn’t want to go without her. Was he being too clingy? Obsessive, perhaps? Or was it separation anxiety? Was it the same feeling when Corazon left for El Camino that pushed him to follow her and be with her and resulted to his demise? Mas umusog ito palapit sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. “Is something bothering you?” Mabilis siyang umiling. “Nope, nothing.” Ikinulong niya ang mga kamay nito sa mga palad niya. “Parang ngayon pa lang nami-miss na kita.” “I’ll miss you, too.” He kissed her. She kissed him back. Everything will be all right. MATAPOS maihatid si Romeo sa airport kaninang madaling araw ay hindi na nakahuli ng antok si Corazon. Biling-baligtad siya sa higaan. Maya’t-maya rin ang check niya sa kanyang iPhone para tingnan kung may message or missed call mula rito. Bumangon siya nang makarinig ng katok sa pinto. Tinungo niya iyon at pinagbuksan ang nasa labas. It was Rosenda. She’s with Annette, one of the housemaids. Sinalubong siya nito ng mga kumpol ng mga damit na bitbit ng huli. Inagaw ng Señora ang mga damit mula sa katulong at ibinato sa mukha niya. “Anong akala mo, Corazon? Na amo ka na rito at idinagdag mo pa sa mga labahan ang marurumi mong damit? Hindi ka ba marunong maglaba?” She was shocked with her pettiness. Hindi niya akalain na magpapakababa ng ganito ang ina ni Romeo para hiyain siya. Tila labis-labis ang pagkadisgusto nito sa kanya para umabot ito sa ganitong pag-uugali. Marunong naman siyang maglaba at hindi niya kailangang iasa sa mga kawaksi ang mga damit. Pero ilang beses na siyang nagtangka na maglaba para sa sarili ngunit pinipigilan siya ng mga ito. Kalaunan ay hinayaan na lamang niya iyon at tumulong na lamang sa ibang bagay. “Pasensya na po, Señora. Ako na po ang bahalang mag-asikaso nito,” sabi na lamang niya at dinampot ang ilang damit na hindi niya nasalo sa paghagis nito. “Dapat lang, dahil isa kang palamunin sa pamamahay ko,” anito at tinapakan ang kamay niya na akmang pupulot sa nalaglag na damit niya. “Alam ko kung ano ang binabalak mo, inggrata. Sisiguraduhin kong hindi ka magwawagi. Kaya ngayon pa lang ay binabalaan na kitang mag-ingat sa mga gagawin mo.” Pinakawalan nito ang kamay niya at tinalikuran siya. “Ma’am, okay lang po ba kayo? Akin na po ulit ‘yang mga labahin ninyo, isisingit ko na lang po mamaya kapag umalis na si Señora Rosenda.” “Hindi na, Annette. Kaya ko na ito,” aniya. “Hala, Ma’am, nasugatan kayo. Gamutin na muna natin ‘yan.” Nabaling ang tingin niya sa kamay at may galos nga roon at kaunting dugo. “I’m fine. Maliit na sugat lang naman ito. Ako na ang bahala.” “Sigurado po kayo?” “Oo, huwag ka nang mag-alala. Salamat sa concern mo.” Tila napipilitan na lamang umalis ang katulong at iwan siya. Pero makailang minuto lang ay bumalik din ito at may dala ng first aid kit na ibinigay sa kanya. Malugod na tinanggap niya iyon at nilinis ang sugat. Nang matapos doon ay nagtungo na siya sa laundry area at nagsimulang maglaba ng mga damit. Nang abutan siya ng katulong na si Lili ay nakipag-agawan pa ito sa paglalaba ng damit niya. Tinakot na lamang niya itong kagagalitan ito ng amo kung tutulungan siya. “Ano ba ‘yan, Ma’am parang sa soap opera na napapanood ko sa TV. Uso rin pala ‘to sa totoong buhay,” komento nito na ikinatawa lamang niya. Natigil sila sa pag-uusap nang biglang sumulpot si Señora Rosenda. Tumingin ito sa kanya. “Bilis-bilisan mo ang kilos mo d’yan, Corazon. Pagtapos mo ay aalis tayo at kailangan ko ng kasama.” “Sige po, Señora,” mabilis na tugon niya. Umalis na rin ito agad at pinasunod ang katulong na si Lili. Naiwan siyang mag-isang muli roon. Ipinagpatuloy na niya ang pagtapos sa mga labahin niya. Nang matapos siya pati sa pag-dryer sa mga damit ay bumalik siya sa sariling silid. Nag-ayos siya ng sarili at tinungo ang ina ni Romeo sa silid nito. Inutusan lang siya nitong maghintay sa salas. After an hour ay saka pa lamang itong bumaba. Tiningnan lamang siya nito mula ulo pababa sa mga sapin niya sa paa at pinasunod na siya sa sasakyan nito. Hindi niya magawang magtanong kung saan sila pupunta dahil baka may masabi na naman itong hindi maganda. Hangga’t maari ay ayaw niyang makipag-away dito kaya nanahimik na lang siya. Sa isang mall sila humantong. Wala itong ibang sinabi kundi ang sumunod siya rito na siya namang ginawa niya. Pumasok sila sa isang boutique at sinalubong ng isang store representative. Mukhang madalas ang Señora doon dahil alam ng babaeng umaasiste rito ang pangalan nito. Ipinakita sa kanila ang mga bagong disenyo ng damit na naka-display doon. She was impressed with the designs. Mga tri-colored dresses iyon na may iba’t-ibang pattern. “Mi amiga, how are you?” isang matandang babae ang lumapit sa kanila at nakipag-beso kay Rosenda. “Oh, Catalina! I’m fine, good to see you here. How are you?” “Enjoying my retirement, Rosie. Who’s with you?” Siya naman ang binalingan ng pansin ng tinawag na Catalina at sinuyod ng mata nito ang kabuuan niya. “I’ve never seen her before. Is she your new housemaid?” Lumingon lang sa kanya ang ina ni Romeo at ibinalik din agad ang tingin sa kausap. Mahinang tumawa ito. “Never mind her. Have you checked their new designs? They all look good,” anito at hinila ang babae patungo sa iba pang naka-display na mga damit. Hindi na lamang siya sumingit sa usapan ng mga ito at baka ano pa ang masabi niya. It was clear to her that Rosenda brought her to be degraded and humiliated by her friend or anyone who would see them. She should have dressed better and didn’t suit her self with plain blouse, jeans, and sneakers. Kahit wala namang masama sa suot niya at hindi kailanman dapat manlait ng kapwa ay sarili pa niya ang nasisis niya. Tumagal ng dalawang oras mahigit ang pamimili ng Señora kasama ang iba pang kaibigan nito na dumating din roon. At lahat ng mga ito ay naging mapang-mata sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito dahil wala naman siyang mapapala. “I left my phone in the car, Corazon. Did you bring yours? I need to contact someone,” sabi nito nang lapitan siya. Dinukot niya ang iPhone sa bulsa at walang atubiling inabot dito. Kinuha nito iyon at mabilis na nag-dial. Mukhang hindi nito marinig nang maayos ang kausap at bahagyang lumayo sa kanya palabas ng boutique. Makailang minuto lang at bumalik din ito kaagad. “I need to get outside, the reception here is very poor. You get all the boxes and paper bags, then let’s just meet in the parking,” anito at mabilis siyang tinalikuran. Tumalima naman siya sa inutos nito at dinampot ang tatlong boxes at apat na paper bags na pinamili nito. Magaan lang naman ang mga iyon pero malalaki at malalapad kaya medyo nahirapan pa rin siyang bitbitin lahat. Lumabas na siya ng boutique at hinanap ang daan pabalik sa parking area. Malapit na siya roon nang harangin siya ng guwardiya at hanapan ng resibo. Napilitan siyang ibaba ang mga dala at hagilapin sa mga iyon kung saan nakasiksik ang resibo ng mga pinamili. Pero wala iyon sa loob ng mga paper bag o sa mga box. “Pasensya na po, Manong guard pero hindi ko makita. Babalik na lang po siguro ako roon sa boutique para humingi ng kopya kung kailangan talaga ninyong ma-check,” aniya. Nag-radyo ito at ilang minuto lang ay may iba pang guwardiya ang dumating. Pinapasama siya ng mga ito sa opisina ng mga ito. “Ha, bakit po? Ano pong problema?” Nakakunot-noong tanong niya. Hindi maganda ang kutob  niya sa mga nangyayari. “Sumama na lang po kayo, Ma’am,” anang guwardiya ng mall. Nagtitinginan na ang ibang taong dumadaan sa kanila. Parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan. If this what Rosenda wanted her to feel ay nagtagumpay ito. Sumama na lamang siya sa mga ito at minabuting sa private office na lang ng mga ito magpaliwanag kaysa gumawa ng kumosyon sa gitna ng mall. Nang makarating sa opisina ng mga ito ay agad siyang nagpaliwanag sa head security ng mall. Pinakinggan naman siya ng mga ito at ipinatawag din ang manager ng boutique na siya rin palang nag-report ng insidente. Kinumpirma ng manager na dumating na hindi pa nga bayad ang mga dala niyang pinamili ni Rosenda at hinihintay ng mga itong bumalik ang Señora para magbayad kaya nagulat na lamang daw ang mga ito nang bitbitin niya ang mga box at paper bag palabas ng boutique. Ipinaliwanag naman niyang ang akala niya ay bayad na ang mga iyon. Nagpasama siya sa mga ito sa parking area kung saan nakahinto ang sasakyan nila pero wala na roon ang driver at ang Señora. Sinabi na lamang niya na siya na ang magbabayad ng mga pinamili ng ina ni Romeo pero nalula siya nang malaman ang presyo niyon. It’s almost half a million at wala siyang dalang ganoon kalaking pera. Kinailangan pa siyang isama pabalik ng mga ito sa security office. Gusto sana niyang makitawag sa mga ito pero hindi niya kabisado ang numero sa mansion o ang numero ni Rosenda. Kahit na numero ni Sabel ay hindi niya kabisado. Hindi naman niya inaasahang mangyayari ito sa kanya. Sobrang nanliliit siya sa mga oras na iyon at hindi malaman ang gagawin. Na-detain pa siya roon ng halos isang oras bago pinayagang umalis. The boutique will not press charges against her. Hindi niya rin alam kung mayroon bang pwedeng ikaso sa kanya dahil malinaw na misunderstanding ang nangyari at siguradong makakaladkad ang pangalan ng ina ni Romeo kung saka-sakaling mag-demanda ang mga ito. Pero sapat ang naging damage niyon sa kanya. Hindi na siya magugulat kung pinlano talaga ni Rosenda ang bagay na iyon at maaaring kasapakat nito mismo ang manager ng boutique. Lumabas siya ng mall na masamang-masama ang loob at parang gusto nang umiyak. Pinigil niya ang sarili. Hindi niya iiyakan ang ginawa sa kanya ng Señora. Hinamig niya ang sariling damdamin at inisip kung paanong makakauwi gayong hindi niya rin kabisado ang daan pabalik sa mansion. Nagtanong-tanong siya sa mga taong nagdadaan at sa mga traffic enforcer. Dahil hindi rin malinaw ang pagkakatanda niya sa daang binabagtas nila kapag lumalabas ng naka-kotse ay hindi rin siya masyadong natulungan ng mga sagot na nakuha niya. Nakailang sakay siya ng jeep at bus at bumaba kung saan-saan. Paulit-ulit siyang naligaw. Magdadapit-hapon na pero hindi pa rin niya mahanap ang daan pabalik sa mansion. Pagod na pagod na siya. Naupo siya sa sidewalk. Sa puntong iyon ay hindi na niya napigilang umiyak. Hinayaan niya ang sarili hanggang sa kumalmang muli ang pakiramdam niya. Muli siyang nagtanong-tanong sa mga nakakasalubong hanggang sa kabutihang palad ay isang matandang babae ang pamilyar sa lugar na sinabi niya. Dati raw nagtrabaho ang asawa nito roon bilang karpintero at hinahatiran daw nito ng pagkain. Sumakay sila ng bus nito. Halos dalawang oras din ang biyahe. Hindi niya napansin na mas lalo pala siyang napalayo sa dapat ay uuwian niya. Bumaba na sila ng butihing babae at itinuro nito kung saan dapat siya dumaan. Hindi na siya nito masasamahan dahil sa kabila raw ang daan nito. Naglakad-lakad siya ulit at nagtanong-tanong. Sumakay siya ng traysikel at unti-unti ay naging pamilyar na sa kanya ang lugar hanggang sa marating niya ang entrada ng subdivision ng mansion ng mga Rojo. Hindi na pinapasok ang traysikel sa loob at maging siya ay hindi pinayagang makapasok. Nag-alinlangan pa nga ang guwardiya na rumadiyo sa mansion nila Romeo. Makailang minuto pa bago siya binalikan nito at sinabing susunduin daw siya ni Sabel. She sighed for a relief. Exhausted na exhausted siya pero kahit paano ay gumaan na ang pakiramdam niya nang marinig ang pangalan ni Sabel. Pinapasok siya sa guard house at doon na lamang pinaghintay. Mayamaya pa ay nakita na niya ang sasakyan ni Sabel. Nang huminto iyon ay mabilis niyang sinalubong ang babae nang papalabas na ito ng kotse. Nayakap niya ito at hindi na naman napigilang maiyak. “Anong nangyari sa ‘yo? Kanina ka pa namin hinahanap. Tinatawagan ka namin kanina pero hindi ka sumasagot,” alalang-alalang sabi nito at inakay siya papasok sa kotse. Nang makapasok sa loob at umandar ang sasakyan ay saka niya ikinuwento ang nangyari nang araw na iyon. Dumilim ang maamong mukha ni Sabel nang marinig ang ginawa sa kanya ng Señora. She muttered a curse, the first time she heard her saying a profanity. “I’ll make sure that Romeo would hear this. Kanina pa rin siyang alalang-ala sa ‘yo at tawag nang tawag sa akin. Rosenda is terrible. We should not let this pass,” malinaw ang panggigigil sa tinig nito. “Baka naman lalo lang silang mag-away na mag-ina. I know Rosenda hates me. I understand where she’s coming from but I do hope that she gives me a chance to prove myself. That I’m telling the truth with what I’m saying about me and Romeo.” “Do not let anyone do this to you again, Corazon. You don’t deserve to be treated this way.” “Thank you, Sabel. I really appreciate your help. Pero ayaw ko na sanang palakihin pa ang gulo.” Umiiling-iling na nanahimik na lamang ito at nagpatuloy sa pagmamaneho. Nang makarating sila sa mansion ay naghihintay ang mga magulang ni Romeo sa salas. Nilapitan siya agad ni Rosenda at humingi ng tawad. Nagkaroon daw ito ng emergency kaya mabilis na umalis at nakaligtaang bayaran ang pinamili at hindi na siya nahintay pa. Pero pinabalikan daw siya nito sa driver subalit hindi na raw siya nakita pa nito sa mall. She knew it’s fake but she accepted her apology to end the conversation. She was too tired to say anything. Nang hanapin niya ang cellphone dito ay hindi raw nito matandaan kung saan nailagay iyon dahil sa sinasabi nitong emergency. Naturete raw ito. Tinawagan nila ang numero niya pero hindi na iyon nag-ri-ring. It’s either dead or turned off. Nangako naman ang ina ni Romeo na papalitan na lamang iyon ng bago. Tumango na lamang siya kahit nanghihinayang dahil regalo iyon sa kanya ng anak nito at may mga photo sila roon na magkasama na hindi niya sigurado kung mare-retrieve pa niya. Hinayaan na lamang muna niya at nagpaalam na sa mga ito dahil gustong-gusto na niyang makapag-pahinga. Nang lumapat ang katawan niya sa higaan ay agad siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD