MADALING-ARAW na lumabas ng silid ni Romeo si Corazon. Sa kabutihang palad ay wala namang nakapuna sa makamundong nangyari kagabi. Nang makabalik siya sa kanyang silid ay nahiya siya sa sarili sa pinaggagawa niya pero pinilit niyang isiksik sa isip na ala-ala lang ang nawala sa kanila at hindi pagmamahal. She forced herself to believe that love making will never be a form a sin.
Unless the person you f****d is in a relationship with someone else! Singit ng isang bahagi ng isip niya.
Siguro nga ay isang kasalanan iyon pero gagawin niya ang lahat para maitama iyon. Hindi niya hahayaang magpatuloy na maging makasalanan ang pag-ibig nila. Gagawin niya ang lahat para siya ang tuluyang piliin ni Romeo.
Itinulog na lamang niya ang pag-iisip at naalimpungtan nang maramdamang may humahalik sa kanya. Soft and tender kisses. When she opened her eyes, she saw Romeo’s face. He was smiling at her, flexing his deep dimples. Pinapungay nito ang mga mata na tila nagpapa-cute sa kanya.
“Hello!” bati nito.
“Hi!” balik niya.
“Sorry, I woke you up. I couldn’t help it, you’re so beautiful.”
Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi sa papuri nito. “Kanina ka pa ba dumating?” tanong na lamang niya nang walang maapuhap na sabihin.
“A little while. Umuwi lang talaga ako saglit para ibigay ‘to sa ‘yo,” anito at iniabot ang isang paper bag sa kanya.
Tinanggap niya iyon at binuksan. Kinuha niya ang box sa loob at nasorpresa nang makita ang iPhone 4s. Natatandaan pa niya ang presyo niyon nang dumaan sila sa mall. It’s expensive as it’s the latest iPhone model from Apple.
“Hindi mo ako kailangang bilhan ng mamahaling gamit, Romeo,” hindi niya naiwasang isatinig.
“I know but I just really like the quality of the product. Isa pa, I want to talk to you when I’m in the office. At hindi lang basta audio call. We can FaceTime each other para hindi natin masyadong ma-miss ang isa’t-isa.”
“Okay, so you bought this phone for me because you want to video call me, and so you won’t miss me?”
Tumango-tango ito, nagpapa-cute ulit ang dating. Siya naman ang humalik dito at pinupog ang magkabilang pisngi nito.
“I’ve missed you, too and if I could just be with you all the time, I definitely would,” she said passionately.
“I never thought that you’re cheesier than me,” natatawang sagot nito.
Mahinang tinampal niya ito sa noo. “Nakakainis ka naman, e!”
“All right, I think you’re just hungry since you haven’t eaten anything yet since last night. C’mon, get up and let’s have lunch together.” Ibinangon nito ang mga katawan nila at iginiya siyang mag-ayos ng sarili.
Nagpaunlak naman siya. Mabilis siyang naghilamos at nag-tooth brush. Paglabas niya ng banyo ay nakapili na si Romeo ng susuotin niya. It was a royal blue dress. One-shoulder iyon at knee-length. Sa ibaba ng kama ay naroon ang isang pares ng puting ankle strap shoes.
She was drowned with a moment of confusion. “Akala ko ba magla-lunch tayo?” aniya at itinuro ang damit at sapatos.
“Yeah, lunch date. Outside. How’s that sound?”
“Oh, sure,” mabilis na tugon niya at bumalik sa banyo para maligo.
After thirty minutes ay all dolled up na siya. Nakapagpalit na rin ng damit si Romeo. Naka-abresyete silang pumanaog. Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata ng mga kasambahay pero walang namutawi sa mga bibig ng mga ito. Tumuloy sila sa saksakyan nito at sumakay roon. Off they went.
Sa isang kilalang resto sila nagpunta ng binata at mukhang pinlano talaga nito iyon dahil may reservation na ito roon. When they sat down he called the waiter immediately to order food. And when the food arrived they started eating right away. Ang totoo niyan ay gutom na gutom na siya dahil totoo ang sinabi nito kanina na wala pa siyang kinain simula nang maaksyon na kaganapan sa silid nito.
“Stop staring at me,” asik niya rito, biglang na-conscious sa pagkain niya.
“I apologize, I couldn’t help staring at your beauty. And your eyes... I don’t know... it was trying to tell me something.”
“You’re trying to remember. That’s good, keep staring at me then.”
Natawa ito. Hindi na mapagkit sa mga labi nito ang tuwa. He was happy. She was happy. They were enjoying the moment.
PARANG na-overdose yata sa dopamine ang utak ni Romeo kung posible man iyon sa sobrang saya na nararamdaman niya sa ngayon. Who would have thought that one night would change a man’s perspective? Yes, he’s now willing to give it a try with Corazon. Nang magniig sila kagabi ay parang pamilyar na pamilyar at sabik na sabik ang mga katawan nila sa isa’t-isa. Na para bang matagal na nilang nagawa iyon at kagabi nga ay muling nagtagpo ang mga laman nila. There was a feeling of déjà vu when their body ignited and made love to each other. It was somehow bizarre but amazingly good and warm.
Ngayon ang problema na lang ay si Sandra. Paano niya sasabihin ditong tapos na sila? Na gusto niyang sumubok ng relasyon sa piling ni Corazon? Sobrang gago naman niya sa lagay na iyon. Parang hindi niya kayang sabihin at gawin. Pero anong gagawin niya? Keep them both? Be unfaithful? Hindi ba’t nagtaksil na rin siya kay Sandra dahil sa pakikipagniig niya kay Corazon? Hindi kaya nabibigla lang siya? Baka libog lang ang nararamdaman niya at ang tunay na nagsasalita ay alaga niyang nasa pagitan ng mga hita? He didn’t know what to do anymore. Ito na nga ba ang sinasabi niyang maaaring maging komplikasyon ng mga sitwasyon nila.
“Hey, finish your food.”
Naantala ang pag-iisip niya at muling natuon ang buong pansin dito. “Nabusog na kasi ako nang kakatitig sa ganda mo.”
“Bolero.”
“Totoo ang sinasabi ko.”
“Tse, kung totoo ang sinasabi mo sana wala ng mga taong nagugutom ngayon.” Sinundan nito iyo ng mahinang tawa.
“Why, you’re making me feel bad. I’m just stating an honest to goodness compliment.” His phone vibrated. Nang silipin niya iyon ay tawag mula sa opisina. Dinampot niya ang aparato sa mesa, “I need to answer, sorry,” paalam niya at lumayo.
“Hi, sir! Mr. Feron is here in the office and waiting for you. I gave him the files you left for him and would like to talk to you regarding some clauses in the contract,” boses ng executive secretary niyang si Glenda, a woman in her mid-forty. Naging sekretarya pa ito ng kanyang ama noon.
“I’m currently on a lunch date right now, Glends. Can you please entertain him for a while?”
“Ano namang akala mo sa akin, sir. Ni hindi ako marunong sumayaw. Iwan mo na ‘yang si Sandra d’yan.” Hindi nito itinago ang inis sa pagbanggit ng pangalan ng babae.
“Well, the thing is, I’m not with Sandra.” Narinig niya ang malakas na pag-oh nito at nang matapos ang tunog sa kabilang linya ay nagpatuloy siya, “Please, take care of Mr. Feron for the mean time. I’ll be there in an hour. Okay?”
“All right, sir.”
“And please don’t tell anyone with what I have told you.”
“My mouth is zipped, trust me.”
“I trust you,” Nagpaalam na siya rito at pinindot ang end button ng cellphone. Bumalik siya sa mesa nila ni Corazon.
She’s now having her desserts. “Something urgent?”
“Not really. Enjoy your food. We don’t need to rush.”
“If you need to go back to office, I can come with you.” Sumubo ito ng Apple Pie a la Mode.
He stared at her again, enticed by the mere movement of her lips. He wanted to take those lips against his own. “Yes, you may come with me,” tugon niya bago pa tuluyang mabaliw.
Corazon continued with her food while he continued watching her. He couldn’t help himself but get mesmerized. His mind was playing with fire and he could feel the tightening of his crotch.
Tinawag niyang muli ang waiter upang mabaling sa iba ang atensyon niya at hindi sa nagwawalang pundilyo niya. Kinuha niya ang bill at ibinigay rito ang credit card para makapagbayad. Umalis saglit ang waiter at nang makabalik ay isinauli sa kanya ang card.
Makailang minuto lang ay lumabas na sila ng resto at sumakay sa sasakyan niya. Nag-maniobra siya at binaybay ang direksyon patungong opisina nila. Hindi naman iyon gaanong kalayuan sa pinanggalingan nila pero dahil sa traffic ay inabot pa rin sila nang kulang-kulang isang oras. Mabuti na lamang at kasama niya ang babae kaya hindi naging kabagot-bagot at kabugnot-bugnot ang mga sandaling iyon.
He stopped the car at the front of the main vehicle entrance way and let the parking valet attended his car. They entered the company vicinity and every employee they encountered were left awe-struck. If it was because of Corazon’s presence, he didn’t know. And he didn’t mind at all. They rode on his private elevator and when they landed on the executive floor, Glenda approached him. Nakita pa niya ang mabilis na pag-skim and scan nito kay Corazon bago ibinaling ang buong atensyon sa kanya.
“How’s Mr. Feron? Were you able to indulge him well?”
“Of course, sir.” Gumilid ito pakaliwa sa kanya at mabilis na bumulong. “She’s gorgeous than Sandra.”
He agreed using his eyes and brows. “Corazon please to meet Glenda, my secretary and Glenda please to meet Corazon…” he hung up with what he was about to add. Mabilis na nagkamay naman ang dalawa nang wala na siyang idugtong.
“Come, sweetheart. I’ll estimate you while Romeo goes to a confidential meeting,” si Glenda na inakay si Corazon at itinaboy siya sa left-wing ng hallway to go the conference room.
Kumaway siya kay Corazon at dumiretso na sa silid kung saan naghihintay ang kliyente nila. They started to review and talk about the contract. The conversation lasted almost an hour. Mabilis naman niyang tinungo ito pero kinailangan niyang umalis ulit. He had few negotiations with investors and after that, a meeting with the board. He also signed a couple of documents. Passed seven in the evening when he finished all necessary commitments. Binalikan niya ito kay Glenda pero wala ito roon.
“Where’s Corazon?”
“She’s resting inside your office. I think she fallen asleep.”
“Jeez, I wasn’t expecting to do a lot of jobs today.” He felt so bad na pinaghintay niya ito ng mahabang oras hanggang sa makatulog na lamang sa opisina niya.
“By the way, sir---”
“Oh, no. Don’t tell me I forgotten to meet other clients?” putol niya rito.
“Nope, we’re all good for today. What I was just about to say is that Sandra called and she was looking for you and asked you to call her back the soonest time possible.”
Tinanguan lamang niya ito.
“And, sir… err---I don’t want to sound nosy but just a simple advice, drop one of the girls. You shouldn’t be having both of them. Hindi naman sa nagmamalinis ako pero hindi naman tama na parang pinagsasabay mo sila.”
“I know, Glends. I appreciate the advice. It’s just that it’s kinda’ complicated.”
“No, sir. It isn’t. Break up with Sandra and keep Corazon. I like her better.”
“You sound bias,” buska niya rito. Noon pa man ay may tila animosity na ito kay Sandra. Sadyang malakas lang ang loob ng babaeng magsabi ng saloobin dahil matagal nang naninilbihan sa kumpanya nila bilang sekretarya.
Tumawa lang ito sa sinabi niya at muling nagbilin bago siya iniwan. Nang tuluyan itong mawala sa paningin niya ay tinungo niya ang opisina. Natagpuan niya si Corazon na nakapamaluktot sa couch.
Nagiging awtomatiko na yata ang mga ngiti niya tuwing nasisilayan ito. Lagi ring nag-aalab ang damdamin niya na para bang matutupok siya sa anumang sandali. He wanted to kiss her there and then. Nagririgodon ang dibdib niya ng mga sandaling iyon. He was being filled by excitement. He could feel the stirring of his loins.
Her forced himself so hard to resist the temptation. Control. He breathed in. Control. He breathed out.
Panumandaling iniwan niya ito upang buksan ang pinto ng isang silid sa opisina niya. It was his private room in the office as sometimes he reached late night to early morning working on different papers. Sa silid na iyon siya nagpapahinga at nagpapalipas ng magdamag. Unang pagkakataon iyon na magdadala siya ng babae. Kahit si Sandra ay hindi nakatulog doon dahil palaging sa hotel sila nagbu-book kung kailangan.
Binalikan niya si Corazon sa couch at marahan itong binuhat. He didn’t want to wake her up as she looked so peaceful while sleeping. Nang makarga niya ito ay bahagya itong kumislot ngunit hindi naman nagising nang tuluyan. Dinala niya ito sa loob ng kuwarto at inayos ang pagkakahiga sa kama roon.
Tinabihan niya ito roon at muling tinitigan ang maganda nitong mukha. Mahimbing na mahimbing ang tulog nito. May dalang kapanatagan iyon sa damdamin niya. He was actually surprised that he felt other emotions towards her aside from lust. The lust was still within him but it wasn’t really intense right now. He was just contented watching over her. And it was more than enough.
TURQUOISE colored-dress ang laman ng malaking box na natagpuan niya sa ibabaw ng kanyang kama. May kalakip na note iyon mula kay Romeo. Hindi niya maiwasan ang hindi kiligin sa mga natatanging compliment nito para sa kanya. Kahit ba para siyang teen-ager kung maka-react minsan ay hinahayaan na lamang niya ang sarili. Nahihirapan man siyang ipagkasya ang mga lihim nilang tagpo pero tinitiis niya para sa ligayang naaamot niya mula rito.
Nabulabog siya sa pagdi-daydream nang biglang bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok ang ina ni Romeo. Marahan nitong isinara ang pintuan at narinig pa niya ang pag-click ng lock niyon. Sopistikada ngunit maaskad na humarap ito sa kanya.
“I know what you are doing, Corazon. I’m only going to ask you once, stay away from my son. He didn’t deserve you,” diretsang sabi nito, halos hindi kumukurap ang mga mata.
Nabigla man ay alam niyang darating ang sandaling ito. “Pasensya na, Tita Rosen---”
“Huwag mo akong tawaging Tita. I don’t consider you a family. You’re just a mere scheming woman who would like to get her personal desires. Kilala ko ang mga katulad mo kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa ‘yong hindi ka uubra sa akin. Lubayan mo ang anak ko o makikita mo kung sino ang binabangga mo,” mariin at nanginginig ang mga labing pahayag ng ina ni Romeo.
“But I can’t leave---”
Tinalikuran na siya ng matanda bago pa man niya maituloy ang sasabihin. Nang marinig niya ang pagbagsak ng pintuan ay nanghihinang lumugmok siya sa gilid ng higaan. Naitanong niya sa sarili kung bakit tila galit na galit ito sa kanya. Anong ginawa niyang mali? May kasalanan ba siya rito? Gusto lamang niyang makasamang muli ang anak nito. Siguro ay kailangan na rin ng mga itong malaman ang katotohanan. Kakausapin niya si Romeo para masabi nila sa mga magulang nito ang mga ala-alang natatandaan na niya.
“What’s wrong? Are you okay?”
Napatingala siya sa bagong dating. It was Sabel. Dinaluhan siya nito sa higaan at sinalat ang leeg at noo niya.
“I’m fine, Sabel. Medyo sumakit lang ng kaunti ang ulo ko,” pagdadahilan niya.
“Sige, magpahinga ka muna saglit. Paalis na rin tayo mayamaya.”
“I’m totally okay. Mawawala na rin ito kapag nag-take effect ‘yong gamot na ininom ko. Tulungan mo na lang akong isukat itong damit ko.”
“Wow, this looks fabulous on you!”
She helped her test the dress on her and it suited her perfectly. Nag-suggest din ito ng magandang ayos ng buhok niya at kung anong pares ng sapatos ang ibabagay niya sa damit. Nag-presinta na rin itong tulungan siyang mag-ayos doon. Kasama rin nila ang kasambahay na si Lili.
Nang matapos silang mag-ayos ng sarili ay sabay na silang lumabas ng kuwarto niya. Tinulungan naman sila ng kawaski na magbitbit ng mga isusuot nila. Pagbaba ng mansion ay may nag-aabang ng sasakyan sa kanila.
Sinalubong sila ni Anette. “Ma’am Sabel, nauna na po sila senyora at senyor. Hihintayin na lang daw po nila kayo sa airport.”
Nagpasalamat lang ito sa mga katulong at nagbilin na bantayan si Alexa habang wala sila. Lumulan na sila sa sasakyan at nagpahatid sa airport. Naging mabilis naman ang biyahe at nang dumating sila roon ay dumiretso na sila sa private jet. Bumati sila sa mag-asawa at naupo na rin sa kalapit na puwesto ng mga ito.
Ilang minuto lang ay nag-takeoff na ang private jet. Nang maging tahimik ang paglipad niyon sa himpapawid ay nagsimula silang magkuwentuhan ni Sabel. After more than an hour ay matiwasay naman silang nakarating sa Palawan para sa opening ng hotel ng pamilya ni Romeo. Doon na sila nagpalit ng damit nito at nag-retouch bago tuluyang bumaba.
Isang limousine ang sumundo sa kanila. Sabi ni Sabel ay hindi kalayuan sa airport ang bagong tayong hotel kaya mabilis din silang makakarating. Wala pa ngang beinte minutos ay naroon na sila.
Her heart skipped a beat when she saw Romeo. He looked so dashing with his beige tuxedo. He was so handsome as ever.
Kahapon pa naroon ang lalaki para asikasuhin ang ilang bagay bago pasinayahan ang hotel. Kaya sobrang miss na rin niya ito. Kumaway siya nang magtagpo ang kanilang mga mata.
He waved back and walked towards her. She waited for him. Pero bigla na lamang itong tumimbuwang pagkatapos nilang makarinig ng putok. Biglang nagkagulo ang mga tao at nagsitakbuhan palayo. Habang siya ay hindi makakilos mula sa pagkakatayo at mulagat na nakatutok lamang sa bumagsak na katawan ni Romeo.
Nang maramdaman niya ang init ng luha sa magkabilang pisngi ay naging hudyat iyon ng mga paa niya upang tunguhin ito. Lumuhod siya tabi nito at kinandong ang ulo nito sa hita niya. Wala itong malay kaya pinilit niya itong gumising. Ngunit hindi ito kumikilos. At nang mapansin niyang may dugo sa mga kamay niya ay kinapa niya ang katawan nito. His head and chest were bleeding.
“No, please… No!” hagulgol niya. “Help! Help us! Please, help us!” sunod-sunod na sigaw niya subalit walang dumadating na tulong.
Sinapo niya ang pisngi ni Romeo. “Wake up, Cariño. Wake up. Stay with me, please. I love you. I love you so much, Cariño. Don’t leave me again, please. Hindi ko kaya kapag nawala ka ulit, Cariño. Lumaban ka para sa anak natin…” para sa anak natin…
Sa pagitan ng nanlalabong mga mata dahil sa pagkahilam sa luha ay biglang nagkalinaw ang ilang bagay sa kanyang isipan. Dumagsa ang iba’t-ibang imahe sa balintataw niya. Hindi niya kinaya ang daloy ng mga ala-ala. Malabis na nanakit ang kanyang ulo. Umikot ang paningin niya. Ang huling namalayan na lamang niya ay ang pagbagsak ng katawan sa tabi ng lalaking minamahal.